Tulin

(Idinirekta mula sa Belosidad)

Ang tulin (Ingles: velocity) o belosidad (mula Kastila: velocidad) ng isang bagay ay ang dalas ng pagbago ng posisyon nito mula sa isang sinasangguning punto (frame of reference). Isa itong bunin ng oras. Isinusulat ang bilis at direksyong tinatahak ng isang bagay para maipakita ang tulin nito (hal. 60 kilometro kada oras pahilaga). Isa sa mga pangunahing konsepto sa kinematika ang tulin.

Pisikal na kantidad na bektor ang tulin. Ibig sabihin, nangangailangan ito ng kalakhan (magnitude) at direksyon para mapakita ito. Ang eskalar na kantidad nito ay ang bilis. Kung ang bilis at direksyon ng isang bagay ay patuloy na nagbabago, masasabing nagbabago ang tulin nito at kasalukuyang bumibilis.


Pisika Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.