Si Ang Kiukok (Marso 1, 1931 – Mayo 9, 2005) ay isang pintor na ipinahayag na Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas sa larangan ng biswal na sining noong 2001.[1][2]

Ang Kiukok
Kapanganakan
Ang Kiukok

1 Marso 1931(1931-03-01)
Kamatayan9 Mayo 2005(2005-05-09) (edad 74)
NasyonalidadPilipino
ParangalPambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas
LaranganSining biswal
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Sining biswal
2001

Unang yugto ng buhay

baguhin

Ipinanganak si Ang Kiukok noong Marso 1, 1931 sa Lungsod ng Davao.[3] Ang kanyang mga magulang ay sina Vicente Ang at Chin Lim na mga imigranteng Tsino.[2]

Edukasyon

baguhin

Nagsimula ang pag-aaral ni Ang Kiukok sa isang paaralang pang-Tsino sa Lungsod ng Davao kung saan ay natutuo siyang magpinta gamit ang uling noong 1947.[3] Mula 1952 hanggang 1954 ay kumuha siya ng mga klaseng pang-sining sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila kung saan ay naging guro niya si Vicente Manansala.[3]

Mga nagawa

baguhin

Ginanap ang unang isang-taong eksibisyon ni Ang Kiukok noong 1954 sa Contemporary Arts Gallery sa edad na 23 taong gulang kung saan ay itinanghal ang mahigit na dalawampu na kanyang mga obra na gamit ang watercolor sa pagpipinta.[3][4]

Makikita ang mga nagawa ni Ang Kiukok sa mga koleksiyon ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, sa National Museum of Fine Arts, sa National Historical Museum ng Taipei, at sa National Museum ng Singapore.[3][2]

Kabilang sa kanyang mga obra ay ang "Pieta" na nanalo ng tansong medalya sa Unang International Art Exhibition sa Saigon noong 1962, ang "Geometric Landscape", ang “Still Life”, ang "Seated Figure", at ang "Thinking Man".[2][3][4]

Ang kanyang obra na “Fishermen” na nagawa niya noong 1981 ay ang pinakamahal na gawang pangsining na naibenta sa Pilipinas noong 2017 sa halagang P65,408,000.[5]

Mga parangal na natanggap

baguhin

Ipinahayag na Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas sa larangan ng biswal na sining noong 2001 si Ang Kiukok sa bisa ng Proklamasyon Bilang 32 na nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Abril 20, 2001.[1]

Kasama sa mga parangal na natamo ni Ang Kiukok ay ang pagkilala bilang Outstanding Overseas Chinese noong 1961 at ang mga parangal na nagmula sa Arts Association of the Philippines, pambansang patimpalak sa sining ng Shell, National Museum of Modern Art sa Hawaii, at Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.[6]

Noong 1976 ay kinilala si Ang Kiukok bilang Outstanding Citizen at iginawad sa kanya ang Patnubay ng Sining at Kalinangan Award.[7][8][4]

Kamatayan

baguhin

Pumanaw si Ang Kiukok noong Mayo 9, 2005 sa Lungsod ng Quezon sa edad na 74 at inilibing sa Libingan ng mga Bayani.[3][2][7]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Proclamation No. 32 Declaring Ang Kiukok As National Artist For 2001" (PDF). Official Gazette. Republic of the Philippines. Abril 20, 2001. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 10 Nobyembre 2021. Nakuha noong 23 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 "Order of National Artists: Ang Kiukok". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Hulyo 2022. Nakuha noong 9 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 "91st Birth Anniversary of Ang Kiukok". Pambansang Museo ng Pilipinas. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 19, 2023. Nakuha noong Disyembre 19, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 "Ang Kiukok". Geringer Art, Ltd. Nakuha noong Disyembre 19, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. De Leon, Pristine L. (Hunyo 18, 2017). "Kiukok painting sold for P65M at Leon Gallery's record-breaking auction". The Philippine Star. Nakuha noong Disyembre 19, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Ang Kiukok". Sagisag Kultura. National Commission for Culture and the Arts. Nakuha noong Disyembre 19, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 "Ang Kiukok (1931-2005)". Tobin Reese Fine Art. Nakuha noong Disyembre 19, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Ang Kiukok". Philippine Center. Philippine Center Management Board. Nakuha noong Disyembre 19, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)