Amenemope (paraon)

Si Pharaoh Amenemope (prenomen: Usermaatre) ang anak ni Psusennes I. Ang pangalan sa kapanganakan ni Amenemope/Amenemopet ay isinasalin bilang "Si Amun sa pista ni Opet".[1] Siya ay naglingkod bilang isang batang kapwa-hari sa wakas ng mga huling taon ng kanyang ama ayon sa ebidensiya mula sa isang pragmentong bendahe ng mummy. Ang lahat ng mga nakaligtas na bersiyon ng Epitome ni Manetho ay nagsasaad na si Amenemopet ay nagtamasa ng isang paghahari ng 9 taon. Ang parehong mga libingang maharlika nina Psusennes I at Amenemopet ay buong natuklasan ng Ehiptologong si Pierre Montet sa kanyang paghuhukay sa Tanis noong 1940 at napupuno ng mga mahahalagang kayamanan kabilang ang gintong mga maskarang puneraryo, mga libingan at maraming mga iba pang mga bagay ng mahalagang hiyas. Binuksan ni Montet ang libingan ni Amenemopet noong Abril 1940 mga isang buwan lang bago ang pananakop ng Alemanya ng Pransiya at mga Mababang Bansa sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Mula nito, ang lahat ng mga paghuhukay ay biglaang huminto hanggang sa wakas ng digmaan. Ipinagpatuloy ni Montet ang paghuhukay sa Tanis noong 1946 at kalaunang inilimbag ang kanyang mga natuklasan noong 1958.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Peter Clayton, Chronicle of the Pharaohs, Thames & Hudson Ltd, 1994. p.178