Alfredo Verzosa

Obispo at Lingkod ng Diyos

Si Alfredo Florentin Verzosa (8 Disyembre 1877 – 27 Hunyo 1954) ay obispo ng noo'y Diyosesis ng Lipa mula 1916 hanggang kanyang pagretiro noong 1951. Siya rin ang naging instrumental sa pagtatag ng Missionary Catechist of the Sacred Heart.[1]

Lingkod ng Diyos
Alfredo F. Verzosa
Larawan ni Bishop Alfredo F. Verzosa
Obispo ng Lipa, Nueva Segovia at Capsa
IpinanganakAlfredo Florentin Verzosa
9 Disyembre 1877
Vigan, Ilocos Sur, Pilipinas
Namatay27 Hunyo 1954 (edad 76)
Vigan, Ilocos Sur, Pilipinas
Benerasyon saIglesia Katolika
Pangunahing dambanaSaint Paul Metropolitan Cathedral, Vigan, Ilocos Sur, Pilipinas
Kapistahan27 Hunyo
KatangianEpiscopal attire
Pectoral cross
Book
PatronMissionary Catechists of the Sacred Heart

Coat of Arms of the Servant of God Alfredo Verzosa

Sanhi ng beatipikasyon at kanonisasyon

baguhin

Noong 11 Enero 2013, sa pamumuno ni Archbishop Ernesto Salgado D.D., Ang Arkidiyosesis ng Nueva Segovia ay nagbukas ng kanyang opisyal na dahilan para sa pagiging beatipikasyon.Ito ay bilang tugon sa petisyon ng Missionary Catechist of the Sacred Heart, Si Fray Samsón Silloriquez ay hinirang bilang Postulator. Sa pagbubukas ng Sanhi, binigyan si Alfredo Verzosa ng titulong, "Lingkod ng Diyos."

Noong 17 Nobyembre 2014, ang Congregation for the Causes of Saints ay naglabas ng "Nihil Obstat" (Walang humahadlang sa daan) sa proseso ng beatipikasyon at kanonisasyon, Ang Tribunal ay pinamunuan ni Salgado na siyang hukom nito hanggang sa kanyang pagretiro noong 2013. Pinalitan siya ni Archbishop Marlo Peralta D.D., ang bagong Arsobispo ng Nueva Segovia, na nagsabing ang buhay ni Verzosa ay minarkahan ng pagsunod at kababaang-loob. Si Gary Noel Formoso ay nagsilbing Judge-Delegate kasama si Santos Rabang bilang Defender of Justice at Gwendolyn Condor bilang Notary. Noong 2 Abril 2016 natapos ang Diocesan Enquiry.

Matapos ang pagsumite ng mga papel ng Diocesan Enquiry, Ang Congregation for the Causes of Saints ay naglabas ng "Decree of Validity" noong 2 Hunyo 2017. Sinundan ito ng pagtatalaga kay Paul Pallath bilang Relator ng Sanhi.[2][3][4]

Sanggunian

baguhin
  1. "Our Founders – Bishop Alfredo Florentin Verzosa." MCSH Sisters. (Inaccess 2011-06-07). (sa Ingles)
  2. "Ilocano bishop might be next Filipino saint". rappler.com. Nakuha noong 7 Abril 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Canonization process for another possible Pinoy saint to begin in January". gmanetwork.com. Nakuha noong 7 Abril 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Beatification process opens for 1st Ilocano bishop". manilastandard.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Abril 2017. Nakuha noong 7 Abril 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo at Talambuhay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.