Analog integrated circuit

Ang isang analog integrated circuit ay binubuo ng maraming mga circuit na nagtutulungan upang makabuo ng isang amplifier o oscillator. Masusi ang pagdisenyo dito dahil halos lahat ng electronic devices sa mundo ay kinakailngan nito at nakasasalay dito. Ang madalas na ginagamit ngayon ay ang digital integrated circuits subalit kinakailangan parin nito ang analog integrated circuits upang ito ay mapatakbo.

Isa sa mga bumubuo sa analog integrated circuit ay ang input stage. Ang input stage ang siyang paunang tumatangap ng boltahe o signal mula sa isang bagay. Sa larangan ng Biomedical Engineering, maituturing na signal ang mga maliliit na boltahe nilalabas ng ating katawan at sapat na ito na maging paunang signal. May mga halimbawa naman ng malalaking boltahe ang paunang signal na tinatanggap at madalas ito makita sa power electronics. Ang input stage ay madalas hindi kinakailangan mataas ang open loop voltage gain subalit depende pa rin ito sa mga aplikasyon.

Ang susumunod na stage ay ang gain stage. Layunin ng parteng ito ng integrated circuit ay lalong palakasin ang signal upang lalong madaling maproseso ang signal nang sa gayon ay madaling mapapag-aralan ang estado ng isang bagay na sinusuri. Dito kinakailangan na mataas o tama lang ang open loop gain. Subalit, depende pa rin sa aplikasyon ng aparatong ginagamit.

Ang panghuling stage ay ang output stage. Layunin ng parteng ito na palawakin ang output swing o ang hangganan ng output signal. Nilalabas ng parteng ito ang signal na may lakas na angkop na masuri. Kinakailangan na malawak ang output swing nang sa gayon ay hindi masira ang signal na ipoproseso.

May mga problema rin na hinaharap ang pagdisenyo ng analog integrated circuit. Ang ingay o noisy signal ang pangunahin sumisira sa kalidad ng signal. Hindi ito maiiwasan dahil ito ay natural na namamalagi sa kapaligiran. May mga pamamaraan upang bawasan ang ingay. Isa na rito ay tinatawag na filtering kung saan pinapaliit nito ang mga ingay na signal upang hind imaging sagabal sa circuit. May mga ispesipikong topolohiya ang maaring magamit upang labanan ang ingay.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.