Ehersisyong anaerobiko

(Idinirekta mula sa Anaerobiko)

Ang ehersisyong anaerobiko (Ingles: anaerobic exercise) ay ang ehersisyong sapat lamang upang makapag-udyok ng metabolismong anaerobiko (permentasyon ng asidong laktiko). Ginagamit ito ng mga atleta sa mga isports o palarong hindi pangpatagalan ng kakayahan upang makapagpaunlad ng lakas, tulin, at kapangyarihan; at pati na ng mga naghuhubog ng katawan upang makabuo ng tipak ng mga masel. Ang mga sistema ng enerhiya na pangmasel na sinanay sa pamamagitan ng ehersisyong anaerobiko ay kaiba ang pag-unlad kapag inihambing sa ehersisyong aerobiko, na humahantong sa mas mahusay na pagganap ng mga gawaing mataas ang antas ng katindihan sa loob ng maikling panahon, na tumatagal lamang ng mga segundo o magpahanggang sa 2 mga minuto.[1][2] Ang anumang mga gawain na nagtatagal na mas mahaba kaysa sa dalawang mga minuto ay mayroong malaking bahaging metaboliko na aerobiko.[kailangan ng sanggunian]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Anaerobic training". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-25. Nakuha noong 2013-02-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Medbo, JI; Mohn, Tabata, Bahr, Vaage, Sejersted (1988). "Anaerobic capacity determined by maximal accumulated O2 deficit". Journal of Applied Physiology. 64 (1): 50–60. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Nobiyembre 2016. Nakuha noong 14 Mayo 2011. {{cite journal}}: Check date values in: |archive-date= (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.