Analogong kompyuter
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang isang analogong kompyuter ay isang anyo ng kompyuter na gumagamit ng patuloy na nagbabagong mga aspeto ng pisikal na phenomena gaya ng mga kantidad na elektrikal, mekanikal o hidrauliko upang imodelo ang mga problemang nilulutas. Salungat dito, ang mga kompyuter na dihital ay kumakatawan sa mga nagbabagong kantidad nang simboliko dahil ang kanilang mga halagang numerikal ay nagbabago. Dahil ang analogong kompyuter ay hindi gumagamit ng mga diskreto(eksaktong) halaga kundi mga tuloy tuloy(tinatantiya) halaga, ang mga proseso ay hindi muling malilikha nang may eksaktong katumbas gaya ng sa mga makinang Turing. Ang mga analogong kompyuter ay malawakang ginagamit sa mga aplikasyong siyentipiko at industriyal kung saan ang mga kompyuter na dihital ng panahon ay nagkukulang sa sapat na paggawa. Ang mga analogong komputer ay maaaring magkaroon ng napalawak na saklaw ng kompleksidad. Ang mga slide rule at mga nomograpo ang pinakasimple samantalang ang mga kompyuter na pangkontrol ng pagpaputok ng baril at mga malalaking mga hybrid na dihital/analogong kompyuter ang pinaka komplikado. Ang mga sistema para sa kontrol ng proseso at mga protektibong relay ay gumagamit ng mga pagkukwentang analogo upang magsagawa ng mga tungkuling pangkontrol at pangprotektibo.