Ang direct current (DC) o tuwirang kuryente ay ang isahang direksyon ng daloy ng pangkuryenteng charge. Nalilikha ang tuwirang kuryente sa pamamagitan ng isang pinagmulan katulad ng baterya, power supplies, mga thermocouple, mga solar cell, o mga dynamo. Maaring dumaloy ang tuwirang kuryente sa isang konduktor katulad ng kawad, ngunit maari rin na dumaloy sa pamamagitan ng semikonduktor, at insulador, o kahit sa vacuum katulad ng sa katodong sinag. Dumadaloy ang kuryente sa isang direksyong hindi nagbabago para maiba ito sa alternating current (AC) o pasalit-salit na kuryente. Ang lumang katawagan sa uri ng kuryenteng ito ay galvanic current.[1]

Direct Current (pulang linya). Ang pahigang aksis ay sumusukat ng oras; ang patayo naman ay kuryente o boltahe.

Mga makinang direct current

baguhin

Ang mga makinang direct current ay mga tagasalin ng enerhiyang mekanikal mula sa isang DC na source. And isang makinang DC ay maaaring gumana o gamitin bilang isang motor o bilang isang generator.

Sa isang motor na DC ay mayroong kondoktor na may kuryente ang gumagawa ng isang magnetic field na kung inilagay sa isang panlabas na magnetic field, ito ay makakaranas ng isang puwersang proporsyonal sa kuryente sa kondoktor at sa lakas ng magnetic field. At ang interaksyong ito ay ginagamit upang matagumpay na makagawa ng mosyong paikot.

Sa isang DC generator naman ay kabaliktaran ng motor na DC. Kung saan ang magiging umpisa ay ang mekanikal na pag-ikot at ang kinalabasan ay ang pagkakalikha ng elektrisidad.

Sa isang self-excited na makinang DC, ang field winding ay konektado nang nakahilera sa armature winding upang ang boltahe ay naibibigay patungo dito. Ang shunt field winding ay mayroong maraming turno o paikot na mga malilite na kable o kawad na mayroong katangian ng mataas na resistensiya. At bahagi lamang ng armature na kuryente ang dumadaloy sa shunt field winding.

Halos lahat ng DC na generator na uring shunt ay self-excited. Tinatawag itong shunt generator kapag ang field current nito ay konektado ng nakahilerang sa armature at sa dinadala nito. Ang field circuit ay four-pole winding na pwedeng nakakonekta ng serye, nakahilrea o nakaserye-nakahilera.

Ang mga sumusunod ay mga equation na naglalarawan sa motor na DC at DC generator:

Motor:

Vf = Rf If = Vt
Vt = Ra Ia + Eb
IL = If + Ia
Eb =  Laf If
T = Laf If Ia

Generator:

Eg = Ra Ia + Vt = Ra Ia + Vf
Vf = Rf If
Ia = IL + If
V = boltahe,
Rf = resistensya ng field,
If = kuryente sa field,
Ra = resistensya ng armature,
Ia = kuryente sa armature,
Eb = back emf,
Eg = nagenerate na boltahe

Mga sanggunian

baguhin
  1. Andrew J. Robinson, Lynn Snyder-Mackler (2007). Clinical Electrophysiology: Electrotherapy and Electrophysiologic Testing (ika-3rd (na) edisyon). Lippincott Williams & Wilkins. p. 10. ISBN 978-0-7817-4484-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)