Aparatong Geiger
Nangangailangan ang dateOktubre 2023 ng karagdagang mga pagsipi o sanggunian para sa pagpapatunay. |
Ang panukat na Geiger o aparatong Geiger (tinatawag ding aparatong Geiger-Müller; Ingles: Geiger counter[1], Geiger-Müller counter, G-M counter) ay isang dosimetrong may kakayahang umalam ng pagkakaroon ng radyason at kakayahang sumukat sa antas ng radyasyong ito. Nilikha ang kasangkapang ito ni Hans Geiger, isang Alemang siyentipiko (1882-1945), at ni Ernest Rutherford noong 1908. Pinainam pa ito ni Walther Müller noong 1928. Napapansin at nababasa ng aparatong ito ang pagkakaroon ng radyasyon sa isang lugar. May ilan ding nakaaalam ng intensidad o lakas ng radyasyon, maging ang anggulo kung saan ito nanggagaling.[1]
Paano gumagana
baguhinPumapasok ang radyasyon sa loob ng isang silindro at tumatama sa mga atomikong hangin o gas. Nabubuwag ang mga atomikong gas na nagiging mga partikulo naglalaman at nagiipon ng mga kuryente, na bubunggo naman sa mga alambre, at nagiging sanhi ng pulo ng kuryente. Lumalakas ang tunog (amplipikasyon) na maririnig bilang mga "klik" mula sa isang lawdispiker.[1]
Saan ginagamit
baguhinGinagamit ang panukat na Geiger sa industriya, medisina, at pananaliksik na makaagham. Kasangkapan ito sa pagsusukat ng kakapalan ng tablang metal. Sa panggagamot, katulong ito ng mga duktor sa pagsusuri ng antas ng daloy ng dugo na dumaraan sa puso, makaraang iniksyunan ng sustansiyang radyoaktibo ang isang pasyente. Kasangkapan din ito ng mga geologo sa pananaliksik nila ng mga radyoaktibong mineral katulad ng uranyum.
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Geiger counter". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.