Paghaliling apostoliko

(Idinirekta mula sa Apostolic succession)

Ang paghaliling apostoliko o apostolic succession ang inaangking ang hindi napatid na sunod sunod na mga paghalili mula sa apostol hanggang sa sa mga sunod sunod na obispo ng isang simbahan. Ito ay inilarawan ng Arsobispo ng Canterbury na si Michael Ramsey(1961-1974) bilang:

  • Ang isang obispong humahalili sa isa pa sa parehong sede ay nangangahulugang may nagpapatuloy na katuruan: "Bagaman ang simbahan sa kabuuan ang tapayan na pinagbubuhusan ng katotohan, ang mga obispo ay mahalagang kasangkapan sa pagsasagawa ng gawaing ito".
  • Ang mga obispo ang mga kahalili ng mga apostol sa kadahilanang ang "mga katungkulang isinasagawa nila ng pangangaral, pangangasiwa at pagoordina ay katulad ng ginawa ng mga apostol.
  • Ito ay nangangahulugang ang biyaya ay naipasa mula sa mga apostol sa bawat henerasyon ng mga obispo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay.

Isinaad ni Ramsey na ang huli ay kontrobersiyal dahil ang doktrinang ito ay hindi matatagpuan bago ang panahon ni Agustin ng Hipona.[1]

Ang doktrinang ito ay binuo noong ika-2 siglo sa unang kahulugang ibinigay ni Ramsey. Ito ay bilang tugon sa mga pag-aangkin ng mga Kristiyanong Gnostiko noong ika-2 siglo na sila ay nakatanggap ng isang lihim na katuruan mula kay Kristo o mga apostol. [2] [3][4][5] Kalaunan lamang ito binigyan ng ibang kahulugan.[6]

Ipinakilala nina Hegesippus (180? CE) at Irenaeus (180 CE) ang ideya ng paghalili ng isang obispo bilang garantiya ng katotohanan ng ipinangangaral nito sa kadahilianang ito ay mababakas pabalik sa mga apostol.[7][8]

Mga halimbawa

baguhin

Mga protestante

baguhin

Ang mga Protestante ay tumututol sa doktrinang ito na kanilang sinasabing hindi matatagpuan sa Kasulatan.[19] Ang Bagong Tipan ay gumagamit ng 'obispo' at 'presbitero' bilang alternatibong mga pangalan para sa parehong opisina.[19] Sa karagdagan, kanilang isinaad na hindi ito matatagpuan sa mga kasulatan ng mga ama ng simbahan bago ni Agustin ng Hipona noong ika-4 siglo CE.

Simbahang Katoliko Romano

baguhin

Inaangkin ng Simbahang Katoliko Romano na si Pedro na apostol ni Hesus ang unang obispo ng Roma at gumawa sa isang nagngangalang Linus bilang kahalili niyang obispo at kaya ay nagpasimula ito ng isang linyang paghalili ng mga obispo mula kay Pedro na kinabibilangan ng mga kasalukuyang papa ng Romano Katoliko. Gayunpaman, isinaad sa mga konstitusyong apostoliko na si Linus ang unang obispo ng Roma at inordinahan ni Apostol Pablo at si Linus ay hinalinhan ni Clemente na inordinahan naman ni Pedro. Ayon sa mga skolar at historyan, ang opisinang Monarkikal na Obispo ay lumitaw lamang noong ikalawang siglo CE. Sa mga liham lamang ni Ignacio ng Antioquia sa kanyang pagtungo sa Roma noong ika-2 siglo na kanyang inilarawan at ikinatwiran na ang mga simbahan ay pinangunahan ng isang obispo na inaalalayan ng mga presbitero at deakono.[20] Ayon kay propesor Richard McBrien, "dapat maalala na salungat sa banal na paniniwala ng Katoliko--ang monoarkikal na istrukturang episkopal ng simbahan (na kilala bilang episkopatang monarkikal kung saan ang bawat diyoses ay pinamumunuan ng isang obispo) ay hindi pa umiiral sa Roma sa panahong ito. [21] Ayon kay Padre Francis A. Sullivan, "ang makukuhang ebidensiya ay nagpapakita na ang simbahan sa Roma ay pinamunuan ng isang kolehiyo ng mga presbitero sa halip na isang obispo sa loob ng hindi bababa sa ilang mga dekada ng ikalawang siglo CE.[22] Ayon din kay Fr. Sullivan, "Ang Bagong Tipan o ang sinaunang kasaysayang Kristiyano ay hindi nag-aalok ng suporta sa nosyon ng paghaliling apostoliko bilang 'isang hindi naputol na linya ng ordinasyong episkopal sa pamamagitan ng mga apostol sa mga siglo tungo sa mga obispo ngayon'" at "Ang Bagong Tipan ay hindi nag-aalok ng suporta para sa teoriya ng paghaliling apostoliko na nagpapalagay na ang mga apostol ay humirang o nag-ordina ng isang obispo para sa bawat mga simbahang kanilang itinatag".[23]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ramsey, Arthur Michael. The Gospel and the Catholic Church (translated from the Spanish edition published in the Dominican Republic: 1964, pp.134ff)
  2. Kelly, J.N.D (1965). Early Christian Doctrines. London: A&C Black. p. 37.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Justo L. González, ''Essential Theological Terms'' (Westminster John Knox Press 2005 ISBN 978-0-664-22810-1), p. 15". Google.com. Nakuha noong 2013-07-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Walter A. Elwell, ''Evangelical Dictionary of Theology'' (Baker Academic 2001 ISBN 978-0-8010-2075-9), p. 89". Google.com. Nakuha noong 2013-07-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Merrill F. Unger, Roland Kenneth Harrison (editors), ''The New Unger's Bible Dictionary'' (Moody 1988 ISBN 978-0-8024-9066-7), article "Apostle"". Google.com. Nakuha noong 2013-07-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Ramsey, Arthur Michael. From Gore to Temple. Longmans (1959)
  7. Woollcombe, K.J. "The Ministry and the Order of the Church in the Works of the Fathers" in The Historic EpiscopateKenneth M. Carey(ed) Dacre Press (1954) p.31f
  8. "Bernard B. Prusak, ''The Church Unfinished''(Paulist Press 2004 ISBN 978-0-8091-4286-6), p. 125". Google.com. Nakuha noong 2013-07-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Greek Orthodox Church of Alexandria Official Website". Greekorthodox-alexandria.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hulyo 2011. Nakuha noong 26 Hulyo 2011. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "website of the Coptic Orthodox Church Network". Copticchurch.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Hunyo 2011. Nakuha noong 26 Hulyo 2011. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Syriac Orthodox Resources". sor.cua.edu. Nakuha noong 18 Agosto 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. ""Eusebius Pamphilius: Church History, Life of Constantine, Oration in Praise of Constantine" at the Christian Classics Ethereal Library". Ccel.org. 13 Hulyo 2005. Nakuha noong 26 Hulyo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Official Website of the Armenian Church". 66.208.37.78. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Hulyo 2011. Nakuha noong 26 Hulyo 2011. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 5 July 2011[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  14. "Syro Malabar Catholic Church". Smcim.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Hulyo 2011. Nakuha noong 26 Hulyo 2011. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Malankara Orthodox Syrian Church". malankaraorthodoxchurch.in. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Hulyo 2011. Nakuha noong 18 Agosto 2011. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Ethiopian Orthodox Official website". Ethiopianorthodox.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Hunyo 2011. Nakuha noong 26 Hulyo 2011. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Cyprian Orthodox Church Official Website". Churchofcyprus.org.cy. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Hulyo 2011. Nakuha noong 26 Hulyo 2011. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 23 July 2011[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  18. "History of the Russian Church". Russian-crafts.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hulyo 2011. Nakuha noong 26 Hulyo 2011. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. 19.0 19.1 Thomas, Griffith. The Principles of Theology. Church Book Room Press:1963, p.357
  20. Epistle to the Magnesians 6.1
  21. McBrien, Richard P. Lives of the Popes: The Pontiffs from St. Peter to Benedict XVI. Harper, San Francisco, 2005 updated ed., p. 34
  22. Sullivan F.A. From Apostles to Bishops: the development of the episcopacy in the early church. Newman Press, Mahwah (NJ), 2001, p. 80,221-222)
  23. Sullivan F.A. From Apostles to Bishops: The Development of the Episcopacy in the Early Church, p. 14