Angeles City Science High School

Ang Angeles City Science High School (Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Lungsod ng Angeles) ay isang pangalawang pampublikong mataas na paaralang pang-agham. Ito ay matatagpuan sa Doña Aurora St. Lourdes Sur East, Angeles City, Philippines. Ito ay itinatag noong 2006, at kinikilala ng DepEd bilang mataas na paaralang pang-agham. Ito rin ay nakabase sa K-12 Curriculum na alinsunod sa DepEd order.

Angeles City Science High School
Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Lungsod ng Angeles
Address
Map
Doña Aurora St., Brgy. Lourdes Sur East,
Coordinates15°08′42″N 120°35′35″E / 15.145002°N 120.593077°E / 15.145002; 120.593077
Impormasyon
TypePublic, Science High School
Itinatag1993 as Angeles City National High School - Special Science Class, renamed in 2006
PrincipalAriel T. Perez
Grades7 to 12
NicknameWizards, Greyhounds
DepEd School ID307202

Kasaysayan

baguhin

Dating kilala bilang Angeles City National High School - Special Science Class, ang paaralan na ito ay isa sa kabilang sa 110 Science and Technology High Schools in the Philippines. Sa kasalukuyan, ang paaralan na ito ay mayroong 16 na silid-aralan, laboratoryong pang-kompyuter, covered court, laboratoryong pang-matematika, at silid-aklatan. Dahil sa panibagong K-12 Curriculum ng DepEd, ang paaralang ito ay nagsimulang mag-alok lamang ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) Strand noong 2016.

Mula noong February, 2019, ang paaralang ito ay mayroong dalawang pinuno na na namumuno sa departamentong Junior High School at Senior High School.

Mga nagawa

baguhin

Ang Special Science Class (SSC) ay isa sa mga paaralang nakatanggap ng UP-Pautakan Oblation Trophy pagkatapos manalo nang tatlong magkasunod na taon. Ang Kasamahang Akademiko (The Academic Team) ang nagwagi sa Philips Mind Challenge noong 2001 at sa Sharp Minds Challenge noong 2006. Ang paaralang ito ay naghuhubog ng mga mga mag-aaral na mag-wawagi sa mga kompetisyong sponsored ng DepEd tulad ng press conferences, science and math festivals, ang Metrobank MTAP Challenges, at iba pa. Ang klaseng ito ay namumukod-tangi sa mga paligsahang na-host ng mga iba't-ibang paaralan sa buong siyudad.

Noong 2005, ang paaralang ito ay naging ika-7 sa mga 500 na paaralang kabilang sa Regional Schools Press Conference. Ito ay ikalawa sa isinagawang regional achievement test sa wikang Ingles sa Rehiyon III.

Noong 2017 at 2018, ang paaralang ito ay nagsimulang makipagkumpitensya sa International Research Competitions na pinangunahan ni Mrs. Lolita Bautista. Ang paaralan ay nanalo ng halos 7 na parangal mula noong Hunyo 1, 2018.

Paglipat ng campus

baguhin

Noong pinamahalaan ng DOST ang SSC noong 1998, ito ay naglaan ng bahagi ng lupa kung saan nakatayo ang Dr. Clemente N. Dayrit Sr. Elementary School. Sa ngayon, ang adres ng paaralan ay sa Doña Aurora St. Lourdes Sur, East, Angeles City. Ang campus nito ay may siyam na gusali at may covered court.