Francisco Santiago

Pilipinong kompositor

Si Francisco Santiago Santiago (Enero 29, 1889 – Setyembre 28, 1947) ay isang Pilipinong musikero, minsan tinatawag na Ama ng Kundiman. [1]

Francisco Santiago
Si Francisco Santiago noong 1924
Si Francisco Santiago noong 1924
Kabatiran
Kapanganakan29 Enero 1889(1889-01-29)
Santa Maria, Bulacan, Bulacan, Captaincy General of the Philippines
PinagmulanPilipinas
Kamatayan28 Setyembre 1947(1947-09-28) (edad 58)
Manila, Pilipinas
GenreKundiman, Klasikong musika
TrabahoKompositor, Piyanista

Talambuhay

baguhin

Si Santiago ay ipinanganak sa Santa Maria, Bulacan, sa mga magulang na magsasaka na sina Felipe Santiago at Maria Santiago. Noong 1908, ang kanyang unang komposisyon, ang Purita, ay inialay sa unang Reyna ng Carnival, si Pura Villanueva, na kalaunan ay ikinasal sa kilalang iskolar na si Teodoro Kalaw .

Nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa Konserbatoryo ng Musika, sa orihinal na kampus nito sa Maynila, nakakuha ng degree sa Pyano noong 1921, at digri sa Siyensya at Komposisyon noong 1922. Nagpunta siya sa Estados Unidos upang ituloy ang karagdagang edukasyon. Una niyang nakuha ang kanyang digring master sa Konserbatoryong Amerikano ng Musika noong Hunyo 1923, at sa wakas ay isang digring Doktoral sa Eskwelahang Pangmusika ng Chicago noong Agosto 1924. Siya ang kauna-unahang Pilipinong musikero na nakakuha ng digring doktoral.

Naging direktor siya ng Konserbatoryo ng Musika sa UP noong 1930, matapos magprotesta ang buong music faculty at mga estudyante ng konserbatoryo para sa pagpapatalsik sa dating direktor, si Alexander Lippay, dahil sa diumano'y panliligalig sa mga estudyante at musikero. Si Santiago ang unang Pilipinong direktor ng Konserbatoryo.

Noong 1934, ang Pangulo ng unibersidad, si Jorge Bocobo, ay naglunsad ng isang komite upang mangolekta at magdokumento ng mga awiting bayan ng Pilipinas. Si Francisco Santiago ang hinirang na tagapangulo ng komite. Bahagi ng komiteng ito ay ang Mananayaw na si Francisca Reyes-Aquino, na nagtala ng maraming katutubong sayaw at pinagsama-sama ang ito sa ilang aklat, at ang kompositor na si Antonino Buenaventura, na nagsalin ng maraming katutubong musika, kabilang ang mga sumasaliw sa mga sayaw na naitala ni Reyes-Aquino.

Noong 1937-1939, binuo ni Santiago ang kanyang obra maestra - ang "Taga-ilog" Symphony in D Major. Isa ito sa mga unang akdang klasikong musikang Pilipino na nagtampok ng mga instrumentong Pilipino tulad ng gangsa at sulibaw.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Francisco Santiago was born in Santa Maria, Bulacan January 29, 1889". The Kahimyang Project (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 22, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)