Mosyon
Sa pisika, ang mosyon o paggalaw ay ang pagbabago sa isang posisyon ng isang bagay na sinaalang-alang ang oras. Karaniwang sinasalarawan ang mosyon sa kondisyon ng pag-aalis, layo, kabilisan (velocity), pagpapabilis (acceleration), oras at tulin (speed).[1] Minamasid ang mosyon ng isang bagay sa pamamagitan ng pagkabit ng kuwadro ng reperensiya sa isang nagmamasid at sinusukat ang pagbabago sa posisyon ng bagay na may kaukulan sa kuwadro.
Kung ang posisyon ng isang bagay ay di nagbabago na sinaalang-alang ang kuwadro ng reprensiya, sinasabing ang bagay ay nakapahinga, walang mosyon, di gumgalaw, nakipirme o may di nagbabagong (time-invariant o di nagbabagong oras) posisyon. Di nagbabago ang mosyon ng isang bagay hangga't di ito inaktuhan ng isang puwersa, tulad ng sinalarawan. Ang momentum ay isang halaga na ginagamit para masukat ang mosyon ng isang bagay. May direktang kaugnayan ang momentum sa masa at kabilisan ng isang bagay, at ang kabuuang momentum ng lahat ng mga bagay sa isang sistemang nakahiwalay ay di nagbabago sa oras, tulad ng sinasalarawan ng batas ng pagtitipid ng momentum.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Nave, R. "Description of motion". Hyperphysics. Georgia State University. Nakuha noong 25 Enero 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)