Alon ng grabitasyon

Sa pisika, ang mga along grabitasyonal o along panggrabitasyon (Ingles: gravitational waves) ang mga teoretikal na kurbada ng espasyo at oras na lumalaganap bilang isang alon at naglalakbay papalayo mula sa pinagmulan. Ito ay hinulaang umiiral ni Albert Einstein noong 1916 batay sa kanyang teoriya ng pangkalahatang relatibidad. Ang mga along grabitasyonal ay teoretikal na naghahatid ng enerhiya bilang isang grabitasyonal na radiyasyon. Ang mga pinagmulan ng mga along grabitasyonal ay posibleng kinabibilangan ng mga sistema ng binaryong bituin na binubuo ng mga puting dwende, bituing neutron o mga itim na butas. Ang eksistensiya ng mga along grabitasonal ay posibleng ang kinahihinatnan ng inbariansang Lorentz ng pangkalahatang relatibidad dahil ito ay nagdadala ng konseppto ng isang naglilimitang bilis ng mga pisikal na interaksiyon dito. Ang mga along grabitasyonal ay hindi maaaring umiral sa batas grabitasyon ni Newton dahil ang mga pisikal na interaksiyon dito ay lumalaganap sa walang hangganang bilis.

Dalawang dimensiyonal na representasyon ng mga along grabitasyonal na nilikha ng dalawang mga bituing neutron na umo-oribito sa bawat isa.

Ang unang hindi direktang ebidensya para sa pagkakaroon ng mga alon ng grabitasyon ay nagmula noong 1974 mula sa naobserbahang orbital decay ng Hulse–Taylor binary pulsar, na tumugma sa pagkabulok na hinulaang ng pangkalahatang relativity habang nawawala ang enerhiya sa radyasyong gravidad. Noong 1993, si Russell A. Hulse  at Joseph Hooton Taylor Jr. ay tumanggap ng Gantimpalang Nobel sa Pisika para sa pagtuklas na ito.

Ginawa ang unang direktang pag-obserba ng mga gravitational wave noong 2015, nang natanggap ng mga LIGO  gravitational wave detector ang signal na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawang black hole sa Livingston, Louisiana, at sa Hanford, Washington. Ang Gantimpalang Nobel sa Pisika ay kasunod na iginawad kina Rainer WeissKip Thorne at Barry Barish  noong 2017 para sa kanilang papel sa direktang pagtuklas ng mga alon ng grabistasyon.

Sa gravitational-wave astronomy, ang mga obserbasyon ng mga alon ng grabitasyon ay ginagamit upang maghinuha ng datos tungkol sa mga pinagmulan ng mga ito. Kabilang sa mga pinanggalingan na maaaring pag-aralan sa ganitong paraan ang mga binary star system na binubuo ng mga white dwarf, neutron star,[1][2] at black hole; mga kaganapan tulad ng supernoba; at ang pagbuo ng maagang uniberso di-nagtagal pagkatapos ng Big Bang.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Chang, Kenneth (29 Hunyo 2021). "A Black Hole Feasted on a Neutron Star. 10 Days Later, It Happened Again – Astronomers had long suspected that collisions between black holes and dead stars occurred, but they had no evidence until a pair of recent detections". The New York Times. Nakuha noong 29 Hunyo 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Abbott, R.; atbp. (29 Hunyo 2021). "Observation of Gravitational Waves from Two Neutron Star–Black Hole Coalescences". The Astrophysical Journal Letters. 915 (1): L5. arXiv:2106.15163. Bibcode:2021ApJ...915L...5A. doi:10.3847/2041-8213/ac082e. S2CID 235670241.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya at Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.