Alternating current
Ang alternating current (AC) o pasalit-salit na kuryente ay isang uri ng pagdaloy ng kuryente. Ito ay papalitlit ng direksyon di tulad ng direct current (DC) o tuwirang kuryente na kung saan ay iisa lamang ang direksyon na pinagdadaluyan. Ang alternating current ay isang paraan upang maipadala ang kuryente sa lugar ng negosyo at mga tahanan, ito rin ang paraang ginagamit ng karamihan sa tuwing sila ay gumagamit ng kanilang kagamitan sa kusina, telebisyon, bentilador at saka de kuryenteng lampara sa dingding. Ang pangkaraniwang pinanggagalingan ng DC ay baterya ng flashlight. Ang AC at DC ay pagpapaikli ng salitang alternating current at direct current na kadalasang ginagamit tuwing nagbabago ang daloy ng kuryente o ang boltahe nito.[1][2]
Ang karaniwang itsura ng lundo ng isang alternating current sa karamihan ng mga kagamitang gumagamit ng kuryente ay lundong sine Sa iba namang kagamitan ay gumagamit sila ng iba't ibang uri ng lundo tulad ng lundong patatsulok o parisukat. Ang signal ng radyo o audio na dumadaloy sa kawad ng kuryente ay isa rin sa mga halimbawa ng isang alternating current. Ito ay ang mga uri ng alternating current na nagdadala ng kabatiran tulad ng tunog at larawan na kadalasang dinanadala sa pamamagitan ng pagbago ng lakas nito. Karaniwang pasalit-salit ang mga kuryenteng ito sa mas mataas na frequency kaysa sa mga ginagamait sa pagpapadala ng kuryente.
Ipinamamahagi ang lakas pang-elektriko bilang pasalit-salit na kuryente dahil ang boltaheng AC ay maaaring tumaas o bumaba kasama ang isang transpormer. Pinapayagan nitong dumaloy ang kuryente sa linya ng mas mahusay sa mataas na boltahe, na kung saan pinabababa ang nawawalang kuryente bilang init dahil sa resistensya ng kawad, at binabago sa mas mababa at mas ligtas na boltahe para magamit. Ang paggamit ng mas mataas na boltahe ay mas nakakatipid sa paghatid ng kuryente. Ang nasasayang na kuryente () sa isang linya ay produkto ng matematikong kuwadrado o square ng dumadaloy na kuryente (I) at ang resistensya (R) ng kawad, na inilalarawan ng pormularyong ito
Nangangahulugang ito na tuwing naghahatid ng nakapirming kuryente sa isang kawad, kung ang kuryente ay hinati (i.e. ang boltahe ay dinoble), ang nawalang kuryente ay magiging apat na beses na mas kaunti.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ N. N. Bhargava; D. C. Kulshreshtha (1983). Basic Electronics & Linear Circuits (sa wikang Ingles). Tata McGraw-Hill Education. p. 90. ISBN 978-0-07-451965-3.
{{cite book}}
: Unknown parameter|last-author-amp=
ignored (|name-list-style=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ National Electric Light Association (1915). Electrical meterman's handbook (sa wikang Ingles). Trow Press. p. 81.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)