Ang anagram ay isang uri ng salita-laro at nagreresulta sa pag-iiba ng ayos ng mga titik sa isang salita o parirala upang makalikha ng bagong salita o parirala, gamit ang dating mga titik nang sabay-sabay; halimbawa, ang tambalan ay maaaring ibahin ang pagkakaayos upang maging lambatan. Ang sinumang lumilikha ng mga anagram ay itinuturing na "anagrammatist".[1] Ang orihinal na salita o parirala ay kilala bilang paksa ng anagram.

Ang anumang salita o parirala na tamang-tamang nagbubunga ng mga titik sa ibang ayos ay isang anagram. Gayunman, ang layunin ng mga pormal o dalubhasang anagrammatist ay lumikha ng mga anagram na, sa mga paraan, nagkokomento o nagwawari sa paksa. Ang anagram na katulad nito ay maaaring maging kasingkahulugan o kasalungat ng paksa, parodya, pamumuna o papuri; halimbawa, Dalampasigan = Panda sa lamig

Mga Palagay

baguhin
 
Ilustrasyon ni George Herbert ng isang anagram

Ang paglikha ng mga anagram ay gumagamit ng isang alpabeto na kung saan ang mga simbolo ay iniibang-ayos. Sa isang perpektong anagram, ang bawat titik ay nagagamit, na mayroong kaparehong bilang ng paglitaw sa nagreresultang anagram na salita o parirala; anumang kinalalabasang lumiliit ay tinatawag na subliminal anagram.

Kasaysayan

baguhin

Ang mga anagram ay maaaring matuntun sa panahon ni Moses, tulad ng "Themuru" o pagbabago, upang hanapin ang nakatago at mistikong kahulugan na nasa mga pangalan. Ang mga ito ay laganap sa Europa noong Gitnang Kapanahunan, halimbawa, kasama ang makata at kompositor na si Guillaume de Machaut. Sinasabing nagmumula ang mga ito kahit kay Lycophron, sa ikatlong siglo BCE; ngunit ang pinanghahawakan nito ay ang salaysay ukol kay Lycophron, na itinakda ni John Tzetzes noong ika-12 dantaon.

Impluwensiya ng Latin

baguhin

Bilang larong pampanitikan, noong ang Latin ay isang karaniwang katangian ng mga nakababasa at nakasusulat, tanyag ang mga Latin na anagram.

Maagang modernong panahon

baguhin

Pagdating sa ika-17 dantaon at anagram sa Ingles o ibang mga wika, mayroong malaking bahagi ng dokumentadong katibayan ng natutuhang interes. Ang abogado na si Thomas Egerton ay binigyan ng papuri sa pamamagitan ng anagram na gestat honorem.

Modernong panahon

baguhin

Ang mga halimbawa ng anagram mula noong ikalabing siyam na siglo ay transposisyon ng "Horation Nelson" upang maging "Honor est a Nilo" (Latin: Honor is from the Nile); at ni "Florence Nightingale" na naging "Flit on, cheering angel".

Mga Paggamit

baguhin

Bagaman, ang paggawa ng mga anagram, syanga, ay isang libangan muna, maaari itong gamitin sa iba't ibang paraan na maaaring mahalaga, o kahit hindi gaanong mahalaga o walang hugis.

Pagtatatag ng Pagkauna

baguhin

Ang natural na mga pilosopo (mga astronomo at iba pa) noong ika-17 siglo ay nagbago ng kanilang mga tuklas at ginawa itong mga anagram sa Latin, upang tiyakin ang kanilang pagkauna. Sa ganitong paraan nila inilatag ang kanilang mga bagong tuklas, noon ang kanilang mga kinalalabasan ay nakahandang ilathala.

Mga Sagisag-panulat

baguhin

Ang mga anagram ay konektado sa mga sagisag-panulat, sa katotohanang ang mga ito ay maglihim o magbunyag, o maging balatkayo na maaaring magpatunay ng kanilang pagkakakilanlan. Halimbawa, si Jim Morrison ay gumamit ng anagram ng kanyang pangalan sa awit na L.A. Woman sa The Doors, kung saan tinatawag niya ang sarili na "Mr. Mojo Risin".

Mga Pamagat

baguhin

Ang mga anagram na ginagamit sa mga pamagat ay nagdudulot ng mga uri ng pagpapatawa. Mga halimbawa:

  • Ang Hamlet ni Shakespeare ay anagram ng pangalan ng Danish na prinsipe na si Amleth.
  • Ang pamagat ng album ni Imogen Heap ay iMegaphone na anagram ng kanyang pangalan.
  • Ang isang hip-hop artist na si MF DOOM ay gumawa ng album na pinamagatang MM..FOOD.

Mga Laro at Palaisipan

baguhin

Ang mga anagram sa kanilang mga sarili ay gawaing panlibang, ngunit sila rin ay bahagi ng marami pang ibang mga laro, palaisipan, at mga larong palabas.

Mga Kodigong Lihim

baguhin

Ang multiple anagramming ay isang pamamaraan na ginagamit sa pagsagot sa ilang mga uri ng kriptogram.

Mga Paraan ng Pagbubuo

baguhin

Minsan, maaaring "makakita" ng mga anagram sa mga salita kahit wala ang tulong ng mga instrumento, bagama't kung mas marami ang mga titik na sangkot, ito ay nagiging mas mahirap.

Mga Sanggunian

baguhin
  1. "Dictionary.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-11-20. Nakuha noong 2013-08-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)