Angel Locsin
Si Angel Locsin (ipinanganak bilang Angelica Locsin Colmenares noong 23 Abril 1985) ay isang artistang Pilipino. Gumanap siya bilang Darna ng GMA Network. Nagtambal sila ni Richard Gutierrez sa pelikulang Let The Love Begin.
Angel Locsin | |
---|---|
Kapanganakan | Angelica Locsin Colmenares Solis 23 Abril 1985 |
Trabaho | Aktres, Modelo, Prodyuser ng pelikula |
Aktibong taon | 2002–kasalukuyan |
Website | http://www.angellocsin.com.ph |
Personal na buhay
baguhinIpinanganak si Angel Locsin bilang Angelica Colmenares noong Abril 23, 1985.[1][2] Ang kanyang ama ay si Angelo Colmenares.[3]
Adbokasiya
baguhinTumutulong si Angel Locsin sa Philippine Red Cross sa mga relief operations at pagpapakete ng mga relief goods simula pa noong 2009 noong nanalasa ang Bagyong Ondoy. Siya din ay aktibong tagapagtaguyod ng pagbibigay ng dugo bilang donasyon. Siya mismong ay nagbibigay na ng sapat na dami ng dugo para tawagin siyang isang Blood Galloner.[6]
Noong kanyang kaarawan noong Abril 23, 2021 ay nagbukas ng sariling community pantry si Angel Locsin na katulad ng isang mini-grocery para higit na marami ang mailagay at mas maraming tao ang matulungan.[7]
Ang inisyatibang "Unitent We Stand PH" ni Angel Locsin noong 2020 ay nakakalap ng P11.35 milyon, nakapagtayo ng 246 na mga tent at nakatulong sa 135 na mga ospital. Bukod sa mga tent ay nakapagbigay ito ng mga PPE at iba pang mga pangangailangan ng mga pasyente at ng mga frontliners upang matugunan ang hamon sa pagsisikip sa mga ospital, at upang makatulong sa pagbawas ng pagtaas ng pagkalat ng virus sa mga ospital.[8]
Nagbahagi din ng pagkain si Angel Locsin sa Philippine Coast Guard Task Force Laban COVID-19 habang ang mga ito ay nagpapatrolya sa Lungsod ng Taguig noong 2020.[9]
Noong 2020 ay nag-usap sina Angel Locsin at ang hepe ng Timog Luzon Command ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si Tenyente Heneral Antonio Parlade Jr. ukol sa pagred-tag kay Locsin. Malinaw na tinutuligsa ni Angel Locsin ang anumang anyo ng karahasan at terorismo. Sinusuportahan din niya ang lahat ng pagsisikap ng pamahalaan upang mapanatili ang kaligtasan at protektahan ang mga mamamayan nito. Sinabi ni Tenyente Heneral Antonio Parlade Jr. na pinahahalagahan niya ang kontribusyon ni Angel Locsin sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ang patuloy nitong adbokasiya na tumulong sa mga mahihirap.[10]
Parangal na natanggap
baguhinGinawaran si Angel Locsin ng Spirit of Philanthropy Award mula sa Philippine Red Cross noong 2021.[11]
Noong 2020 ay kasama si Angel Locsin sa “Leaders of Tomorrow” na listahan ng Gen T ng Tatler Asia dahil sa walang sawa nitong mga gawaing mapagkawanggawa sa larangan ng edukasyon at edukasyon, pati na rin tungkol sa karahasan sa tahanan.[12]
Noong 2019 ay isa si Angel Locsin sa tatlumpu na “Altruists In The Asia Pacific Region” ng Forbes para sa pagsuporta nito sa mga gawain na tumutulong sa mga biktima ng karahasan, natural na sakuna at kaguluhan sa Mindanao.[13]
Kinilala bilang Best Actress si Angel Locsin ng Gawad Tanglaw (Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw) para sa telebisyon noong 2015 para sa kanyang pagganap sa "The Legal Wife" at noong 2020 sa kanyang pagganap sa "The General's Daughter".[14][15]
Pilmograpiya
baguhinTelebisyon
baguhinTaon | Pamagat | Ginampanan | Pananda |
---|---|---|---|
2000 | Click | Charley | |
Ang Iibigin Ay Ikaw | Mariella | ||
2003 | Ang Iibigin Ay Ikaw Pa Rin | Mariella | |
Twin Hearts | Sweetheart | ||
Love To Love | Chara/Charina | Episodyo: "Kissing Beauty" | |
2004 | All Together Now | Tetet | |
SOP | Herself/Host | ||
Magpakailanman | Jhunnalyn dela Peña | Episodyo: "Sa Kabila ng Kanyang Pamamaalam" | |
Mulawin | Alwina | ||
2005 | Initial D Fourth Stage | Kyoko Iwase | Boses lamang |
Darna | Darna/Narda | ||
2006 | Majika | Sabina | Nanomina—Star Award para sa Pinakamahusay na Aktres sa Drama ng Telebisyon |
Tokyuu Shirei Solbrain | Reiko Higuchi | Boses lamang | |
2007 | Asian Treasures | Gabriella Agoncillo | Nanomina—Star Award para sa Pinakamahusay na Aktres sa Drama ng Telebisyon |
2007–present | ASAP | Performer/Host | |
2007 | Maalaala Mo Kaya | Melody | Episodyo: "Pilat"
Star Award para sa Telebisyon para Pinakamahusay na Nag-iisang Pagganap ng isang Aktres |
2008 | Lobo | Lyka Raymundo-Ortega | Multimedia Award sa Ani ng Dangal Asian Star Entertainment Global Excellence Award para sa Pinakanamumukod-tanging Aktres Natatanging Medalyang Papuri para sa Nominasyon ng Pinakamahusay na Aktres sa Emmy Awards Nanomina—International Emmy Award para sa Pinakamahusay na Pagganap ng isang Aktres[16] Nanomina—Star Award para sa Telebisyon para sa Pinakamahusay na Aktres sa Drama |
2009 | Only You | Jillian Mendoza | Nanomina—Star Award para sa Telebisyon para sa Pinakamahusay na Aktres sa Drama |
Maalaala Mo Kaya | Nemie | Episodyo: "Blusa" Philippine Psychiatric Association SiSA Award para sa Namumukod-tanging Aktres sa isang Dramang Pagganap | |
2010 | Imortal | Lia Ortega-Rodriguez/Lyka Raymundo-Ortega | Nanomina—Golden Screen Award para sa Namumukod-tanging Pagganap ng isang Aktres sa isang Seryeng Drama Nanomina—Star Award para sa telebisyon para Pinakamahusay na Aktres ng Drama |
Maalaala Mo Kaya | Jenna | Episodyo: "Litrato" Nanomina—Star Award para sa Telebisyon para sa Pinakamahusay na Nag-iisang Pagganap ng isang Aktres | |
2011 | 100 Days to Heaven | Tagabantay (isang nars) | |
2011–2013 | Toda Max | Isabel Padausdos | Nanomina—Golden Screen Award para sa Namumukod-tanging Pagganap ng isang Aktres sa isang Programang Gag o Komedya Nanomina—Star Award para sa Telebisyon para sa Pinakamahusay na Aktres ng Komedya (2012) Nanomina—Star Award para sa Telebisyon para sa Pinakamahusay na Aktres ng Komedya (2013) |
2012 | Wansapanataym | Abby | Episodyo: "Ang Kulay ng Pasko" |
2013 | It's Showtime | Kanyang-sarili/Host | |
Maalaala Mo Kaya | Mildred | Episodyo: "Mask" | |
2014 | The Legal Wife[17] | Monica Santiago-de Villa | Pinkamahusay na Aktres ng Drama ng EdukCircle Pinkamahusay na Aktres sa Ika-4 na OFW Gawad Parangal Pinkamahusay na Aktres sa ika-13 Gawad Tanglaw para sa Telebisyon Pinkamahusay na Aktres sa Ikalawang Paragala Pinkamahusay na Aktres sa Northwest Samar State University Visionary Awards Nanomina—Star Award para sa Telebisyon para sa Pinakamahusay na Aktres ng Drama Nanomina—Pinkamahusay na Aktres sa KBP Golden Dove Awards |
Promil Pre-school i-Shine Talent Camp | Mentor/ Teacher | ||
2015 | Maalaala Mo Kaya | Suzette Tucay | Episodyo: "Plano" |
Episodyo: "Watawat" | |||
2016 | Pilipinas Got Talent (season 5) | Hurado | |
2017 | "Maalaala Mo Kaya" | Roma Tarub | "Picture" (Pangunahing kontrabida) |
Samina | "Kotse- kotsehan" | ||
Mulawin vs. Ravena | Alwina | Maikling paglitaw/arkibo mula sa pelikula | |
La Luna Sangre | Amalia "Lia" Rodriguez Jacintha Magsaysay |
Natatanging partisipasyon Pangunahing Tauhan / Bida / Kontrabida | |
2018 | Pilipinas Got Talent (season 6) | Hurado | |
2019 | The General's Daughter | Rhian Bonifacio/Arabella de Leon | |
2020 | Iba 'Yan | Host |
Pelikula
baguhinTaon | Pamagat | Ginampanan | Mga pananda |
---|---|---|---|
2000 | Ping Lacson: Supercop | Batang Robina Gokongwei | Krinedito bilang Angelica Culmonares |
2003 | Mano Po 2 | Melissa | Entrada sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila |
2004 | Kuya | Barbs | |
Singles | Sam | ||
Sigaw | Pinky | ||
Mano Po III: My Love | Eliza | Entrada sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila | |
2005 | Let the Love Begin | Patricia | P124 Million (Estimated Domestic Gross) |
Mulawin: The Movie | Alwina | Entrada sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila | |
2006 | I Will Always Love You | Cecille | P100 million (Estimated Domestic Gross) |
TxT | Joyce | ||
Mano Po 5: Gua Ai Di | Charity | ||
2007 | The Promise | Andrea de Vera | |
Angels[18] | Angie | Prodyuser din Bahagi: "Angel of Mine" | |
2009 | Love Me Again | Arah | |
2010 | My Amnesia Girl | MMA Fighter | Kameyo |
2011 | In The Name Of Love | Mercedes "Cedes" Fernandez | |
2012 | Unofficially Yours | Princess Bricenio | |
One More Try" | Grace | Entrada sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila | |
2013 | Four Sisters and a Wedding" | Alex Salazar | |
2014 | The Amazing Praybeyt Benjamin | Young Lilibeth Santos | Kameyo |
2016 | Everything About Her | Jaica Domingo | |
The Third Party | Andi Medina |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Ranara, John Patrick Magno (Abril 24, 2023). "Dimples Romana pens heartfelt birthday message to Angel Locsin: 'Isa sa pinakamapagmahal na tao ngayon'". Philstar Life. Nakuha noong 2024-03-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ T, Generation (Mayo 21, 2021). "Everything You Need To Know About Actor Angel Locsin". Tatler Asia. Nakuha noong 2024-03-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Navalta, Daniel Joseph (2021-02-18). "Angel Locsin celebrates blind father's 94th birthday with simple party at home". Kami.com.ph - Philippines news. Nakuha noong 2024-03-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Quieta, Racquel (Agosto 8, 2021). "IN PHOTOS: Angel Locsin and Neil Arce's relationship timeline". www.gmanetwork.com. Nakuha noong 2024-03-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Almo, Nherz (Agosto 7, 2021). "Angel Locsin and Neil Arce are married!". www.gmanetwork.com. Nakuha noong 2024-03-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Esposo, Joseph (2019-11-04). "Philippine Red Cross | Humanitarian Organization in the Philippines". Philippine Red Cross. Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-03-13. Nakuha noong 2024-03-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Garcia, Cara Emmeline (Abril 23, 2021). "Angel Locsin takes community pantry to the next level". www.gmanetwork.com. Nakuha noong 2024-03-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Juan, Ratziel San (2020-04-24). "Angel Locsin raises over P11 million, helps 135 hospitals in fight vs COVID-19". Philstar.com. Nakuha noong 2024-03-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Lariosa, Saab (Abril 23, 2021). "LIST: Angel Locsin's philanthropic efforts during the pandemic". Philstar Life. Nakuha noong 2024-03-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Severo, Jan Milo (Nobyembre 16, 2020). "Angel Locsin, Parlade make peace over red-tagging issue". Philstar.com. Nakuha noong 2024-03-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Bernardino, Stephanie (Enero 18, 2021). "LOOK: Angel Locsin receives Spirit of Philanthropy Award from Philippine Red Cross". Manila Bulletin. Nakuha noong Marso 19, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Hallare, Katrina (2020-10-20). "Angel Locsin is one of Tatler Asia's 'Leaders of Tomorrow' in yearly Gen T list". INQUIRER.net. Nakuha noong 2024-03-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Severo, Jan Milo (Disyembre 3, 2019). "Angel Locsin makes it to Forbes' 'Heroes' list for Mindanao charity work". Philstar.com. Nakuha noong 2024-03-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Corrales, Nestor (2015-01-09). "Angel Locsin, Julia Montes win acting awards in 13th Gawad Tanglaw". INQUIRER.net. Nakuha noong 2024-03-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Biong, Ian (2020-12-24). "'The General's Daughter' bags top acting awards in 18th Gawad Tanglaw". INQUIRER.net. Nakuha noong 2024-03-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Santiago, Erwin. "Angel Locsin and two Filipino telenovelas nominated in the 37th International Emmys". Philippine Entertainment Portal. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 2, 2014. Nakuha noong Abril 8, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Corporate Communications, ABS-CBN. "Angel Locsin returns to primetime TV via "The Legal Wife"". ABS-CBN.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 28, 2013. Nakuha noong Oktubre 26, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "[1]"