Angelababy
Si Angela Yeung Wing (ipinanganak noong 28 Pebrero 1989), mas kilala sa kanyang pang-entabladong pangalang Angelababy, ay isang modelo at aktres sa Hong Kong. Ang kanyang stage name ay nanggaling sa kombinasyon ng kanyal legal na pangalan na "Angela" at ang nickname na "Baby" na ibinigay sa kanya ng kanyang pamilya.[1] Siya ay may ugat na Alemanya galing sa kanyang lolo. Siya ay ipinanganak sa Shanghai at lumipat sa Hong Kong sa edad na 13.
Angelababy | |
---|---|
Pangalang Tsino | 楊穎 (Tradisyonal) |
Pinyin | Yáng Yǐng (Mandarin) |
Jyutping | Joeng4 Sii6 (Kantones) |
Pangalan noong Kapanganakan | Yang Ying |
Etnisidad | 3/4 Tsinong Han, 1/4 Aleman |
Kapanganakan | Shanghai, Tsina | 28 Pebrero 1989
Kabuhayan | modelo, aktres |
Tatak/Leybel | Style International
Asia Cross Agency Avex Group Huayi Brothers |
Taon ng Kasiglahan | 2007–kasalukuyan |
Asawa | Huang Xiaoming (2015–kasalukuyan) |
Lipi | Shanghai, Tsina |
- Isa itong pangalang Tsino; ang apelyido ay Yang (apelyido).
Karera
baguhinAng karera ni Angelababy ay nagsimula noong makilala siya ng Style International Inc. sa edad na 17 at pinasok ang industriya ng pagmomodelo sa taong iyon (2007). Sumunod ay tumampok siya bilang mananayaw sa concert 《07-08世界巡迴演唱會香港站》 ni Jay Chou sa Hong Kong.
Higit pa sa kanyang mga pelikula, si Angelababy ay tumampok sa maraming catwalk appearance, telebisyon at mga patalastas (commercial) sa buong Asya. Siya rin ay gumanap sa music video ni William Chan. At saka, siya rin ang nagbigay ng boses kay Rapunzel sa bersyong Mandarin ng Tangled.
Siya rin ay gumanap sa Hapong web drama na "Tweet Love Story" noong Hulyo 2010. Ang basehan ng drama ay ang paglalahok ng mga manonood sa pamamagitan ng Twitter; apat sa mga tagpuan ay naglalaman ng nawawalang linya ni Angelababy na kinumpleto na lang galing sa napagpilian na tweet na may hash tag na #tweetlovestory.[2]
Sa Hapon
baguhinNoong 2009, ang Avex Group, ang pinamalaking record label at talent agency ng Hapon, ay ipinirma siya ng isang kontrata para sa mga aktibidad sa Hapon.
Mga alegasyon tungkol sa retoke
baguhinNoong 7 Setyembre 2010, tinanggihan ni Angelababy ang mga alegasyon na pinaretoke niya ang kanyang mukha, sinasabi niya na siya ay bumisita sa isang surihano para patunayan ito.[3][4][5]
Pilmograpiya
baguhin- 2007: Trivial Matters (破事兒) Pinangunguhan: Angelababy Yeung, Eason Chan, Gillian Chung
- 2009: Short of Love (矮仔多情) Pinangunguhan: Angelababy Yeung, Wong Cho Lam, JJ Jia, Kate Tsui, Chrissie Chau, Ella Koon, Race Wong
- 2010: Hot Summer Days (全城熱戀熱辣辣) Pinangunguhan: Angelababy Yeung, Jing Boran, Fu Xinbo, Nicholas Tse, Jacky Cheung, Daniel Wu
- 2010: All's Well, Ends Well 2010 (花田囍事2010)
- 2011: All's Well, Ends Well 2011
- 2011: The Founding of a Party (建党伟业)
- 2011: Love in Space
- 2011: Love You You
- 2012: Black & White (痞子英雄)
- 2012: Together
- 2012: The First Time
- 2012: Tai Chi 0
- 2012: Tai Chi Hero
- 2013: A Better Tomorrow
Diskograpiya
baguhinMga single
baguhin- 2010: "Beauty Survivor"
- 2011: "Love Never Stops"
- 2011: "Everyday's A Beautiful Story"
Mga album
baguhin- 2011: m-flo TRIBUTE ~stitch the future and past~ (Kasama ang kanyang awitin na "Tripod Baby")
Kinanta ni Angelababy ang tema ng kampanya ng 2010 Vidal Sassoon Beauty Survivor. Ang kanta ay inilabas bilang isang single. Ang kanta ay kinanta sa wikang Hapon at Ingles.[6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Angelababy全能少女 Angelababy all-around girl". Nanfang Daily (sa wikang Tsino). 29 Hunyo 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-03-31. Nakuha noong 9 Abril 2010.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://tweetlove.angelababy.asia/ Tweet Love Story
- ↑ "HK model Angelababy proves she is no 'artificial beauty'". Channel News Asia. 9 Setyembre 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Agosto 2012. Nakuha noong 21 Oktubre 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Taiwan celeb make-up artist outs 'artificial beauties'". Channel NewsAsia. 22 Hunyo 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Marso 2013. Nakuha noong 21 Oktubre 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "AngelaBaby seeks to prove her innocence". Xin MSN Entertainment. 7 Mayo 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-12-17. Nakuha noong 21 Oktubre 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://angelababy.asia/?p=custom&id=8626166 Naka-arkibo 2013-03-12 sa Wayback Machine. "Beauty Survivor" Single