Alfred Russel Wallace
Si Alfred Russel Wallace, OM, FRS (8 Enero 1823 – 7 Nobyembre 1913) ay isang British na naturalista, eksplorador, heograpo, antropologo at biologo. Siya ay mahusay na kilala sa kanyang independiyenteng pagkakaisip ng teoriya ng ebolusyon sa pamamagitan ng natural na seleksiyon na nagtulak kay Charles Darwin na ilimbag ang kanyang mga sariling ideya sa On the Origin of Species. Si Wallace ay nagsawa ng mga malawakang paggawa sa larangan una sa Amazon River basin at pagkatapos ay sa Malay Archipelago kung saanniya tinukoy ang Linyang Wallace na naghahati sa Indonesian archipelago sa dalawang mga natatanging bahagi: isang kanluraning bahagi kung saan ang mga hayop ay malaking may pinagmulang Asyano at isang silanganing bahagi kung saan ang fauna ay sumasalamin sa Australasia. Siya ay itinuturing na nangungunang dalubahasa noong ika-19 na siglo sa distribusyong heograpikal ng species ng hayop at minsang tinatawag na "ama ng bioheograpiya".[1] Si Wallace ay isa sa mga nangungunang mga tagapag-isip ng ebolusyon ng ika-19 siglo at nakagawa ng maraming mga ambag sa pagkakabuo ng teoriyang ebolusyonaryo bukod pa sa pagiging kapwa nakatuklas ng natural na seleksiyon. Ito ay kinabibilangan ng konsepto ng aposemastismo sa mga hayop, ang epektong Wallace na isang hipotesis kung paanong ang natural na seleksiyon ay nakakapag-ambag sa speciation sa pamamagitan ng paghikayat sa pagunlad ng mga harang laban sa pagha-hybrid.
Alfred Russel Wallace | |
---|---|
Kapanganakan | 8 Enero 1823 |
Kamatayan | 7 Nobyembre 1913 Broadstone, Dorset, England | (edad 90)
Nasyonalidad | British |
Kilala sa | His co-discovery of natural selection and his work on biogeography |
Parangal | Royal Society's Royal Medal (1868) and Copley Medal (1908), Order of Merit (1908) |
Karera sa agham | |
Larangan | Exploration, biology, biogeography, social reform, and botany |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Smith, Charles H. "Alfred Russel Wallace: Evolution of an Evolutionist Introduction". The Alfred Russel Wallace Page hosted by Western Kentucky University. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-18. Nakuha noong 2007-04-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)