Alte Nationalgalerie
Ang Alte Nationalgalerie (lit. na Lumang Pambansang Galeriya) ay isang nakatalang gusali sa Pulo ng mga Museo sa sentrong pangkasaysayan ng Berlin at bahagi ng Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO. Ito ay itinayo mula 1862 hanggang 1876 sa pamamagitan ng utos ni Haring Federico Guillermo IV ng Prusya ayon sa mga plano nina Friedrich August Stüler at Johann Heinrich Strack sa mga estilong Neoklasiko at Neorenasimyento. Nagtatampok ang hagdan sa labas ng gusali ng isang alaala kay Federico Guillermo IV.[1] Sa kasalukuyan, ang Alte Nationalgalerie ay tahanan ng mga pinta at lilok noong ika-19 na siglo at sumasalubong sa iba't ibang tourist bus araw-araw.[2]
Itinatag | 1876 |
---|---|
Lokasyon | Pulo ng mga Museo, Berlin |
Mga koordinado | 52°31′15″N 13°23′53″E / 52.52083°N 13.39806°E |
Uri | Museong pansining |
Pampublikong transportasyon | U: Museumsinsel (Padron:BLNMT-icon) |
Sityo | Alte Nationalgalerie |
Kasaysayan
baguhinPagkakatatag
baguhinAng unang hudyat sa pagtatatag ng isang pambansang galeriya ay umusbong noong 1815. Ang ideya ay nakakuha ng momentum noong dekada 1830, ngunit walang aktuwal na gusali. Noong 1841 ang unang tunay na mga plano ay nilikha. Ang mga planong ito ay hindi kailanman nakalabas sa mga yugto ng pagpaplano, ngunit sa wakas noong 1861 ang Pambansang Galeriya ay itinatag, matapos na ang bangkero na si Johann Heinrich Wagener ay nagbigay ng 262 pinta ng parehong Aleman at dayuhang artista. Ang donasyong ito ang naging batayan ng kasalukuyang koleksiyon. Ang koleksiyon ay unang kilala bilang Wagenersche und Nationalgalerie (Wagener at Pambansang Galeriya) at nakalagay sa mga gusali ng Akademie der Künste. Ang kasalukuyang gusali, na hugis tulad ng isang Romanong templo na may nakadugtong na abside, ay idinisenyo ni Friedrich August Stüler at pagkatapos ng kaniyang kamatayan, natanto nang detalyado sa ilalim ni Carl Busse.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Nationalgalerie & Kolonnaden Naka-arkibo 2020-07-12 sa Wayback Machine. (in German) Landesdenkmalamt Berlin
- ↑ Alte Nationalgalerie (in English) Staatliche Museen zu Berlin
- Ang artikulong ito ay batay sa isang pagsasalin ng artikulo sa Wikipediang Aleman na Alte Nationalgalerie .
Karagdagang pagbabasa
baguhin- Bernhard Maaz (Ed.). Die Alte Nationalgalerie. Geschichte, Bau und Umbau. Berlin: G + H, 2001,ISBN 9783886094530 .
- Peter-Klaus Schuster. Die Alte Nationalgalerie. Berlin: SMB-DuMont, 2003,ISBN 9783832173708 .
- Angelika Wesenberg (Ed.). Frankreich in der Nationalgalerie: Courbet, Manet, Cézanne, Renoir, Rodin. Katalogo ng eksibisyon. Berlin: Nationalgalerie, Staatliche Museen zu Berlin, 2007,ISBN 978-3-88609-585-8 .
- Bénédicte Savoy at Philippa Sissis (Hrsg. ): Die Berliner Museumsinsel: Impressionen internationaler Besucher (1830-1990). Eine Anthologie. Böhlau, Wien/Köln/Weimar 2012,ISBN 978-3-412-20991-9 .
Mga panlabas na link
baguhin- (sa Ingles) Alte Nationalgalerie
- (sa Aleman) Online collections database Naka-arkibo 2022-06-22 sa Wayback Machine.
- 360° Panorama at the Alte Nationalgalerie
- Some paintings from museum collection
Padron:Museum Island, BerlinPadron:Visitor attractions in Berlin