Anak-araw
Ang anak-araw o albinismo, na mula sa Latin: albus (puti), ay isang uri ng suliraning konhenital at kakulangan ng kulay (hipopigmentasyon o hipopigmentaryo) sa katawan. Ang organismong may karamdamang albinismo ay tinatawag na anak-araw, albino o sarka (Ingles: albino; Kastila: zarco), at tumutukoy sa mga mamalya (kabilang ang tao), isda, ibon, reptilya at amphibian na may maputing balat, buhok at iba pang bahagi ng katawan. May kakulangan (Tagalog: hipomelanismo o hipomelanosis; Ingles: hypomelanism o hypomelanosis) o kaya buong kawalan (Tagalog: amenalismo o amelanosis; Ingles: amelanism o amelanosis) ng kulay o melanin (isang sustansiyang nagbibigay kulay sa mata, balat at buhok) ang organismong may ganitong katangian namamana o kamaliang henetiko. Ito ay isang namamanang katangiang natutulog o hindi kadalasang lumilitaw (Ingles: recessive trait).[1] Ang iba pang mga pandiwang ginagamit para tukuyin ang mga anak-araw ay ang mga salitang albinistiko, albinoid (o albinoyd) at albiniko.
Kamag-anak na salita
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ English, Leo James, Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.