Ang Your Lie in April (Hapones: 四月は君の嘘, Hepburn: Shigatsu wa Kimi no Uso) ay isang drama at nakakakilig na dugtungan ng manga na isinulat at inilarawan ni Naoshi Arakawa. Ang istorya ay sumusunod sa isang batang piyanista, na nawalan ng kakayahang makarinig ng tunog ng piano matapos mamatay ang kanyang ina.

Ang Kasinungalingan Mo Noong Abril na Iyon
Shigatsu wa Kimi no Uso
四月は君の嘘
DyanraKilig, Trahedya
Manga
KuwentoNaoshi Arakawa
NaglathalaKodansha
MagasinMonthly Shōnen Magazine
DemograpikoShōnen
TakboAbril 6, 2011Pebrero 6, 2015
Bolyum11
Teleseryeng anime
DirektorKyōhei Ishiguro
IskripTakao Yoshioka
MusikaMasaru Yokoyama
EstudyoA-1 Pictures
Lisensiya
Madman Entertainment
Anime Limited
Aniplex of America
Inere saFuji Television (Noitamina)
TakboOktubre 9, 2014 – Marso 19, 2015
Bilang22 (Listahan ng episode)
Manga
Ang Kasinungalingan Mo Noong Abril na Iyon – Isang Etude Para Sa Anim na Tao
KuwentoYui Tokiumi
NaglathalaKodansha
Inilathala noongNobyembre 17, 2014
Bolyum1
Manga
Ang Kasinungalingan Mo Noong Abril na Iyon: Coda
KuwentoNaoshi Arakawa
Inilathala noongAgosto 17, 2016
Bolyum1
Original video animation
Moments
DirektorKazuya Iwata
IskripTakao Yoshioka
MusikaMasaru Yokoyama
EstudyoA-1 Pictures
Inilabas noongMayo 15, 2015
Haba23 sandali
Live action na palabas

Ang Kasinungalingan Mo Noong Abril na Iyon

 Portada ng Anime at Manga

Banghay

baguhin

Si Kōsei Arima ay isang tanyag na batang piyanista na nanalo na sa ilang paligsahan. Noong biglang mamatay ang kanyang ina na si Saki, siya ay nagka-mental breakdown sa gitna ng isang piano recitation. Nagbunga ito sa pagkawala ng kakayahan niyang makarinig ng tunog sa kanyang piano ngunit ang kanyang pandinig ay maayos.

Makalipas ang dalawang taon, hindi na niya hinahawakan ang piano at walang kulay ang mundo niya. Halos wala na siyang ginawa sa buhay niya kundi magpalipas ng oras kasama ang kanyang mga matatalik na kaibigan na sina Tsubaki at Watari, hanggang may nakilala siyang babae. Binago ng babaeng iyon ang lahat. Si Kaori Miyazono ay isang labing-apat na taong gulang na biyolinista, at ang pamaraan ng pagtugtog ng biyolin ni Kaori ay kasingtulad ng kanyang masigasig na pagkatao. Tinulungan niyang makapagtugtog muli ng piano si Kōsei at dahil sa patuloy niyang pagtulong kay Kōsei, mabilis na napagtanto ni Kōsei na iniibig na niya si Kaori, kahit alam niyang gusto niya si Watari.

Biglang bumagsak si Kaori kaya isinugod siya sa paggamutan. Sinabi ni Kaori na may anemia siya at kinakailangan ng mga test. Kinalaunan, nakalabas siya sa paggamutan. Inanyayahan ni Kaori si Kōsei na samahan siyang tumugtog sa isang gala. Gayumpaman, si Kaori ay hindi nagpakita sa gala, at habang lumalala ang kanyang kalagayan, nawawalan na rin siya ng loob. Nag-duet sina Kōsei at Nagi Aiza, isang piano student, sa pag-asang ito ay makaka-udyok kay Kaori. Pagkatapos, nagpasiya si Kaori na subukin ang isang mapanganib na pagtitistis na maaaring maging sanhi ng kamatayan at dahil diyan, maaaring hindi na siya makakapagtugtog ulit na kasama si Kōsei. Habang tumutugtog si Kōsei sa finals ng Paligsahang Piano ng Silangang Japan, inemadyin ni Kōsei na kasama niya si Kaori sa kanyang tanghal. Si Kaori ay namatay sa kalagitnaan ng kanyang pagtitistis.

Sa libing ni Kaori, ibinigay ng kanyang magulang ang liham na isinulat niya para kay Kōsei. Inihayag sa liham na alam niya na malapit na ang kamatayan, kaya siya ay namuhay ng mas malaya, bilang isang tao at sa kanyang musika, upang hindi magdala ng panghihinayang sa langit. Inihayag din niya na minamahal na niya si Kōsei noong siya pa ay 5 taong gulang, at nakuha niya ang inspirasyong tumugtog ng biyolin dahil nais niyang makapagtugtog sa tabi ni Kōsei balang araw. Ang kanyang nadarama para kay Watari ay isang kasinungalingan, na gawa-gawa lang upang makalapit siya kay Kōsei nang hindi nasasaktan si Tsubaki, na umiibig din kay Kōsei. Matapos malaman ni Tsubaki ang lahat ng nangyari, tinulungan niyang ipagaan ang pakiramdam ni Kōsei at sinabi niya na hindi siya aalis sa kanyang tabi kailanman. Iniwan din ni Kaori ang larawan niya mula pa noong bata pa siya na paalis mula sa konsiyertong nagbigay ng inspirasyon sa kanya, habang si Kōsei naman ay nasa likuran at lumalakad pauwi. Ikinuwadro ni Kōsei ang larawang ito.