Nefertiti
Si Nefertiti (binibigkas noong panahong iyon na parang nafratiːta [1][2]) (c. 1370 BK - c. 1330 BK) ay ang Dakilang Maharlikang Asawa (punong konsorte) ng Paraong Akhenaten ng Ehipto. Kilala si Nefertiti at ang kanyang asawa sa pagpapalit ng relihiyon sa Ehipto mula sa politeismo patungo sa monoteismo. Naniniwala sila sa iisang diyos, si Aten. Si Nefertiti ay may maraming mga pamagat kabilang ang Nagmamanang Prinsesa(iryt-p`t); Dakila sa mga Papuri(wrt-hzwt); Babae ng Biyaya(nbt-im3t), Tamis ng Pag-ibig (bnrt-mrwt); Babae ng Dalawang mga Lupain (nbt-t3wy); Pangunahing Asawa ng Hari, ang kanyang minamahal (hmt-niswt-‘3t meryt.f); Dakilang Asawa ng Hari, kanyang minamahal (hmt-niswt-wrt meryt.f), Babae ng Lahat ng mga Babae (hnwt-hmwt-nbwt); at Babae ng Itaas at Ibabang Ehipto (hnwt-Shm’w-mhw).
Neferneferuaten-Nefertiti sa mga heroglipiko | ||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Neferneferuaten Nefertiti Nfr nfrw itn Nfr.t jy.tj Beauty of Aten, the Beautiful one has come | ||||||||||||||
Isang simbolikong busto ni Nefertiti, na natuklasan ni Ludwig Borchardt, ay bahagi ng koleksiyon ng Museo Ägyptisches ng Berlin, kasalukuyang ipinapakita sa Museo ng Altes. |
Talambuhay
baguhinBagaman isang "banyagang prinsesa" sa Ehipto si Nefertiti, kahawig niya ang kanyang asawang si Akhenaten. Maaaring kapatid na babae siya ni Akhenaten, sapagkat may gawi ang mga sinaunang hari ng Ehiptong pakasalan ang kanilang mga babaeng kapatid. Napag-alamang magkamukha ang dalawa sapagkat may ilang mga istatuwa ng kanilang mga ulo o busto ng wangis ng kanilang mukhang natagpuan sa mga guho ng Akhetaton, ang kabisera ni Akhenaten na kilala sa kasalukuyan bilang Tell el-Amarna. Sa panahon ng paghahari ni Akhenaten, hinikayat niyang ang mga tagapaglilok na gumawa ng mga rebultong kamukha ng taong may buhay, sa halip na mga maka-estilong anyong nakagawain sa sinaunang Ehipto.[3]
Mga nagawa
baguhinTinulungan ni Nefertiti si Akhenaten sa kanyang mga makapampananampalatayang mga seremonya. Nagkaroon sila ng anim na mga anak na babae. Isa sa mga anak nila, si Meritaten, ang naging asawa ng kapalit ni Akhenaten na si Smenkhkare. Sa napinsalang libingan (TT188) ng butler ng hari, ang bagong haring si Amenhotep IV ay sinamahan ng babaeng maharlika na pinaniniwalaang ang maagang paglalarawan kay Nefertiti. Ang hari at reyna ay pinapakitang sumasamba kay Aten. Sa libingan ng vizier na si Ramose, si Nefertiti ay pinapakitang nakatayo sa likod ni Amenhotep IV sa Bintana ng Paglitaw sa isang gantimplang seremonya para sa vizier.[4] Sa mga simulang taon ni Akhenaten sa Thebes na kilala pa rin bilang Amenhotep IV, siya ay nagtayo ng ilang mga templo sa Karnak. Ang isa sa mga istrukturang Mansiyon ng Benben (hwt-ben-ben) ay inilaan kay Nefertiti.[5] Sa ikaapat na taon ng paghahari ni Amenhotep IV, kanyang pinagpasyahang ilipat ang kabisera sa Akhetaten(modernong Amarna). Sa kanyang ikalimang taon, opisyal na pinalitan ni Amenhotep IV ang kanyang pangalan sa Akhenaten at si Nefertiti ay mula nito nakilala bilang Neferneferuaten-Nefertiti. Ang pagpapalit ng pangalan ay tanda ng papalaking kahalagahan ng Atenismo na pumalit sa politeistikong relihiyon ng Sinaunang Ehipsiyo.[6] Mga mga inskripsiyon sa mga libingan nina Huya at Meryre II na may petsang ika-12 taon ng ika-2 buwan ng Peret na ika-8 araw na nagpapakita ng malalaking mga regalo ng dayuhan. Ang mga tao ng Kharu(sa hilaga) at Kush(sa timog) ay pinapakitang nagdadala ng mga regalong ginto at mga mahahalagang bagay kina Akhnaten at Nefetiti. Sa libingan ni Meryre II, ang mag-asawang maharlika ay pinapakitang nakaupo sa kiosk kasama ng kanilang mga anim na anak na babae.[4] [7] Ang taong 12 ang isa sa mga huling panahon na ang kanilang anak na prinsesang si Mekataten ay pinapakitang buhay. Siya ay maaaring namatay noong taong 13 o 14. Si Nefertiti, Akhenaten at kanilang tatlong mga prinsesa ay pinapakitang nagluluksa kay Meketaten.[4] Sa panahon ni paghahari ni Akhenaten at marahil ay pagkatapos, si Nefertiti ay nagtamasa ng walang katulad na kapangyarihan. Ang stela ng kapwa paghahari ay nagpapakita sa kanya bilang kapwa-hari ng kanyang asawa. Sa ikalabingdalawang taon ni Akhenaten may ebidensiya na siya ay itinaas sa katayuan ng kapwa-hari na katumbas ang katayuan sa paraon.
Paglaho mula sa makasaysayang tala
baguhinSa ikalabingapat na paghahari ni Akhenaten, si Neferititi ay naglaho mula sa rekord na historikal. Ang mga teoriya ay kinabibilangan ng biglaang kamatayan sanhi ng salot na nangyari sa siyudad o isang natural na kamatayan. Ang teoriyang ito ay batay sa mga pragmentong shabti na ininskriba para kay Nefertiti. Ang nakaraang teoriya na siya ay nawalan ng karangalan ay napamali dahil ang mga sinadyang pagbubura ng mga monumento na kabilang sa reyna ni Akhenaten ay naipakitang tumutukoy kay Kiya. Posibleng si Nefertiti ay kinikilala bilang ang pinunong si Neferneferuaten. Ang ilang mga teoriya ay nagmungkahi na si Nefetiti ay buhay pa rin at nagkaroon ng impluwensiya sa mas batang mga hari. Kung ito ang kaso, ang impluwensiya at pinagpapalagay na buhay ni Nefertiti ay nagwakas sa ikatlong taon ng paghahari ni Tutankhaten(1331 BCE). Sa taong iyon, pinalitan ni Tutankhaten ang kanyang pangalan sa Tutankhamun. Ito ang ebidensiya ng kanyang pagbabalik sa opisyal na pagsamba kay Amun at paglisan sa Amarna upang ibalik ang kabisera ng Ehipto sa Thebes.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ nafrati: ta[patay na link], Arabia.pl
- ↑ James Allen, Gitnang Ehipton, (Cambridge University Press), 2004.
- ↑ Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who was Nefertiti?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 13. - ↑ 4.0 4.1 4.2 Tyldesley, Joyce. Nefertiti: Egypt's Sun Queen. Penguin. 1998. ISBN 0-670-86998-8
- ↑ Redford, Donald B. Akhenaten: The Heretic King. Princeton University Press. 1987. ISBN 978-0-691-00217-0
- ↑ Dominic Montserrat, Akhenaten: History, Fantasy and Ancient Egypt, Psychology Press, 2003
- ↑ Dodson, Aidan, Amarna Sunset: Nefertiti, Tutankhamun, Ay, Horemheb, and the Egyptian Counter-Reformation. The American University in Cairo Press. 2009, ISBN 978-977-416-304-3