Samoang Amerikano

teritoryo ng Estados Unidos sa Karagatang Pasipiko
(Idinirekta mula sa American Samoa)

Ang Samoang Amerikano (Samoano: Amerika Sāmoa, IPA[aˈmɛɾika ˈsaːmʊa]; Amelika Sāmoa o Sāmoa Amelika din) ay isang di-nakasanib na teritoryo ng Estados Unidos na matatagpuan sa Timog Karagatang Pasipiko, sa timog-silangan ng pulong bansa ng Samoa.[2] Nakasentro ang lokasyon nito sa 14°18′S 170°42′W / 14.3°S 170.7°W / -14.3; -170.7. Nasa silangan ito ng Pandaigdigang Guhit ng Petsa, habang nasa kanluran ng Samoa ang Guhit. Nasa 199 kilometro kuwadrado (76.8 mi kuw) ang sukat nito, bahagyang mas malaki sa Washington, D.C. Ang Amerikanong Samoa ay ang pinakatimog na teritoryo ng Estados Unidos at isa sa dalawang teritoryo ng Estados Unidos na nasa timog ng ekwador, kasama ang walang nakatirang Pulo ng Jarvis. Pangunahing niluluwas nito ang mga produktong tuna, at pangunahing kasosyo sa pagkakalakal ang natitirang bahagi ng Estados Unidos.

Samoang Amerikano

Teritori o Amerika Sāmoa
unincorporated territory of the United States, political territorial entity, insular area of the United States, territory of the United States
Watawat ng Samoang Amerikano
Watawat
Eskudo de armas ng Samoang Amerikano
Eskudo de armas
Awit: Ang Watawat na may Makislap na mga Bituin
Map
Mga koordinado: 14°17′45″S 170°42′27″W / 14.29583°S 170.7075°W / -14.29583; -170.7075
Bansa Estados Unidos ng Amerika
LokasyonEstados Unidos ng Amerika
Itinatag1899
Ipinangalan kay (sa)Estados Unidos ng Amerika
KabiseraPago Pago
Bahagi
Pamahalaan
 • Governor of American SamoaLemanu Peleti Mauga
Lawak
 • Kabuuan199 km2 (77 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2020, Senso)[1]
 • Kabuuan49,710
 • Kapal250/km2 (650/milya kuwadrado)
Kodigo ng ISO 3166US-AS
WikaIngles, Wikang Samoano
Websaythttps://www.americansamoa.gov/

Binubuo ang Samoang Amerikano ng limang pangunahing pulo at dalawang mga atol na korales. Tutuila ang pinakamalaki at pinakamataong pulo, at kasama sa teritoryo ang Kapuluang Manuʻa. Atol ng Rose at Pulo ng Swains. Lahat ng pulo maliban sa Pulo ng Swains ay bahagi ng mga Kapuluang Samoano, kanluran ng Kapuluang Cook, hilaga ng Tonga, at mga 500 kilometro (310 mi) timog ng Tokelau. Nasa kanluran ng kapuluan ang grupong Wallis at Futuna. Magmula noong 2022, tinataya ang populasyon ng Samoang Amerikano na 45,443 katao.[2] Bilingguwal ang karamihan sa mga Amerikanong Samoano at matatas masalita ng Ingles at Samoano.[2][3]

Naging kasapi ang Samoang Amerikano ng Pamayanang Pasipiko mula pa noong 1983. Kilala ang Samoang Amerikano sa pagkakaroon ng mataas na bilang ng pagpapalista sa militar ng kahit anumang estado ng Estados Unidos o teritoryo. Magmula noong Setyembre 9, 2014, ang lokal na Hukbong Estados Unidos na estasyong tumatanggap sa Pago Pago ay unang nakaranggo sa produksyon sa 885 estasyong tumatanggap at sentro ng Hukbo sa ilalim ng United States Army Recruiting Command.[4]

Ang Samoang Amerikano lamang ang nakapirming may nakatirang teritoryo ng Estados Unidos na kung saan hindi ginagawad ang pagkamamamayan sa pagkapanganak, at ang mga tao na ipinanganak doon ay tinuturing na "mga nasyunal na di-mamamayan".

Mga sanggunian

baguhin
  1. https://www.census.gov/content/dam/Census/library/stories/2021/10/first-2020-census-united-states-island-areas-data-released-today-table-1.jpg; hinango: 13 Marso 2022.
  2. 2.0 2.1 2.2 "American Samoa". The World Factbook (sa wikang Ingles). CIA. Nakuha noong Agosto 30, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Selected social characteristics, 2020 Decennial Census of the Island Areas, American Samoa demographic profile, U.S. Census Bureau. (sa Ingles)
  4. "Local US Army recruiting station ranked #1 in the world – Samoa News" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong Abril 2, 2015. Nakuha noong Marso 10, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)