Ankhesenamun

(Idinirekta mula sa Ankhesenpaaten)

Si Ankhesenamun (ˁnḫ-s-n-imn, "Ang buhay niya ay kay Amun"; ipinanganak noong c. 1348 – namatay pagkaraan ng 1322 BCE) ay isang reyna ng Ika-18 Dinastiya ng Ehipto. Ipinanganak siya bilang Ankhesenpaaten. Siya ang pangatlo sa anim na nakikilalang mga anak na babae ni Ehipsiyong Paraon na si Akhenaten at ng Dakilang Maharlikang Asawa nito na si Nefertiti, at naging Dakilang Maharlikang Asawa naman siya ng kaniyang lalaking kapatid sa magulang na si Tutankhamun.[2] Ang pagbabago sa kaniyang pangalan ay nagpapakita ng mga pagbabago sa relihiyon ng Sinaunang Ehipto noong panahon ng kaniyang buhay pagkaraan ng kamatayan ng kaniyang ama. Ang kaniyang kabataan ay mainam na nakatala sa sinaunang mga lilok at mga larawang nakapinta na nauukol sa pamumuno ng kaniyang mga magulang. Iisa ang ama nina Tutankhamun at Ankhesenamun subalit ang ina ni Tutankhamun ay kamakailan lamang napag-alaman ng ebidensiiyang henetiko na isa sa mga kapatid na babae ni Akhenaten, na isang anak na babae (na hindi pa nalalaman ang pangalan) ni Amenhotep III.

Ankhesenamun
Kapanganakan1348 BCE (Huliyano)
  • (Qena Governorate, Ehipto)
Kamatayan1322 BCE (Huliyano)
LibinganLambak ng mga Hari
MamamayanSinaunang Ehipto
AsawaTutankhamun[1]
Magulang
PamilyaTutankhamun
Meritaten

Maaaring siya ay ipinanganak noong ika-4 na taon ng pamumuno ni Akhenaten, at sa pagsapit ng ika-12 taon ng paghahari ng kaniyang ama, nakapiling niya ang kaniyang tatlong mas nakababatang mga kapatid na babae. Maaaring ginawa ni Akhenaten na maging kasamang rehiyente (ko-rehiyente) niya ang kaniyang asawa, at pinagawa niyang mailarawan ang kaniyang mag-anak na nasa estilong makatotohanan sa lahat ng mga opisyal na akdang pansining.

Tiyak ang pagkakakasal ni Ankhesenamun sa isang hari - siya ang Dakilang Maharlikang Asawa ng paraon na si Tutankhamun (na siya nga ring kapatid niya sa magulang). Maaari rin na saglit siyang naging kasal sa kapalit ni Tutankhamun na si Ay, na pinaniniwalaan ng ilang mga dalubhasa bilang kaniyang lolo sa ina.[3] Pinaniniwalaan din na siya ay naging Dakilang Maharlikang Asawa ng kaniyang ama na si Akhenaten, pagkaraan ng maaaring pagkamatay ng kaniyang ina, at naging ko-rehiyente rin ng kaagad na kapalit ni Akhenaten na si Smenkhkare.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Queen Ankhesenamen".
  2. Dodson, Aidan (2004). The Complete Royal Families of Ancient Egypt. Thames & Hudson. pp. 148. {{cite book}}: Unknown parameter |coauthor= ignored (|author= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Grajetzki, Wolfram (2000). Ancient Egyptian Queens; a hieroglyphic dictionary. London: Golden House. p. 64.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)