Ang Alfonso (Ingles: Alphons, Latinisadong Alphonsus, Adelphonsus, or Adefonsus) ay isang panlalaking ibinigay na pangalan na itinala noong ika-8 dantaon (Alfonso I ng Asturias, namuno 739-757) sa kapalit na mga estadong Kristiyano ng kahariang Bisigotiko sa tangway ng Iberia. Sa kahulihan ng panahong medyibal ito ay naging pamantayang pangalan sa mga pamilyang royal na Hispaniko at Portuges.

Alfonso
KasarianLalaki
Pinagmulan
Salita/PangalanMga wikang Hermaniko
Kahulugan"Maringal na matatag"
Katanyagantingnan ang mga pangalang tanyag
Wiktionary
Wiktionary
Tingnan ang Alphons sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.

Nagmula ito sa isang pangalang Gotiko, o pinagsanib-sanib na ilang mga pangalang Gotiko; mula *Aþalfuns na binubuo ng mga elementong aþal "dakila" at funs "nanggigigil, matapang, handa", at maaring naimpluwensiyahan ng mga pangalang tulad ng *Alafuns, *Adefuns at *Hildefuns.

Naitala ito bilang Adefonsus nong ika-9 at ika-10 mga dantaon,[1] at bilang Adelfonsus, Adelphonsus sa ika-10 hanggang ika-11 na mga dantaon. Ang pinaikling uri na Alfonso ay naitala noong kahulihan ng ika-9 na dantaon, at noong unang bahagi ng ika-11 na dantaon naman naitala ang uring Portuges na Afonso.[2] [3] Itinala naman ang Anfós sa Katalan mula ika-12 hanggang ika-15 na mga dantaon. [4]

Kasama sa mga baryante ng pangalan ay: Alfonso (Kastila at Italyano), Alfons (Olandes, Aleman, Katalan, Polako at Iskandinabo), Afonso (Portuges at Galisyano), Alphonse, Alfonse (Italyano, Pranses at Ingles), atbp..

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. sa henitibo, Adefonsi:
  2. José Pedro Machado, Dicionário Onomástico Etimológico da Língua Portuguesa
  3. E. Förstemann, Altdeutsches Namenbuch (1856:133, 145).
  4. Diccionari d'Història de Catalunya; ed. 62; Barcelona; 1998; ISBN 84-297-3521-6; p. 25