Segundo
Ang segundo ay ang batayang yunit ng panahon sa Pandaigdigang Sistema ng mga Yunit (SI), na karaniwang naiintindihan at tinukoy sa kasaysayan bilang 1⁄86400 ng isang araw – nagmula ang kabuong ito sa paghahati ng araw muna sa 24 oras, at pagkatapos sa 60 minuto at sa wakas hanggang tig-60 segundo. Ang mga mekanikal at elektronikong orasan at relo ay karaniwang mayroong mukha na may 60 tiktak na kumakatawan sa mga segundo at minuto, na dinadaanan ng pangalawang kamay at minutong kamay. Ang mga digital na orasan at relo ay kadalasang mayroong dalawang tambilang na pambilang na mga umiikot sa mga segundo. Bahagi rin ang segundo ng ilang iba pang mga batayang-panukat tulad ng metro bawat segundo para sa belosidad, metro sa bawat segundo bawat segundo para sa akselerasyon, at bawat segundo para sa kadalasan.
Sistema ng yunit: | Base yunit ng SI |
Kantidad: | Panahon |
Simbolo: | s |
Dimensiyon: | T |
Kahit na nakabatay ang makasaysayang kahulugan ng yunit sa dibisyong ito sa pag-inog ng Daigdig, mas matibay na tagapanatili ng oras ang pormal na kahulugan sa Pandaigdigang Sistema ng mga Yunit (SI): tinutukoy ang 1 segundo bilang eksaktong "tagal ng 9,192,631,770 na mga ulit ng ang radyasyon na naaayon sa paglipat ng dalawang hiperpinong antas ng bataying kalagayan ng atomong sesyo-133"(sa temperatura ng 0 K).[1][2] Dahil nag-iiba-iba ang pag-inog ng Daigdig at bumabagal din nang napakaliit, pana-panahong idinadagdag ang isang segundong siningit sa oras ng taknaan[nb 1] upang mapanatili ang sinkronisasyon ng mga orasan sa pag-inog ng Daigdig.
Karaniwang binibilang ang mga maramihan ng mga segundo ayon sa oras at minuto. Kadalasang binibilang naman ang mga hatimbilang ng isang segundo ayon sa desimo o sentesimo. Sa gawaing pang-agham, binibilang ang mga maliit na hatimbilang ng isang segundo ayon sa milisegundo (milesimas), mikrosegundo (milyonesimas), nanosegundo (bilyones), at kung minsan mas maliit pa na yunit ng isang segundo. Isang araw-araw na karanasan ng mga maliit na hatimbilang ng isang segundo ay ang 1-gigahertz microprocessor na may orasang pagpapaulit-ulit ng 1 nanosegundo. Ang bilis ng shutter ng kamera ay karaniwang umaabot mula 1⁄60 segundo hanggang 1⁄250 segundo.
Mayroong dibisyong seksahesimal ng araw mula sa kalendaryo na batay sa astronomikal na pagmamasid mula noong ikatlong milenyo BK, bagaman hindi sila segundo gaya ng alam natin ngayon. Walang kakayahang bilangin ang mga maliit na dibisyon ng oras noong panahong iyon, kaya makasagisag ang mga dibisyong ito. Ang mga unang kronometrador na may kakayahang magbilang nang wasto ng segundo ay mga pendulum clock naimbento noong ika-17 siglo. Simula noong dekada 1950, naging mas mahusay ang mga atomikong orasan kaysa sa pag-inog ng daigdig, at patuloy ito sa pagiging pamantayan ngayon.
Orasan at panahong solar
baguhinNagpapanatili ang isang orasang mekanikal, na hindi nakasalalay sa pagsukat ng kaukulang posisyon ng pag-inog ng daigdig, ng pare-parehong oras na tinatawag na tamtaming oras, sa loob ng anumang katumpakang tunay sa kanya. Ibig sabihin na magkapareho ang tagal ng bawat segundo, minuto at bawat iba pang paghahati ng oras na binibilang ng orasan sa anumang iba pang magkakahawig na paghahati ng oras. Ngunit hindi nagtataglay ng pare-parehong oras ang adlawing relo na sumusukat sa kaukulang posisyon ng araw sa kalangitan na tinatawag na tilang oras. Nag-iiba ang oras na pinananatili ng isang adlawing relo depende sa oras ng taon, ibig sabihin na nag-iiba ang tagal sa iba't ibang oras ng taon ng mga segundo, minuto at bawat iba pang paghahati ng oras. Ang oras ng araw na sinukat ng tamtaming oras kumpara sa tilang oras maaaring magkaiba nang hanggang 15 minuto, ngunit ang isang araw ay magkakaiba mula sa susunod sa pamamagitan lamang ng isang maliit na halaga; 15 minuto ay isang pinagsama-samang pagkakaiba sa isang bahagi ng taon. Ang epekto ay higit sa lahat dahil sa pag-uugali ng axis ng lupa na may paggalang sa orbit nito sa paligid ng araw.
Nakilala ang kaibahan ng tilang orasang solar at tamtaming oras ng mga astronomo mula noong unang panahon, ngunit bago ang pag-imbento ng mga tumpak na orasang mekanikal sa kalagitnaan ng ika-17 siglo, mga kuwadranteng pang-araw ang tanging maaasahang orasan, at karaniwang tinatanggap na pamantayan ang tilang orasang solar.
Mga kaganapan at yunit ng oras sa segundo
baguhinKadalasang itinatala ang mga praksyon ng isang segundo sa notasyong sampuan, halimbawa 2.01 segundo, o dalawa punto sero isa. Karaniwang ipinahayag ang mga maramihan ng mga segundo bilang mga minuto at segundo, o oras, minuto at segundo ng oras ng taknaan, na pinaghihiwalay ng mga tutuldok, tulad ng 11:23:24, o 45:23 (maaaring magbunga ang huling notasyon ng kalabuan, dahil ginagamit ang parehong notasyon sa mga oras at minuto). Bihirang magkaroon ang segundo ng kahulugang pampahayag ng mas matagal na panahon ng oras tulad ng mga oras o araw, dahil masyadong malaki ang mga bilang na ito. Para sa metrikong yunit ng segundo, may mga sampuang unlapi na kumakatawan sa 10−24 hanggang 1024 segundo.
Ang ilang mga karaniwang yunit ng oras na ipinahayag sa segundo ay: 60 segundo ang isang minuto; 3,600 segundo ang isang oras; 86,400 segundo ang isang araw; 604,800 segundo ang isang linggo; 31,536,000 segundo ang isang taon (maliban sa taong bisyesto); at bumabalasak ang isang (Gregoryaong) siglo ng 3,155,695,200 segundo; kasama ang lahat sa itaas na hindi kasama ang anumang mga posibleng segundong bisyesto.
Ang ilang karaniwang mga pangyayari na ipinahayag sa segundo ay: bumabagsak ang isang bato nang mga 4.9 metro mula sa pahinga sa isang segundo; may isang ugoy ng isang segundo ang pendulong may haba ng halos isang metro, kaya may penduo ang mga orasang pendulo na isang metro ang haba; 10 metro ang nanakbuhan ng pinakamabilis na mananakbo sa isang segundo; naglalakbay ang alon ng karagatan sa malalim na tubig ng mga 23 metro sa isang segundo; naglalakbay ang tunog ng mga 343 metro sa isang segundo sa hangin; tumatagal ang ilaw ng 1.3 segundo bago abutin ang Daigdig mula sa ibabaw ng Buwan, isang distansya ng 384,400 kilometro.
Mga iba pang yunit na may kinalaman sa segundo
baguhinBahagi ang segundo sa mga iba pang yunit, tulad ng dalas na sinusukat ng hertz (segundo baligtad o segundo−1), bilis (metro bawat segundo) at pagliksi (metro bawat segundo na kuwadrado). Sinusukat ang yunit ng sistemang metriko na becquerel, isang sukatan ng radyoaktibong pagpugnaw, sa mga segundo baligtad. Nanggagaling ang kahulugan ng metro mula sa bilis ng liwanag at segundo; nakasalalay din ang mga kahulugan ng amperyo at candela, mga metrikong base yunit sa segundo. Sa 22 pinangalanang yunit ng SI, tatlo lamang: degree na Sentigrado, radyan, at steradyan, ang hindi nakasalalay sa segundo. Iniuulat ang maraming mga deribatibong yunit para sa pang-araw-araw na bagay ayon sa mas malaking mga yunit ng oras, hindi segundo, tulad ng oras ng taknaan sa oras at minuto, belosidad ng kotse sa milya bawat oras o kilometro bawat oras, kilowat oras ng paggamit ng kuryente, at bilis ng isang paikutan sa pag-ikot bawat minuto.
Mga pamantayan ng pagsasaoras
baguhinNagpapanatili ang isang hanay ng mga atomikong orasan sa buong mundo ng oras ayon sa pinagkasunduan: "binoboto" ng mga sa orasan ang tamang oras, at ipinapatnubay ang lahat ng mga magbobotong orasan upang sumang-ayon sa pinagkasunduan, na tinatawag na Pandaigdigang Atomikong Oras o International Atomic Time (TAI) sa Ingles. "Tumitiktak" ang TAI ng atomikong segundo.[3]
Dinedepinihin ang orasang sibil na sumang-ayon sa pag-ikot ng mundo. Pangkalahatang Tugmang Oras o Coordinated Universal Time (UTC) ang pandaigdigang pamantayan para sa pagsasaoras. "Tumitiktak" ang ang nakatakdang oras na ito nang mga parehong atomikong segundo sa TAI, ngunit nagsisingit o nagtatanggal ito ng mga segundo bisyesto kung kinakailangan upang iwasto ang oras ayon sa pagkakaiba-iba sa bilis ng pag-ikot ng daigdig.[4]
UT1 ang sukat ng oras kung saan hindi katumbas ang mga segundo sa mga atomikong segundo, isang anyo ng pangkalahatang oras. Tinutukoy ang UT1 ng pag-ikot ng daigdig tungod sa araw, at hindi naglalaman ng anumang mga segundo bisyesto.[5] Laging naiiba ang UT1 sa UTC nang mas mababa sa isang segundo.
Sugaing sala-salang orasan
baguhinBagama't hindi pa sila bahagi ng anumang pamantayan ng pagsasaoras, mayroong mga sugiang sala-salang orasan na may mga prekwensya sa nakikitang liwanag na espektro na ngayon, at ito ang mga pinakatumpak na nagsasaoras sa lahat. Isang estronsiyong orasan na may prekwensyang 430 THz, sa pulang pagitan ng nakikitang liwanag, ang may hawak ngayon ng rekord ng katumpakan: magkakaroon ito o mawawalan ng mas mababa sa isang segundo sa 15 bilyong taon, mas mahaba kaysa sa tinatanyang edad ng sansinukob. Maaaring masukat ng gayong orasan ang pagbabago sa pagtataas nito nang kasing dami ng 2 cm sa pamamagitan ng pagbabago sa antas nito dahil sa grabitasyonal na pagluwang ng oras.[6]
Kasaysayan ng kahulugan
baguhinTatlo lamang ang mga kahulugan ng segundo: bilang bahagi ng araw, bilang bahagi ng isang idinuklay na taon, at bilang prekwensya ng mikro-alon ng isang sesyong atomikong orasan, at natanto sila ng isang dibisyong seksadyesimal ng araw mula sa sinaunang kalendaryo ng astronomiya.
Dibisyong seksadyesimal ng kalendaryong oras at araw
baguhinGumawa ang mga sibilisasyon sa klasikong panahon at mga nauna pa ng mga dibisyon ng kalendaryo pati na rin ng mga arko ayon sa isang sistemang seksadyesimal ng pagbibilang, ngunit isang dibisyong seksadyesimal ang segundo ng araw, hindi ng oras tulad ng modernong segundo. Kabilang sa mga pinakamaagang aparatong pagsasasoras ang mga kuwadranteng pang-araw at kuwadranteng pantubig, at nasusukat ang mga yunit ng oras sa digri ng arko. Ginamit din ang mga konseptuwal na yunit ng oras na mas maliit kaysa sa matatanto sa kuwadranteng pang-araw.
Mayroong mga sanggunian tungkol sa 'segundo' bilang bahagi ng isang bulaning buwan sa mga kasulatan ng mga pilosopong natural ng Gitnaang Panahon, ngunit walang katibayan na kailanmang ginamit ang 'segundo' bilang bahagi ng pagsasaoras batay sa bulaning kalendaryo.[nb 2][nb 3]
Bahagi ng araw solar
baguhinNagsimulang lumitaw ang mga pinakamaagang orasang mekanikal simula noong ika-14 na siglo na mayroong mga taltag na naghati ng oras sa mga dalawahan, tatluhan, apatan at minsan kahit na 12 bahagi, ngunit hindi kailanman sa 60 bahagi. Sa katunayan, hindi karaniwang naunawaan ang oras bilang 60 minuto. Hindi praktikal sa mga nagsaoras ang pagsasaalang-alang ng mga minuto hanggang nagkaroon ng mga unang orasang mekanikal na nagpakita ng mga minuto malapit sa katapusan ng ika-16 na siglo. Noong panahong iyon, laganap na ang mga dibisyong seksadyesimal ng oras sa Europa.[nb 4]
Lumitaw ang mga pinakamaagang orasan na nagpakita ng mga segundo sa huling kalahati ng ika-16 na siglo. Naging tumpak na masusukat ang segundo sa pag-unlad ng mga orasang mekanikal na nagpapanatili ng tamtaming oras, kumpara sa tilang oras na ipinakita ng mga kuwadranteng pang-araw. Ang pinakamaagang orasang pinapatakbo ng kuwerdas na may pangalawang kamay na nagmamarka ng mga segundo ay isang hindi nilagdaang orasan na naglalarawan kay Orfeo sa koleksyon ni Fremersdorf, na pinepetsahan sa kalagitnaan ng 1560 at 1570.[9]:417–418[10] Noong ika-3 sangkapat ng ika-16 na siglo, nagtayo si Taqi al-Din ng orasan na may marka bawat 1/5 minuto.[kailangan ng sanggunian] Noong 1579, ipinatayo ni Jost Bürgi si William ng Hesse ng isang orasan na nagmamarka ng mga segundo. Noong 1581, muling dinisenyo ni Tycho Brahe ang orasan na nagpakita lamang ng ilang minuto sa kanyang obserbatoryo at nagpakita din ng mga segundo, kahit na hindi tumpak ang mga segundo. Noong 1587, nagreklamo si Tycho na hindi sumasang-ayon ang kanyang apat na orasan nang dagdag o bawas apat na segundo.
Noong 1656, inimbento ni Christiaan Huygens, isang Olandeng dalub-agham, ang unang orasang pendulo. Ito ay may pendulong haba na nasa ilalim lamang ng isang metro na binigyan ito ng uyog ng isang segundo, at isang eskapo na tumitiktak bawat segundo. Ito ang unang orasan na may kakayahang magsaoras ng segundo nang tumpak. Noong dekada 1730, 80 taon na ang lumipas, maaaring magsaoras ang maritimong kronomiter ni John Harrison nang may katumpakan ng isang segundo sa 100 araw.
Noong 1832, iminungkahi ni Gauss na gamitin ang segundo bilang ang yunit ng oras sa kanyang sistemang milimetro-miligramo-segundo ng mga yunit. Nagsabi ang British Association for the Advancement of Science (BAAS) noong 1862 na "Sumang-ayon ang lahat ng mga tao ng agham na gamitin ang segundo ng tamtaming orasang solar bilang yunit ng oras."[11] Pormal na iminungkahi ng BAAS ang sistema ng CGS noong 1874, bagaman unti-unting napalitan ang sistemang ito sa loob ng susunod na 70 taon ng mga yunit ng MKS. Parehong ginagamit ng mga sistema ng CGS at MKS ang segundo mismo bilang kanilang saligang yunit ng oras. Pandaigdigang kinamit ang MKS noong dekada 1940, pagtukoy sa segundo bilang 1⁄86,400 ng tamaming araw solar
Bahagi ng isang taong epemerides
baguhinNoong mga huling bahagi ng dekada 1940, napabuti ang mga kuwarts kristal na orasang osileytor na may operang prekwensya ng ~ 100 kHz upang magsaoras nang may katumpakan na mas mahusay kaysa sa 1 bahagi sa 108 sa panahon ng isang araw. Naging maliwanag ang isang pinagkasunduan na mas mahusay magsaoras ang mga orasang ito kaysa sa pag-ikot ng Daigdig. Alam din ng mga metrologista na mas matatag ang orbita ng Daigdig sa paligid ng Araw (isang taon) kaysa sa pag-ikot ng daigdig. Humantong ito sa mga panukala noong 1950 upang tukuyin ang segundo bilang bahagi ng isang taon.
Inilarawan ang paggalaw ng Daigdig sa Tables of the Sun ni Newcomb (1895), na naglaan ng pormulang pantantya ng paggalaw ng Araw kaugnay sa daktiong 1900 batay sa mga obserbong astronomya na ginawa sa gitna ng 1750 at 1892.[12] Nagresulta ito sa pagkakamit ng epemeridesang sukat ng oras na ipinahayag sa mga yunit ng taong sideral sa daktiong iyon ng IAU noong 1952.[13] Inalinsunod ng naduklayang sukat ng oras na ito ang mga naobserbahang posisyon ng mga selestiyal na lawas sa Newtonianong dinamikang teorya ng kanilang paggalaw.[12] Noong 1955, pinili ng IAU ang taong tropikal, na itinuturing na mas mahalaga kaysa sa taong sideral, bilang yunit ng oras. Hindi nasusukat ang taong tropikal ayon sa kahulugan ngunit kinakalkula mula sa pormula na naglalarawan ng isang tamtaming taong tropikal na nabawasan nang linyar sa paglipas ng panahon.
Noong 1956, muling ibinigay ng kahulugan ang segundo sa mga tuntunin ng isang taon na may kaugnayan sa daktiong iyon. Sa gayon, tinukoy ang segundo bilang "ang praksyong 1⁄31,556,925.9747 ng taong tropikal para sa 1900 Enero 0 sa 12 oras ng orasang epemerides".[12] Kinamkam ang kahulugan na ito bilang bahagi ng Pandaigdigang Sistema ng mga Yunit noong 1960.
"Atomikong" segundo
baguhinKahit ang mga pinakamahusay na orasang mekanikal, elektrikong motorisado na nakabatay sa kuwarts kristal ay nagkakaroon ng hindi pagkakaayon, at halos walang sapat na sapat upang mapagtanto ng segundong epemerides. Mas mabuti para sa pagsasaoras ang likas at eksaktong "panginginig" sa isang pinasiglang atomo. Tiyak na tiyak ang dalas ng panginginig (ibig sabihin: radyasyon) depende sa uri ng atomo at kung gaano ito nasasabik. Mula noong 1967, nangahulugan ang segundo bilang eksaktong "tagal ng 9,192,631,770 na mga panahon ng radyasyon na naaayon sa paglipat sa gitna ng dalawang mga hiperpinong antas ng pangunahing estado ng atomong sesyo-133" (sa temperatura ng 0 K). Pinili ang haba ng isang segundo na ito upang tumugma nang eksakto sa haba ng natukoy na segundong epemerides. Ginagamit ng mga atomikong orasan ang gayong dalas upang sukatin ang mga segundo sa pamamagitan ng pagbibilang ng mga ikot sa bawat segundo sa dalas na iyon. Ang radyasyon ng ganitong uri ay isa sa mga pinakatatag at kababalaghan ng kalikasan na pinakamadaling tangkain nang paulit-ulit. Tumpak ang kasalukuyang henerasyon ng mga atomikong orasan sa loob ng isang segundo sa ilang daang milyong taon.
Itinatakda ngayon ng mga atomikong orasan ang haba ng isang segundo at ang pamantayan ng oras para sa mundo.[14]
Maramihan ng SI
baguhinKaraniwang ginagamit ang mga unlapi ng SI para sa mga oras na mas maikli kaysa sa isang segundo, ngunit bihira para sa mga maramihan ng isang segundo. Sa halip, ang ilang mga yunit na di-SI ay pinahihintulutan para sa paggamit sa SI: minuto, oras, araw, at sa astronomiya ng mga taong Hulyanos.[15]
Kubramihan | Maramihang | ||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Halaga | Simbolo ng SI | Pangalan | Halaga | Simbolo ng SI | Pangalan | Human-nababasa | |
10−1 s | ds | desisegundo/
kapulsegundo |
101 s | das | dekasegundo/
pulsegundo |
sampung segundo | |
10−2 s | cs | sentisegundo/
kadansegundo |
102 s | hs | hektosegundo | 1 minuto 40 segundo | |
10−3 s | MS | milisegundo/
kalibosegundo |
103 s | ks | kilosegundo | 16 minuto 40 segundo | |
10−6 s | μs | mikrosegundo/
miksegundo |
106 s | MS | megasegundo/
daksegundo |
11.6 na araw | |
10−9 s | ns | nanosegundo | 109 s | Gs | gigasegundo | 31.7 taon | |
10−12 s | ps | pikosegundo | 1012 s | Ts | terasegundo/
dutasegundo |
31,700 taon | |
10−15 s | fs | pemtosegundo | 1015 s | Ps | petasegundo | 31.7 milyong taon | |
10−18 s | as | atosegundo | 1018 s | Es | eksasegundo | 31,7 bilyong taon | |
10−21 s | zs | septosegundo | 1021 s | Zs | zetasegundo | ||
10−24 s | ys | yoktosegundo | 1024 s | Ys | yotasegundo | ||
Mas malaki ang bigat ang mga karaniwang unlapi |
Tingnan din
baguhinMga tala
baguhin- ↑ Clock time (that is, civil time) is set, directly or indirectly, to Coordinated Universal Time, which includes leap seconds. Other time scales are used in scientific and technical fields which do not contain leap seconds.
- ↑ Circa 1000, the Persian scholar al-Biruni, writing in Arabic, used the term second, and defined the division of time between new moons of certain specific weeks as a number of days, hours, minutes, seconds, thirds, and fourths after noon Sunday.[7]
- ↑ In 1267, the medieval English scientist Roger Bacon, writing in Latin, defined the division of time between full moons as a number of hours, minutes, seconds, thirds, and fourths (horae, minuta, secunda, tertia, and quarta) after noon on specified calendar dates.[8]
- ↑ It may be noted that 60 is the smallest multiple of the first 6 counting numbers. So a clock with 60 divisions would have a mark for thirds, fourths, fifths, sixths and twelfths (the hours); whatever units the clock would likely keep time in, would have marks.
Mga sanggunian
baguhin- ↑
"Unit of time (second)". SI Brochure. BIPM. Nakuha noong Disyembre 22, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Base unit definitions: Second". physics.nist.gov. Nakuha noong Setyembre 9, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McCarthy, Dennis D.; Seidelmann, P. Kenneth (2009). Time: From Earth Rotation to Atomic Physics. Weinheim: Wiley. pp. 207–218.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McCarthy, Dennis D.; Seidelmann, P. Kenneth (2009). Time: From Earth Rotation to Atomic Physics. Weinheim: Wiley. pp. 16–17, 207.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McCarthy, Dennis D.; Seidelmann, P. Kenneth (2009). Time: From Earth Rotation to Atomic Physics. Weinheim: Wiley. pp. 68, 232.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Vincent, James. "The most accurate clock ever built only loses one second every 15 billion years".
- ↑
Al-Biruni (1879). The chronology of ancient nations: an English version of the Arabic text of the Athâr-ul-Bâkiya of Albîrûnî, or "Vestiges of the Past". translated by Sachau C. Edward. pp. 147–149.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Bacon, Roger (2000) [1928]. The Opus Majus of Roger Bacon. translated by Robert Belle Burke. University of Pennsylvania Press. table facing page 231. ISBN 978-1-85506-856-8.
{{cite book}}
: Unknown parameter|nopp=
ignored (|no-pp=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Landes, David S. (1983). Revolution in Time. Cambridge, Massachusetts: Harvard University Press. ISBN 0-674-76802-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Willsberger, Johann (1975). Clocks & watches. New York: Dial Press. ISBN 0-8037-4475-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) full page color photo: 4th caption page, 3rd photo thereafter (neither pages nor photos are numbered). - ↑ Jenkin, Henry Charles Fleeming, pat. (1873). Reports of the committee on electrical standards. British Association for the Advancement of Science. p. 90.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 12.0 12.1 12.2 "Leap Seconds". Time Service Department, United States Naval Observatory. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 27, 2012. Nakuha noong Nobyembre 22, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Maling banggit (Invalid na<ref>
tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "USNO" na may iba't ibang nilalaman); $2 - ↑ Explanatory Supplement to the Astronomical Ephemeris and the American Ephemeris and Nautical Almanac
- ↑ McCarthy, Dennis D.; Seidelmann, P. Kenneth (2009). Time: From Earth Rotation to Atomic Physics. Weinheim: Wiley. pp. 231–232.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ International Astronomical Union. "Recommendations Concerning Units". Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 16, 2007. Nakuha noong Pebrero 18, 2007.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Reprinted from the "IAU Style Manual" by G.A. Wilkinson, Comm. 5, in IAU Transactions XXB (1987).
Mga kawing panlabas
baguhin- National Physical Laboratory: Trapped ion optical frequency standards
- High-accuracy strontium ion optical clock; National Physical Laboratory (2005)
- National Research Council of Canada: Optical frequency standard based on a single trapped ion
- NIST: Definition of the second; notice the cesium atom must be in its ground state at 0 K
- Official BIPM definition of the second
- The leap second: its history and possible future
- What is a Cesium atom clock?
- Accuracy of the time — Astronoo