Park Chung-hee
Si Park Chung-hee ay naglingkod bilang pangulo ng Timog Korea mula sa taong 1961 hangang 1979.
Park Chung-hee | |
---|---|
??? | |
5th–9th President of South Korea | |
Nasa puwesto 24 March 1962 – 26 October 1979 Acting to 17 December 1963 | |
Punong Ministro | Choi Tu-son Chung Il-kwon Paik Too-chin Kim Jong-pil Choi Kyu-hah |
Nakaraang sinundan | Yun Posun |
Sinundan ni | Choi Kyu-hah |
Chairman of the Supreme Council for National Reconstruction | |
Nasa puwesto 3 July 1961 – 17 December 1963 | |
Nakaraang sinundan | Chang Do-yong |
Sinundan ni | Position abolished |
Deputy Chairman of the Supreme Council for National Reconstruction | |
Nasa puwesto 16 May 1961 – 2 July 1961 | |
Nakaraang sinundan | Position established |
Sinundan ni | Position abolished |
Personal na detalye | |
Isinilang | 14 Nobyembre 1917 Seonsan, Japanese Korea (now Gumi, South Korea) |
Yumao | 26 Oktobre 1979 Seoul, South Korea | (edad 61)
Dahilan ng pagkamatay | Assassination |
Himlayan | Seoul National Cemetery |
Partidong pampolitika | Democratic Republican |
Ibang ugnayang pampolitika | Workers' Party of South Korea (1946–1948)[1] |
Asawa | Kim Ho-nam (k. 1936–50) Yuk Young-soo (k. 1950; died 1974) |
Anak | Park Jae-ok Park Geun-hye Park Geun-ryoung Park Ji-man |
Alma mater | Imperial Japanese Army Academy Korea Military Academy |
Religion | Buddhism[2] |
Pirma | |
Serbisyo sa militar | |
Katapatan | Manchukuo Padron:Country data Second Republic of Korea |
Sangay/Serbisyo | Hukbo ng Manchukuo (1944–1945) Hukbo ng Timog Korea (1945–1963) |
Taon sa lingkod | 1944–1963 |
Ranggo | General |
Labanan/Digmaan | Second Sino-Japanese War World War II Korean War |
Siya ang nagsimula ng mabilis na pag-asenso ng Timog Korea sa paraan ng pagluluwas ng mga produkto. Gayunpaman, sinasabing maraming mga pang-aabuso sa karapatang pantao na nangyari sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Ang kanyang pamumuno ay nagtapos ng siya ay pinatay ni Kim Jae-kyu, ang direktor ng Korean Central Intelligence Agency (KCIA).
Noong 1999, si Park ay itinala bilang isa sa pangunahing 10 "Asians of the Century" ng Time magazine.
Si Park Chung-hee ang ama ng ika-11 at kasalukuyang Pangulo ng Timog Korea na si Park Geun-hye.
Talambuhay
baguhinSi Park Chung-hee ay ipinanganak noong 14 Nobyembre 1917 sa Gumi sa probinsiyang Gyeongbuk ng Kolonyal na Korea sa isang mahirap na magsasakang pamilya. Sa kanyang kabataan, siya ay nakapasok sa isang paaralan ng pagtuturo sa Daegu at naging guro sa Mungyeong pagkatapos magtapos sa degree ng pagtuturo. Pagkatapos ng Digmaang ikalawang Sino-Hapones, si Park ay pumasok sa Changchun Military Academy ng Imperyal na Hukbong Manchukuo. Siya ay nagtapos na pangunahin sa kanyang klase ng 1942 at nakilalang talentado ng kanyang mga gurong Hapones na nagrekomiyenda sa kanyang karagdagan pang mag-aral sa Akademiya ng Hukbong Hapones sa Hapon. Pagkatapos na magtapos na ikatlo sa klase ng 1944, siya ay kinomisyon na tinyente sa Hukbong Kwantong ng Hapon at naglingkod sa mga huling yugto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Si Park ay bumalik sa Korea pagkatapos ng digmaan at pumasok sa Akademyang Panghukbo ng Korea. Siya ay nagtapos noong 1946 na may ranggong kapitan at naging opiser ng konstabularyong hukbo sa ilalim ng Pamahalaang Militar ng Estados Unidos sa Timog Korea. Sa ilalim ng bagong tatag na pamahalaan ng Timog Korea sa ilalim ni Syngman Rhee ay pinadakip si Park noong Nobyembre 1948 sa mga kaso ng pamumuno sa isang seldang komunista sa konstabularyong Koreano. Si Park ay hinatulan ng kamatayan ng hukumang militar ngunit ang sentensiya ay binaba ni Rhee sa pagsusumamo ng mga matataas na ranggong opiser ng Korea. Pagkatapos magsimuloa ang Digmaang Koreano, si Park ay bumalik sa paglilingkod bilang major sa hukbong Timog Koreano. Siya ay itinaas na tenyente koronel noong Setyembre 1950 at bilang koronel noong Abril 1951. Bilang Koronel, pinangasiwaan niya ang II at III Artillery Corps noong digmaan. Siya ay naging diputadong direktor sa Army Headquarters Intelligence Bureau noong 1952. Sa panahon na nagwakas na ang digmaan noong 1953, si Park ay naging brigadier general. Pagkatapos ng paglalagda ng Korean Armistice Agreement, si Park ay napili sa anim na buwang pageensayo sa Fort Sill sa America.
Pagkatapos bumalik sa Korea, pinangunahan ni Park ang ika-5 at ika-7 Dibisyon ng Hukbong Timog Koreano bago ang kanyang promosyon sa major general noong 1958. Si Park ay nahirang na Chief of Staff ng Unang Hukbo at ginawang pinuno ng ika-1 at ika-6 na District Command ng Timog Korea na nagbigay sa kanya ng responsibilidad sa pagtatanggol ng Seoul. Noong 1960, si Park ay naging Chief of the Operations Staff of the South Korean Army at deputy commander ng Ikalawang Hukbo.
Noong 25 Abril 1960, pinatalsik ang Unang Pangulo ng Timog Korea na si Syngman Rhee sa puwesto matapos ang Kilusang Abril 19 na isang pag-aaklas ng mga estudyante. Ang isang bagong pamahalaang demokratiko ay humalili noong 13 Agosto 1960. Gayunpaman, ito ay may maikling buhay ng pamumunong parliamentaryo. Si Yun Bo-seon ay isang pangulong tautauhan samantalang ang tunay na kapangyarihan ay nasa Punong Ministrong Chang Myon. Ang mga problema ay mabilis na lumitaw dahil ang pinuno ay walang katapatan mula sa anumang partidong demokratiko o makaabot sa kasunduan sa komposisyon ng gabinete. Tinangka ni Change na magkaroon ng mga koalisyon sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga posisyon ng gabinete ng tatlong beses sa loob ng 5 buwan. Sa ilalim ng bagong pamahalaang ito, ang bansa ay dumanas ng dekada ng maling pangangasiwa at korupsiyon sa ilalim ng pamumuno ng nakaraang pangulong si Rhee at mga estudyanteng nagpatalsik sa kanya. Kadalasang may mga nagpoprotesta sa mga lansangan na humihingi ng mga reporma sa politika at ekononomiya. Bukod dito, nagkaroon rin ng mga kaguluhan dahil sa pagkademoralisa nito sa ilalim ni Rhee. Ang patuloy naalitan ng mga paksiyon ay nagpalayo sa publiko sa namumunong partidong demokratiko.
Binuo ni Major-General Park na Director-General of ROK Army Operations ang Military Revolutionary Committee. Pinangunahan niya ang isang militar na coup noong 16 Mayo 1961. Ito ang nagtapos sa hinalal na demokratikong pamahalaan ni Yun. Sa simula, ang isang bagong administrasyon ay nabuo sa mga opiser ng militar na sumuporta kay Park. Ang repormistang Supreme Council for National Reconstruction ay pinangunahan Chang. Pagkatapos madakip ni Chang noong Hulyo 1961, si Park ang kabuuang kumontrol sa council. Bagaman sinalungat ni Punong Ministro Chang ang coup, si Pangulong Yun ay pumanig sa militar at hinimok ang Ika-8 Hukbo ng Estados Unidos at mga komander ng mga iba't ibang ROK army unit na huwag manghimasok sa bagong pamahalaan. Pagkatapos nito, si Park ay naitaas na Lieutenant General.
Si Pangulong Yun ay nanatili sa opisina na nagbibigay ng lehitimasya sa rehimeng militar. Si Yun ay nagbitiw noong 24 Marso 1962 at si Park ang nanatiling chairman ng Supreme Council for National Reconstruction at naging umaasal na pangulo. Siya ay itinaas na buong heneral. Umayon si Park na ibalik ang pamumunong sibilyan pagkatapos ng pamimilit ng administrasyon ni Pangulong John F. Kennedy.
Noong 1963, si Park ay nahalal na pangulo bilang kandidato ng bagong nalikhang Minju Gonghwadong o Partidong Demokratiko Republikano. Tinalo niya si Yun ng higit sa 156,000 boto na margin ng 1.5 porsiyento. Si Park ay muling nahalal na pangulo noong 1967 laban kay Yun.
Bilang Pangulo
baguhinEkonomiya
baguhinSi Park ay kinikilala sa kanyang mahalagang papel sa pag-unlad ng Timog Korea sa pagtutuon niya sa industriyalisasyong nakatuon sa pagluluwas. Nang maluklok siya sa puwesto noong 1961, ang kada taong sahod ng Timog Korea ay US$72.00 lamang at ang Hilagang Korea ay mas mayaman at makapangyarihan sa Timog Korea sa panahong ito dahil sa natanggap na mga tulong ng Hilagang Korea sa mga bansang komunistang bloc na Unyong Sobyet, Silangang Alemanya at Tsina. Ang ekonomiya ng Timog Korea ay mabilis na lumago sa ilalim ng pamumuno ni Park. Upang matamo ang industrialisasyon, itinaguyod niya ang mga malalaking pribadong negosyo na chaebol sa tinatawag na Unang Limang Taong Planong Ekonomiko. Ang mga patakarang dirigisme na nasyonalisasyon ng sistemang pagbabangko ng Timog Korea at pagdidirekta ng murang utang sa sektor ng pagluluwas ay lumikha ng mabilis na pag-unlad sa mga industriyang textile at damit. Ang patakarang industriyal ng pamahalaan ay nagtakda ng direksiyon sa bagong pamumuhunan at ang mga pribadong negosyo ay natiyak na mapapautang ng sektor ng bangko. Sa paraang ito, ang mga ito ay gumampan ng isang mahalagang papel sa pagpapaunlad ng mga bagong industriya, mga pamilihan at produksiyon ng pagluluwas na nakatulong sa Timog Korea upang maging isa sa Apat na Tigre ng Asya.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Han, Yong-sup (2011). "The May Sixteenth Military Coup". The Park Chung-hee Era: The Transformation of South Korea. Harvard University Press. p. 36. ISBN 9780674058200.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chambers, John H. (2008). Everyone's History. United States of America: Author Solutions. p. 698. ISBN 978-1436347136.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)