Si Antonio Lukich (Ukranyo: Антоніо Лукіч) ay isang Ukranyanong mamemelikulang ipinanganak sa lungsod ng Uzhhorod, na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng bansang Ukraine.[2] Sa kabuuan ng kaniyang karera ay nakakamit siya ng tagumpay sa paggawa ng mga pelikula, at nakakuha ng mga parangal sa iba't-ibang mga kaganapang may pandaigdiga't pambansang lebel. Isa sa mga parangal na kaniyang natanggap ay ang Merited Artist of Ukraine na iginawad sa kaniya noong Marso ng taong 2021. Iginagawad ang pambansang parangal na ito sa mga taong nakapag-ambag ng mga mahahalagang kontribusyo't nakatamo ng tagumpay at katanyagan sa larangan ng pelikula't sining para sa bansang Ukraine.

Antonio Lukich
Антоніо Лукіч
Antonio Lukich
Si Antonio Lukich sa Odessa International Film Festival ng taong 2016
Kapanganakan1992
Uzhhorod, Zakarpattia Oblast, Ukraine
NasyonalidadUkraine
NagtaposPambansang Unibersidad na I. K. Karpenko-Kary sa Teatro, Sine, at Telebisyon sa Kiev
TrabahoMamemelikula
Kilalang gawaIt was showering in Manchester
My Thoughts Are Silent[1]

Talambuhay

baguhin

Ipinanganak si Antonio Lukich noong taong 1992 sa lungsod ng Uzhhorod sa kanlurang Ukraine. Sa pagitan ng mga taong 2011 at 2015, nag-aral siya sa Pambansang Unibersidad na I. K. Karpenko-Kary sa Teatro, Sine, at Telebisyon sa Kiev at nakatanggap ng batsilyer sa pagdidirekta (nang nag-aaral kasama ni Vladimir Oseledchik).[3] Nanalo ng premyong "Best Documentary Award" ang pinakaunang pelikula ni Lukich, "Fish of Lake Baikal" (Tagalog: Isda ng Lawang Baikal) na ipinalabas noong taong 2014 sa CineRail International Film Festival na ginanap sa Paris. Nagpatuloy naman ang kaniyang pelikulang pampagtatapos, na may pamagat na It was showering in Manchester (Tagalog: Umaambon noon sa Manchester), upang manalo bilang Pinakamahusay na Maikling Pelikula sa Odessa International Film Festival ng taong 2016. Noong 2019 nama'y ipinalabas ang pinakauna niyang feature film na pinamagatang My Thoughts Are Silent (Tagalog: Walang Imik Ang Aking Mga Iniisip).

Mga Pelikula

baguhin

Mga pelikula bilang mag-aaral

baguhin
  • 2011: "Is it easy to be young?" (Ukranyo: Чи легко бути молодим?, Tagalog: Madali bang maging bata?, anim na minutong dokumentaryo)
  • 2012: "Hello, sister!" (Ukranyo: Привіт, сестро!, Tagalog: Kamusta, ate!, labing-anim na minuto, gaming)
  • 2013: "Fish of Laike Baikal" (Ukranyo: Риби озера Байкал, Tagalog: Isda ng Lawang Baikal, dalawampu't-dalawang minutong dokumentaryo)
  • 2014: "Who cheated Kim Cousin?" (Ukranyo: Хто підставив Кіма Кузіна?, Tagalog: Sino ang nanloko sa pinsan kong si Kim?, dalawampu't-anim na minuto)
  • 2016: "It was showering in Manchester" (Ukranyo: У Манчестері йшов дощ, Tagalog: Umaambon noon sa Manchester) — Nanalo bilang Pinakamahusay na Maikling Pelikula sa Odessa International Film Festival ng taong 2016

Mga mahahabang pelikula

baguhin
  • 2019: My Thoughts Are Silent (Ukranyo: Мої думки тихі, Tagalog: Walang Imik Ang Aking Mga Iniisip, feature film)
  • 2019: The King Of The Chamber (Ukranyo: Королі палат, Tagalog: Ang Hari ng Silid, teleserye)
  • 2020: Sex, insta and ZNO (Ukranyo: Секс, інста і ЗНО, web series)
  • 2022: Luxembourg, Luxembourg (Ukranyo: Люксембург, Люксембург, feature film)
  • 2022: My Thoughts Are Silent 2 (Ukranyo: Мої думки тихі 2, Tagalog: Walang Imik Ang Aking Mga Iniisip 2, feature film)

Mga Parangal

baguhin
  • My Thoughts Are Silent (Ukranyo: Мої думки тихі, Tagalog: Walang Imik Ang Aking Mga Iniisip, feature film)
    • 2019: Karlovy Vary International Film Festival — Parangal na East of West[4]
    • 2019: Kinokolo Film Critics Award — Pinakamahusay na Pasinaya ng Direktor[5]
    • 2019: Raindance Film Festival — Discovery Award[6]
    • 2020: Parangal na Ukrainian Pravda — Artista ng Taon[7]
    • 2020: Ginintuang Dzyga — Pinakamahusay na Pasinaya ng Direktor, Pinakamahusay na Iskrip, Pinakamahusay na Pelikula[8]
    • 2021: Santa Monica International Film Festival — Best International Feature Film[9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "УКАЗ ПРЕЗИДЕНТА УКРАЇНИ №254/2020" [Utos ng Presidente ng Ukraine №254/2020]. president.gov.ua (sa wikang Ukranyo). Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Pebrero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Antonio Lukich". viennale.at (sa wikang Ingles).
  3. "«Я дивлюся на те, як люди мовчать»" ["Pinapanood ko ang mga taong manatiling tahimik"]. day.kyiv.ua (sa wikang Ukranyo).
  4. "Strange and beautiful: 4 new Ukrainian films you won't want to miss" [Apat na bagong mga pelikula mula sa Ukraine na hindi mo gugustuhing makaligtaan]. calvertjournal.com (sa wikang Ingles).
  5. "Оголошені переможці другої національної премії кінокритиків КІНОКОЛО" [Inanunsyo na ang mga nanalo sa pangalawang pambansang parangal ng mga kritikong pampelikulang KINOKOLO]. arthousetraffic.com (sa wikang Ukranyo).
  6. "Raindance Film Festival announces 2020 winners" [Inanunsyo na ang mga nanalo sa Raindance Film Festival ng taong 2020]. film-news.co.uk (sa wikang Ingles).
  7. "Журналісти, волонтери, митці та програмісти. Хто отримав премію року від "Української правди"" [Mga mamamahayag, boluntaryo, artista't programista: Sino kaya ang nakatanggap ng parangal ng taon mula sa "Ukrayinska Pravda"?]. pravda.com.ua (sa wikang Ukranyo).
  8. "Лауреати Четвертої Національної кінопремії "Золота Дзиґа": повний список переможців" [Mga Nanalo sa Ika-4 na Pambansang Parangal Pampelikulang "Ginintuang Dzyga": kumpletong listahan ng mga nanalo]. uafilmacademy.org (sa wikang Ukranyo).
  9. "Український фільм "Мої думки тихі" отримав нагороду на фестивалі у США" [Nanalo ang Ukranyanong pelikulang "My Thoughts Are Quiet" ng Parangal sa isang Film Festival sa Estados Unidos]. unian.ua (sa wikang Ukranyo).
baguhin