Nalalapat na agham

(Idinirekta mula sa Aplikadong agham)

Ang nalalapat na agham (Ingles: applied science) ay ang paglalapat o paggamit ng kaalaman ng tao upang makabuo o makapagdisenyo ng mga bagay na magagamit. Halimbawa nito ang pagsubok sa isang modelong makateorya sa pamamagitan ng paggamit ng pormal na agham o paglulunas ng isang problemang praktikal sa pamamagitan ng paggamit ng likas na agham. Ang mga larangan sa inhinyeriya ay malapit na may kaugnayan sa nilalapat na mga agham. Mahalaga ang nalalapat na agham para sa pagpapaunlad ng teknolohiya. Ang paggamit nito sa mga tagpuang pang-industriya ay karaniwang tinutukoy bilang research and development (R&D) sa Ingles. Kaiba ang nilapat na agham magmula sa saligang agham, na naglalayong mailarawan ang pinaka saligang mga bagay o mga puwersa, na mayroong mas kakaunting pagbibigay ng diin sa mga paggamit o paglalapat na praktikal. Ang nalalapat na agham ay maaaring maging katulad ng biolohiya at pisika.

Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.