Ang antas ng interes o antas ng tubo (Ingles: interest rate) ay ang antas kung saan ang interes ay binabayaran ng humihiram o umuutang para sa paggamit ng salapi na kanilang hiniram sa nagpapahiram o nagpapautang. Sa espesipiko, ang rate ng interes (I/m) ay isang porsiyento ng prinsipal (I) na binayaran sa isang rate(m). Halimbawa, ang isang maliit na kompanya ay humihiram ng kapital mula sa isang bangko upang bumili ng mga bagong asset para sa kanilang negosyo at sa pagbalik, ang nagpapahiram o nagpapautang ay tumatanggap naman ng interes sa isang tinukoy na rate ng interes sa pagpapaliban ng paggamit ng mga pondo at bagkus ay ipinahiram ito sa humihiram o umuutang. Ang mga rate ng interes ay normal na inihahayag bilang persentahe ng sumang prinsipal para sa isang panahon na isang taon.[1] Ang mga inaasintang rate ng interes ay mahalaga ring kasangkapan ng patakarang pang-salapi at isinasaalang alang kapag nakikitungo sa mga bariabulong tulad ng pamumuhunan, inplasyon at kawalang trabaho. Bagaman ang karamihan ng mga asumpsion at mga ekspektasyon na ginawa ng mga bangko sentral o bangkong paglalaan ng mga bansa at ekonomiya na sa pamamagitan ng teknikal na pagpapababa ng rate ng interes ay lilikha ng epekto ng pagtataas ng mga pamumuhunan at mga konsumpsiyon, gayunpaman, ang mababang rate ng interest ng patakarang makroekonomiko ay isa ring mapanganib at tutungo sa paglikha ng malaking bulang ekonomiko kapat ang malaking halaga ng mga pamumuhunan ay ibinuhos sa pamilihan ng real estate at pamilihan ng stock gaya ng naranasan ng bansang Hapon noong huli nang 1980s at simulang 1990s na nagresulta sa malaking bilang ng ma akawnt ng hindi nabayarang mga utan sa mga bangkong Hapones at pagkabangkarota ng mga bangkong ito at nagsanhi ng stagplasyon sa lokal na ekonomiya ng Hapon (ang Hapon ang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa panahong ito) na ang mga iniluluwas(exports) ay nagiging huling saligan para sa paglago ng ekonomiya ng Hapon sa buong natitirang panahon ng dekada ng 1990 at simula ng dekada ng 2000. Ang parehong eksena ay nangyari sa pagpapababa ng Estados Unidos ng rate ng interes simula huli nang 1990s hanggang sa kasalukuyan(tignan ang 2007–2012 pandaigdigang krisis pinansiyal) na malaki sa desisyon ng Federal Reserve System. Sa ilalim ni Margaret Thatcher, ang ekonomiya ng Nagkakaisang Kaharian ay pagpapanatili ng matatag na paglago sa pamamagitan ng pagpipigil ng pagbaba ng interest ng Bangko ng Inglatera. Para sa mga maunlad na ekonomiya, ang tulin ng tungkulin ng rate ng interes ay kaya hindi maiiwasan ikatwirang pumoprotekta sa itinakdang rate ng interes saklaw ng katamtamang inplasyon sa isang ekonomiya para sa kalusang ng mga gawaing ekonomiko o takdaan ang rate ng interest kasabay ng paglagong ekonomiko upang bantayang ang momentum na ekonomiko.[2][3][4][5][6][7]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Definition of interest rate from Investorwords.com". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-07-19. Nakuha noong 2012-08-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-06-15. Nakuha noong 2012-08-25.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-06-15. Nakuha noong 2012-08-25.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. http://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/0269217042000186679
  4. http://econpapers.repec.org/article/tafirapec/v_3a18_3ay_3a2004_3ai_3a2_3ap_3a191-207.htm
  5. http://www.imf.org/external/pubs/ft/fandd/2003/06/pdf/inflatio.pdf
  6. http://www.imf.org/external/pubs/ft/fandd/2003/06/index.htm
  7. http://www.imf.org/external/pubs/ft/fandd/2010/03/basics.htm