Himala sa Ilog Han

(Idinirekta mula sa Ang himala ng Ilog Han)

Ang himala sa Ilog Han ay isang kaganapan sa bansang Republika ng Korea mula sa taong 1962 hanggang sa Krisis Pinansiyal ng Asya noong 1997. Mula sa isang agrikulturang mahirap na bansa, ang Korea ay naging isang mayamang industriyalisadong bansa. Sinimulan ito ni pangulong Park Chung-hee sa taong 1962 sa pamagitan ng unang Limang-Taong Plano Pang Ekonomiya. Ang plano ay sinundan pa ng walong Limang Taong Plano Pang Ekonomiya. Naging posible ang himala dahil sa pagsisikap ng pamahalaan, ng mga negosyante o kilala sa tawag na Chaebol, at ng mga mamamayan ng Timog Korea

Bago ang himala sa Ilog Han

baguhin

Pagkatapos ng Digmaang Koreano

baguhin

Ang Timog Korea, matapos ang Digmaang Koreano, ay naging isang lugar ng pagkasira. Halos 3 milyon ang namatay at ang masaklap, lagpas kalahati ang nasira sa inprastruktura at kapital ng bansa. Marami sa mga mamamayan ng Korea ang nagugutom at walang trabaho. Halos walang pag-unlad sa ekonomiya. Marami ang laging nagwewelga sa kalsada at ang kaguluhan ay parte ng araw-araw na buhay.

Ang politika ng Korea ay magulo at laging nasa ilalim ng banta. Ang pangulo ng Korea matapos ang Digmaang Koreano, si Syngman Rhee, ay sinubukang solusyonan ang problemang pang ekonomiya na hinaharap ng bansa. Ngunit ang kanyang pangekonomiyang polisiya ay palpak at kasabay nito ay ang paglaganap ng korupsiyon ng mga negosyante at mga politiko lalo na tungkol sa mga pribelehiyong matatangap ng mga negosyante mula sa pamahalaan. an Timog Korea ay nasa ilalim ng banta ng muling pagusbong ng mga komunista mula sa Hilagang Korea. Ito ay mas lalo pang naging seryoso ng lagpasan ng Hilagang Korea ang bilis ng pagbangon ng bansa mula sa abo ng digmaan.

Pagsisimula ng mga Chaebol

baguhin

Ang mga chaebol ay grupo ng mga kompanya sa ilalim ng isang pamilya tulad na lang ng mga sikat na kompanyang Hyundai, Samsung, at Lucky Goldstar (LG). Halos lahat ng mga chaebol ay nagsimula noong panahon ng pamunuan ng mga Hapon. Matapos ang Digmaang Koreano, marami sa mga nagsisimulang chaebol ang pagpapalawak ng kanilang mga negosyo.

Ang negosyanteng si Lee Byung-Chull, ay isa sa mga negosyanteng nagpalawak ng negosyo nung panahon ng Digmaang Koreano at ang pagkatapos ng Digmaang Koreano. Si Lee Byung-Chull ay nagtatag ng kompanyang may pangalan na "Tatlong Bituin" o sa Koreanong wika, Samsung. Ito ay nagsimula bilang isang tindahan ng mga pagkain. Noong 1951, itinatag niya ang Samsung Moolsan (Ngayon ay ang Samsung Corporation)at noong taong 1954, ang Cheil Industries ay itinatag at ang pangunahing produkto ay mga tella.

Si Chung Ju-Yung, na nagsimula sa isang rice shop bago ang Ikalawang digmaang pandaigdig, ay sinimulan din ang pagpapalawak ng kompanya. Nagtatag siya ng isang kompanyang pang konstruksiyon at pinalitan ang pangalan nito ng Hyundai Construction mula sa Hyundai Togun noong 1950. Matapos ang Digmaang Koreano, bumuti pa ang lagay ng negosyo ng atasan ang Hyundai Construction na itayo ang unang limang tulay sa Ilog Han matapos ang Digmaang Koreano. Ang Hyundai Construction din ang naatasan na magtayo ng mga gusali ng Hukbong Amerikano at ng United Nations, halimbawa na lang ng isang himpilan ng UN sa

Si Koo In-Hwoi naman ay nagsimula ng isang kompanya na gagawa ng mga bagay na unang magagwa sa Korea. Itinatag ang kompanyang Lak Hui Chemical Industrial Corp. at nagsimulang gumawa at magbenta ng Lak Hui Cream, isang produktong kosmetiko. Pati na rin ang unang produktong plastik, unang tubbong PVC, at unang cream-type toothpaste na gawang Korea. Noong taong 1958, itinatag ni Koo ang Goldstar, kapatid ng Lak Hui, na unang Koreanong gawang radyo sa Korea.

Pagbagsak ng Una at Ikalawang Republika ng Korea

baguhin

Noong 19 Abril 1960, ang kabataan at ang mamamayan ng Korea ay pinatalsik ang unang pangulo ng Korea na si Syngman Rhee sa ilalaim ng kadahilanang wala itong ginawa para mapabuti ang kalagayan ng bansa. Dahil din sa korupsiyon at pandaraya sa mga eleksiyon para manatili sa kapangyarihan. Matapos patalsikin sa kapangyarihan, si Syngaman Rhee ay umalis ng Korea at nanatili ito sa Hawaii.

Matapos ang pagbagsak ng Unang Republika, ang Ikalawang Republika ng Korea ay naitatag. Noong 13 Agosto 1960, nagkaroon ng isang eleksiyon kung saan nanalo si Yun Po-sun. Ang kanyang naging Punong Ministro naman ay si John Chang Myon. Maraming dapat asikasuhin ang bagong Republika ng Korea. Mulas sa korupsiyon, kaguluhan, mga Komunista, pati na rin ang politika sa militar ay dapat bigyang pansin.

Ang Ikalawang Republika ng Korea ay hindi nagtagal. Malaki ang korupsiyon ng Ikalawang Republika. Hindi rin nito binigyan ng pansin ang problema sa militar. dahil dito, ang militar ay nag aklas sa Republika noong 1961, Mayo 16.

Kudeta ng 16 Mayo 1961

baguhin

Dahil sa kabiguan na masolusyonan ang problema sa Hukbong Sandatahang Lakas ng Republika ng Korea, tatlong libong sundalo sa ilalim ni Heneral Park Chung-hee ang pumasok sa Seoul ang naglunsad ng isang kudeta. Binuwag ng militar ang lehislatura, kinontrol ang hudikatura at ehekutibo ng bansa. Nagtatag sila ng isang Junta, ang Rebolusyonaryong Komite at naging Supremong Konseho ng Pambansang Pagsasaayos noong 1962.

Nagkaroon ng kaguluhan sa politika ng Korea. Ang pangulo ng Republika ng Korea, si yun Po-sun ay sinuportahan ang kudeta. Habang ang Punong Ministro na si Chang Myon naman ay tutol. Ang hukbo ng Amerika sa Korea ay gustong pabagsakin ang kudeta pero hindi ito pinahintulutan ni yun Po-sun.

Nagkaroon kaagad ng aksiyon ang militar para isaayos ang bansa. Una, itinatag ang KCIA, o ang Korean Central Intelligence Agency, para mapabagsak ang mga oposisyon. Ikalawa, ang mga iligal na ipinasok na produktong dayuhan sa Korea ay sinamsam at sinung. Ikatlo, pinahuli ang mga malalaking negosyante (Chaebols), pwere na lang kay Lee Byung-Chull, na nasa bansang Hapon, dahil sa iligal na pagkita mula sa korupsiyon ng mga nakaraang administrasyon.

Pinalaya rin ng militar ang mga negosyante. Bumalik si Lee Byung-chull sa Korea at nakipagkasundo kay Park Chung-hee. Napagkasunduan na makakalaya ang mga negoyante kung ibibigay nila sa pamahalaan ni Park ang malaking parte ng kanilany yaman, magbabayad ng multa, at susuportahan ang mga patakaran at plano ng pamahalaan.

Isinaayos din ng junta ang pagbabalik sa sistemang pangulo. Hinanda ng Rebolusyonaryong Komite ang pagbabago sa konstitusyon para sa Ikatlong Republika ng Korea. Magkakaroon din ng eleksiyon sa pagka-pangulo sa taong 1963. Nangakong hindi tatakbo ang mga miyembro ng Komite sa pagka-pangulo. Ngunit hindi ito tinupad ni Park Chung-hee at tumakbo sa eleksiyon ng 1963 at nanalo ng may maliit na pagitan.

Himala sa Ilog Han

baguhin

Noong manalo sa eleksiyon si Park Chung-Hee, binigyan prioridad niya ang ekonomiya ng bansa, pero maraming problema siyang haharapin.na problema. Una,walang sapat na kapital. Pinalala pa ito ng itinigil ng Estados Unidos ang pagbigay ng tulong pinansiyal nito sa Timog Korea. Napabuti na lang ito matapos bumisita ni Pangulong Park sa Kanlurang Alemanya. Nagbigay ng DM1,000,000 kapalit ng pagpapadala ng iilang propesiyonal sa Kanlurang Alemanya.

Ikalawa, halos walang likas na yaman ang matatagpuan sa Timog Korea. Ang masaklap halos lahat ng likas na yaman ay nasa Hilagang Korea. Ikatlo, kulang ang imprastruktura ng bansa dahil halos lahat ng imprastruktura na itinayo ng mga Hapon ay nasa Hilagang Korea.

Unang Limang Taong Planong Pang-ekonomiya

baguhin

Noong taong 1962, nilunsad ng Supremong Konseho ng Pambansang Pagsasaayos ang Unang Limang Taong Planong Pang Ekonomiya. Ang plano ay para isaayos ang ugat ng ekonomiya ng Korea. Ang mga layong ipagbuti ng plano ay magkaroon ng sapat suplay ng koryente ang bansa. Palaguin ang industriya ng sintetikong tela at iba pang magaan na industriya tulad ng semento, pataba at langis.