Antonio Molina
Si Antonio Molina (26 Disyembre 1894 – 29 Enero 1980) ay ang unang Pilipinong nakatanggap ng gantimpala para sa pambansang musika. Kilala siya bilang Dekano ng mga Pilipinong Kompositor. Hindi lamang siya mahusay na musikero at kompositor, magaling din siyang guro ng musika. Nakabatay ang mga komposisyon niya sa sinaunang instrumentong pangmusika na katulad ng kulintang at gabbang. Itinuring niya ‘Ang Batingaw - Simponiyang Pangkoro’ bilang pinakamahalaga niyang katha. Kasama nina Francisco Santiago at Nicanor Abelardo, ginawa nilang kagalang-galang na anyo ng sining ang musikang Pilipino.
Antonio Molina | |
---|---|
Kapanganakan | Antonio Jesús Naguiat Molina 26 Disyembre 1894[1]:147[2] |
Kamatayan | 29 Enero 1980[2] | (edad 85)
Nasyonalidad | Filipino |
Trabaho | Composer, conductor and music administrator |
Kilala sa | Ana Maria, Hatinggabi |
Parangal | Order of National Artists of the Philippines |
Mga sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Musika at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.