Mahabharata
Ang Mahabharata[1] o Mahābhārata, ang dakilang Bharata ("Ang Dakilang Salaysay Ukol sa mga Bharata," mas mahaba at tiyak na salin), ay isa sa dalawang pinakamahalagang sinaunang epiko ng India, bukod sa Ramayana. Tinipon sa sinaunang India ang Mahabharata. Pinaniniwalaang si Vyasa, isang rishi o taong paham, ang kumatha ng akdang ito. Nilalahad ng alamat na isinulat ito ng diyos na si Ganesh habang dinikta o sinambit naman ito ni Vyasa. Sinasabing ang Mahabharata ang pinakamahabang akda sa uri nito sa buong mundo. Naglalaman ang akda ng may 110,000 mga taludturan na may 18 mga bahagi. Mayroon ding isang itinuturing na ika-19 bahaging tinatawag na Harivamsha. Bahagi ng Mahabharata ang Bhagavad Gita (o Bhagavadgita), isang diyalogo o pag-uusap sa pagitan nina Krishna at Arjuna.
Bahagi ng serye ukol sa |
Rigveda · Yajurveda · Samaveda · Atharvaveda |
Aitareya · Brihadaranyaka · Isha · Taittiriya · Chandogya · Kena · Mundaka · Mandukya · Katha · Prashna · Shvetashvatara |
Smriti · Śruti · Bhagavad Gita · Purana · Agama · Darshana · Pancharatra · Tantra · Akilathirattu · Sūtra · Stotra · Dharmashastra · Divya Prabandha · Tevaram · Ramacharitamanas · Shikshapatri · Vachanamrut · Ananda Sutram |
Kahalagahan at layunin
baguhinIsinulat ang tulang epikong ito na may layuning parangalan ang mga bayani nang maganap ang paglusob ng mga Aryano (mga Aryan) sa India. Halos kapantay ng mga diyos ang mga maalamat na mga bayaning ito.[1]
Kasaysayan
baguhinItinuro ni Vyasa ang epikong ito sa kaniyang anak na lalaking si Suka at sa kaniya ring mga mag-aaral, ang mga Vaisampayana at sa iba pa. Nagsagawa ng dakilang pag-aalay, ang yagna, ang Haring Janamejaya, na anak na lalaki ni Parikshit, kasama ang apong lalaki ng mga bayani ng epiko. Muling nilahad ni Vaisampayana ang epiko kay Janamejaya, ayon sa mungkahi ni Vyasa. Sa kalaunan, may isa pang paham - si Suta - na muling naglahad ng Mahabharata kay Janamejaya, kay Saunaka rin, at sa iba pa, habang idinaraos ang isang paghahaing pang-alay na isinagawa ni Saunaka sa Naimisaranya, isang pook na malapit sa Sitapur sa Uttar Pradesh.
Mga bahagi at mga paksa
baguhinMaraming paksang tinatalakay ang Mahabharata sa loob ng labinwalong mga bahagi nito. Sumasakop ang mga paksang ito sa ilang bilang ng mga aspeto ng Hinduismo, mitolohiyang Hindu, mga etika, at gawi ng pamumuhay ng Hindu. Isang bahagi pa nito ang tinatawag na Harvamsha. Ilan sa mga nasa ibaba ang ilang mga pananalita hinggil sa labinwalong mga bahagi ng Mahabharata. Sa Mahabharata, tinatawag na mga parvan o mga parva - mga aklat - ang mga bahaging ito. Nakatala sa ibaba ang lahat ng mga parva ng Mahabharata:
1 | Adi-parva | Pagpapakilala, pagsilang, pagaalaga, at pagpapalaki sa mga prinsipe. |
2 | Sabha-parva | Buhay sa korte, ang larong betu-beto o dais[2], at pagpapalayas sa mga Pandava. Itinayo ni Maya Danava ang palasyo at korte (ang sabha), at Indraprastha. |
3 | Aranyaka-parva (o Vanaparva, Aranyaparva) | Labindalawang taong pagtigil (na hindi nakababalik pagkaraang mapaalis) sa gubat (sa aranya). |
4 | Virata-parva | Isang taon makalipas ang pagkapalayas, pagtigil o paghintil sa korte ng Virata. |
5 | Udyoga-parva | Mga paghahanda para sa digmaan. |
6 | Bhishma-parva | Ang unang bahagi ng dakilang digmaan, gumanap na komandante ng mga Kaurava si Bhishma. |
7 | Drona-parva | Nagpatuloy ang digmaan, si Drona ang komandante. |
8 | Karna-parva | Muli, sa digmaan, si Karna ang komandante. |
9 | Shalya-parva | Ang huling bahagi ng digmaan, si Shalya ang komandante. |
10 | Sauptika-parva | Naglalahad kung paano pinaslang nina Ashvattama at ng mga nalalabing mga Kaurava ang hukbong Pandava habang natutulog (Sauptika). |
11 | Stri-parva | Ipinagdadalamhati ni Gandhari at ng iba pang mga kababaihan (mga stri) ang mga yumao. |
12 | Shanti-parva | Ang pagpuputong ng korona kay , at ang mga utos sa kaniya mula kay Bhishma |
13 | Anusasana-parva | Ang mga huling tagubilin (anusasana) mula kay Bhishma. |
14 | Ashvamedhika-parva | Ang maharlikang seremonya ng ashvamedha, na isinagawa ni Yudhisthira. |
15 | Ashramavasika-parva | Lumisan sina Dhritarashtra, Gandhari at Kunti para sa isang ashram, at ang pagkamatay sa gubat. |
16 | Mausala-parva | Ang panloob na pag-aalitan sa pagitan ng mga Yadava na may gamit na mga pamalo[2] (mga mausala). |
17 | Mahaprasthanika-parva | Unang bahagi ng daan patungong kamatayan (mahaprasthana, "dakilang paglalakbay") ni Yudhisthira at ng mga kapatid niyang lalaki |
18 | Svargarohana-parva | Nagsibalik ang mga Pandava sa daigdig ng mga kaluluwa (svarga). |
19 | Harivamsha | Buhay ni Krishna. |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Mahabharata, Indian Literature, Oriental Literature". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L. Dice, betu-beto, dais; Mace, pamalo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
Mga kawing panlabas
baguhin- Buong Salin ng Vyasa Mahabharata at iba pang mga kuwento mula sa Mahabharata, sa MahabharataOnline.com
- Ang Mahabharata >> 18 Parva Naka-arkibo 2008-03-19 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
- Ilang mga impormasyong ukol sa Hinduismo, kabilang ang Mahabharata Naka-arkibo 2013-10-30 sa Wayback Machine.