Patriarka ng Antioquia

Tradisyonal na titulong pinanghawakan ng obispo ng Antioquia at ng buong Silangan

Ang Patriarka ng Antioch ay isang tradisyonal na pamagat na hinawakan ng Obispo ng Antioch. Bilang tradisyonal tagapangasiwa ng unang pamayanang Kristiyanong hentil, ang posisyogn ito ay naging ng pangunahing kahalaghan sa simbahan mula sa pinakamaagang panahon nito. Ang diocese na ito ang isa sa ilan na ang mga pangalan ng mga obispo nito mula sa mga pagsisimulang apostoliko ay naingatan. Ngayon, may limang mga simbahan na gumagamit ng pamagat na Patriarka ng Antioch: Syriac Orthodox Church at Syriac Catholic Church, at Chalcedonian, ang Griyegong Ortodoksong Simbahan ng Antioch, ang Simbahang Melkitang Griyegong Katoliko at Simbahang Maronita. Sa kasayayan, mayroon ring naging isang Latin na Patriarka ng Antioch. Ayon sa tradisyon ng Simbahan, ang sinaunang Patriarka ay itinatag ni San Pedro. Ang paghaliling pang-Patriarka ay tinutulan sa panahon ng sismang Meletian noong 362 CE at muli noong Konseho ng Chalcedon noong 451 CE nang may mga magkatunggaling hindi-Chalcedonian at Melkita sa sede.Pagkatapos ng isang alitan sa paghalili noong ika-7 siglo sa Simbahang Melkita, ang mga Maronita ay nagsimulang humirang rin ng Patriarkang Maronita. Pagkatapos ng Unang Krusada, ang Simbahang Katoliko ay nagsimulang humirang ng isang Latin na Patriarka ng Antioch bagaman ito ay naging striktong titular pagkatapos ng Pagbagsak ng Antioch noong 1268 at buong binuwag noong 1964. Noong ika-18 sgilo, ang mga alitan sa paghalili sa mga Simbahang Griyegong Ortodoks at Siriakong Ortodokso ng Antioch ay humantong sa mga paksiyon ng mga simbahan na pumasok sa isang komunyon sa Roma sa ilalim ng mga nag-aangkin sa patriarkada: Ang Melkitang Griyegong Katolikong Patriarka ng Antioch at Siriakong Katolikong Patriarka ng Antioch. Ang kanilang mga kontraparteng Ortodokso ang Griyegong Ortodoksong Patriarka ng Antioch at Siriakong Ortodoksong Patriarka ng Antioch.

Kasaysayan

baguhin

Ayon sa Mga Gawa*, sa Antioch nang unang tawaging "Kristiyano" ang mga alagad ni Hesus. Ayon sa Galacia 2:11–13, si Pedro ay naglakbay tungo sa Antioch at nagkaroon ng alitan sa pagitan niya at ni Apostol Pablo. Hindi eksaktong sinabi ng Galacia kung ito aynangyari pagkatapos ng Konseho ng Herusalem o bago nito ngunit ang insidenteng ito ay binanggit sa Galacia bilang sumunod na paksa pagkatapos ng isang pagpupulong sa Herusalem na itinuturing ng mga skolar na ang konseho ng Herusalem. Ayon sa Galacia 2:11–15:

Nang si Pedro ay dumating sa Antioquia, tinutulan ko siya nang harapan dahil siya ay mali. Ito ay sapagkat nang hindi pa dumarating ang ilang lalaking galing kay Santiago, siya ay kumakaing kasalo ng mga Gentil. Ngunit nang sila ay dumating, lumayo siya at humiwalay dahil sa takot siya sa mga nasa pagtutuli. 13 At ang ibang Judio ay sumama na rin sa kaniyang pagkukunwari, kaya maging si Bernabe ay nahikayat na rin ng kanilang pagkukunwari. Subalit nakita kong hindi sila lumalakad ng matuwid ayon sa katotohanan ng ebanghelyo. Dahil dito, sinabi ko kay Pedro sa harap ng lahat: Ikaw na isang Judio ay namumuhay nang tulad ng mga Gentil at hindi tulad ng mga Judio, bakit mo pinipilit ang mga Gentil na mamuhay tulad ng mga Judio? Kami ay likas na mga Judio, at hindi kami mga makasalanang Gentil. Alam natin na ang isang tao ay hindi pinapaging-matuwid sa pamamagitan ng gawa ng kautusan kundi sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Tayo rin ay sumampalataya kay Cristo Jesus upang tayo ay mapaging-matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo at hindi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kautusan. Kaya nga, walang sinumang mapapaging-matuwid sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kautusan.

Mula kay Ferdinand Christian Baur, ang mga skolar ay nakatagpo ng ebidensiya ng alitan sa pagitan ng mga pinuno ng Sinaunang Kristiyanismo. Halimbawa, ayon kay James D.G. Dunna, si Pedro ang tulay sa pagitan ng magkatunggaling mga pananaw ni Apostol Pablo at Santiago ang Makatarungan. Ayon sa Konseho ng Herusalem, si Santiago ang Makatarungan na ang hatol o pasya ay tinanggap sa Kautusang Apostoliko ng Mga Gawa*, c. 50 CE ay nagsaad na: "...Dahil dito, ang hatol ko ay huwag gambalain iyong mga Gentil na nanumbalik sa Diyos. Sa halip, sulatan natin sila na lumayo sa mga bagay na nadungisan ng diyos-diyosan, sa kasalanang sekswal, sa mga binigti at sa dugo. Ito ay sapagkat mula pa nang unang panahon, sa bawat lungsod ay may mga nangaral na patungkol sa mga isinulat ni Moises. Binabasa ito sa mga sinagoga bawat araw ng Sabat...." Ang layunin ng pagpupulong ayon sa Mga Gawa ay lutasin ang isang alitan sa Antioch na may malawak na mga implikasyon kesa sa pagtutuli lamang dahil ang pagtutuli ay isang walang hanggang tanda ng tipang Abrahamiko(Genesis 17:9-14). Ang ilang mga fariseo na naging mananampalatayang Kristiyano ay nagpilit na "kinakailangan na sila ay tuliin at utusan silang sundin ang batas ni Moises"(Mga Gawa*. Ang pangunahing isyu na tinugunan ay nauugnay sa pangangailangan ng pagtutuli ngunit ang ibang mga bagay ay lumitaw rin. Ang alitan ay sa pagitan ng mga "haligi ng Simbahan" na pinamunuan ni Santiago na naniniwalang na ang simbahan ay dapat sumunod sa Torah o sumunod sa mga patakaran ng tradisyonal na Hudaismo at Pablo na naniniwalang walang gayong pangangailangan. Ayon sa tradisyon ng Simbahan, si Pedro ang nagtatag ng Simbahan sa Antioch at ang unang obispo nito. Si Ignacio ng Antioch(minartir noong ca. 107 BCE) ang binibilang na ikatlong obispo ng Antioch at isang prominenteng amang apostoliko. Noong mga ika-4 na siglo CE, ang obispo ng Antoch ang naging pinakanakatatandang obispo sa rehiyong sumasaklaw sa kasalukuyang silanganing Turkey, Lebanon, Israel at Palestina, Syria, Jordan, Iraq, at Iran. Ang kanyang hierarkiya ay nagsilbi sa pinakamalakingbilang mga Kristiyano sa alam na daigdig sa panahong ito.

Mga kasalukuyang Patriarka ng Antioch

baguhin

Sa ngayon, may limang mga simbahan na nag-aangkin ng pamagat na Patriarka ng Antioch. Ang tatlo sa mga ito ay autonomosong Silangan Katoliko na partikular na mga simbahan na may buong komunyon sa Papa ng Simbahang Katoliko Romano. Nakikita ng lahat ng limang mga ito ang kanilang mga sarili na bahagi ng pagmamanang Antiochene at nag-aangkin ng karapatan sa Sedeng Antiochene sa pamamagitan ng paghaliling apostoliko bagaman wala sa mga ito ay aktuwal na nakabase sa siyudad ng Antakya. Ang mga kasalukuyang Patriarka ng Antioch ang sumusunod: