Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders
Ang Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorder(DSM-IV-TR) ay inilimbag ng American Psychiatric Association at nagbibigay ng isang karaniwang wika at pamantayan para sa pag-uuri ng mga sakit sa pag-iisip. Ito ay ginagamit sa Estados Unidos ng Amerika at sa iba't ibang bansa buong mundo, ng mga klinisyan, mga mananaliksik, mga ahensiya ng regulasyon para sa mga saykayatrikong gamot, mga kompanya ng insurans pangkalusugan, mga kompanyang parmasyutikal, at mga politikong mambabatas. Ang DSM ay umakit ng papuri gayundin ang mga kritisimo. Nagkaroon ng limang mga pagbabago simula ng ito ay ilimbag noong 1952 at dahan-dahang nagdagdag ng mga marami pang sakit sa pag-iisip, bagaman ang ilan ay inalis na at hindi na isinasaalang-alang na sakit sa pag-iisip katulad ng homoseksuwalidad.
Kategorisasyon ng mga sakit sa pag-iisip
baguhinSistemang multi-axial
baguhinAng DSM-IV ay nagpapangkat ng mga saykaytrikong dayagnosis sa limang dimensiyon o aksis na tumutukoy sa iba't ibang aspeto ng diperensiya o kapansanan:
- Axis I: Mga diperensiyang klinikal kabilang ang karamihan ng mga sakit sa pag-iisip at diperensiya sa pagkatuto at diperensiya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot
- Axis II: Mga diperensiya sa personalidad at kapansanang intelektwal(bagama't ang mga diperensiya sa pag-unlad gaya ng Awtismo ay isinama sa axis II ngunit ito ay kasama na ngayon sa axis I)
- Axis III: Mga akyut na kondisyong medikal at mga pisikal na kapansanan
- Axis IV: Psaykosoyal at pangkapaligirang mga paktor na nag-aambag sa sakit.
- Axis V: Global na pagsusuri ng pagkilos o global na pagsusuri ng pagkilos para sa mga bata at tinedyer sa ilalim ng 18 taong gulang.
Common Axis I na mga diperensiya ay kinabibilangan ng depresyon, diperensiyang pagkabalisa, diperensiyang bipolar, ADHD, diperensiyang spektrum ng awtismo, anorexia nervosa, bulimia nervosa, at schizophrenia.
Common Axis II na mga diperensiya ay kinabibilangan ng: diperensiyang paranoid na personalidad, diperensiyang schizoid na personalidad, diperensiyang schizotypal na personalidad, diperensiyang borderline na personalidad, diperensiyang antisosyal na personalidad, diperensiyang narsisistiko na personalidad, diperensiyang histrioniko na personalidad, diperensiyang pag-iwas na personalidad, diperensiyang umaasa na personalidad, diperensiyang obsesibo-kompulsibo na personalidad; at mga kapansanang intelektwal.
Common Axis III na mga diperensiya ay kinabibilangan ng: pinsala sa utak at iba pang medial/pisikal na diperensiya na maaaring magpatindi ng mga umiiral na karamdaman at kasulukuyang sintomas. existing diseases or present symptoms similar to other disorders.