Am Timan
Ang Am Timan (Arabe: أم تيمان, ʾUmm Tīmān) ay isang lungsod sa Chad at kabisera ng rehiyon ng Salamat. Kilala rin ang Am Timan bilang Dabengat sa Chad, na nagngangahulugang yaman ng mga produkto. Ito ang sentro ekonomiko ng rehiyon ng Salamat, at kabilang sa mga kabuhayan nito ang isda, mga gulay at karne. Bilang kabisera ng prepektura, saklaw nito ang lawak ng maraming mga nayong sa paligid nito, pati ang Pambansang Liwasan ng Zakuma. Walang pamantasan ang lungsod ngunit mayroon itong mga paaralan at kolehiyo at isang klinka, at nagdadaos ng isang malaking araw ng tiyangge at mga pagdiriwang ng pista.
Am Timan أم تيمان | |
---|---|
Mga koordinado: 11°2′N 20°17′E / 11.033°N 20.283°E | |
Bansa | Chad |
Rehiyon | Salamat |
Departmento | Barh Azoum |
Sub-Prepektura | Am Timan |
Taas | 407 m (1,335 tal) |
Populasyon (2012) | |
• Kabuuan | 38,261 |
Sona ng oras | + 1 |
Ang mabuhanging paliparan ng lungsod, Paliparan ng Am Timan IATA: AMC, ICAO: FTTN ay pinaganda ng French Foreign Legion noong 1971 upang maisangalang-alang ang mga padala ng militar gamit ang himpapawid upang matustusan ang pagpupunyagi laban sa mga rebelde. Sa mga panahong iyon, tanging sa himpapawid lamang ang praktikal na paraan papunta o palabas ng lungsod.
Sapagkat tumatagal ang tagtuyo sa humigit-kumulang pitong buwan kada taon, nagiging suliranin ang tubig habang tumatagal ang tagtuyo. Mararating ang mga balon ng tubig sa pamamagitan ng paghukay nang mas-malalim sa pinababaw ng ilog ng Bahr Salamat. Nagsisimulang dumaloy ang ilog sa simula ng tag-ulan.
Kasaysayan
baguhinSa wikang Arabe, ang Am Timan ay nagngangahulugang "ina ng mga kambal," sapagkat sa lugar na ito nagsilang ng kambal ang isang inang bupalo. Noong panahon ng kaguluhan, nawasak ang isang taniman at planta ng pagpoproseso ng kapok na nasa labas lamang ng lungsod.
Iginiit noong ika-23 ng Oktubre 2006, na ang lungsod ay kinuha ng Union of Forces for Democracy, ang pangunahing pangkat ng manghihimagsik sa Chad. Ngunit hindi sinang-ayunan ng pamahalaan ng Chad ang paggiit na ito.[1]
Demograpiya
baguhinTaon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1993 | 21,269 | — |
2008 | 30,443 | +43.1% |
Reperensiya: [2] |