Konseho ng Herusalem

Ang Konseho ng Herusalem o Apostolikong Pagpupulong ang pangalang nilapat ng mga historyan at teologo sa konseho ng mga sinaunang Kristiyano na idinaos sa Herusalem at pinetsahan noong mga 50 CE. Ito ay itinuturing sa Simbahang Katoliko at Silangang Orotodokso na isang prototipo at pauna ng mga kalaunang Unang Pitong Konsehong Ekumenikal at isang bahagi ng etikang Kristiyano. Ang konsehong ito ay nagpasya ng hatol na tinatawag ng mga skolar na Kautusang Apostoliko na ang lahat ng mga akay na hentil sa Kristiyano ay hindi obligado na magpatuli ngunit pinanatili ng konseho ang ilang mga kautusan ni Moises gaya ng pagbabawal sa pagkain ng dugo, karneng may dugo, mga binigting hayop at sa pornikasyon at idolatriya. Ang deskripsiyon ng konsehong ito ay matatagpuan sa Mga Gawa* at posibleng sa Galacia 2:1–10. Ayon sa skolar na si Raymond E. Brown, ang parehong Mga Gawa* at Galacia 2 ay tungkol sa parehong pangyayari ngunit mula sa ibang pananaw na may sarili nitong mga pagkiling. Maraming mga skolar ay naniniwalang ang Konsehong Apostoliko sa Mga Gawa* ay parehong pangyayari ngunit sumasalungat sa Galacia 2[1][2] Ang historisidad ng Mga Gawa ng mga Apostol ay pinagdudahan rin ng maraming mga skolar[3][4][5] at kumpletong itinakwil na maraming mga skolar. Ayon kay Haenchen, ang Apostolikong Konseho sa Mga Gawa 15 ay isang "imahinaryong konstruksiyon na hindi tumutugon sa historikal na realidad.[6]

Si Santiago ang Makatarungan na ang hatol o pasya ay tinanggap sa Kautusang Apostoliko ng Mga Gawa*, c. 50 CE: "...Dahil dito, ang hatol ko ay huwag gambalain iyong mga Gentil na nanumbalik sa Diyos. Sa halip, sulatan natin sila na lumayo sa mga bagay na nadungisan ng diyos-diyosan, sa kasalanang sekswal, sa mga binigti at sa dugo. Ito ay sapagkat mula pa nang unang panahon, sa bawat lungsod ay may mga nangaral na patungkol sa mga isinulat ni Moises. Binabasa ito sa mga sinagoga bawat araw ng Sabat...."

Ang alitan sa pagitan ni Santiago at Pablo

baguhin

Mula kay Ferdinand Christian Baur, ang mga skolar ay nakatagpo ng ebidensiya ng alitan sa pagitan ng mga pinuno ng Sinaunang Kristiyanismo. Halimbawa, ayon kay James D.G. Dunn, si Pedro ang tulay sa pagitan ng magkatunggaling mga pananaw ni Santiago ang Makatarungan at Apostol Pablo . Ayon sa Konseho ng Herusalem, si Santiago ang Makatarungan na ang hatol o pasya ay tinanggap sa Kautusang Apostoliko ng Mga Gawa*, c. 50 CE ay nagsaad na: "...Dahil dito, ang hatol ko ay huwag gambalain iyong mga Gentil na nanumbalik sa Diyos. Sa halip, sulatan natin sila na lumayo sa mga bagay na nadungisan ng diyos-diyosan, sa kasalanang sekswal, sa mga binigti at sa dugo. Ito ay sapagkat mula pa nang unang panahon, sa bawat lungsod ay may mga nangaral na patungkol sa mga isinulat ni Moises. Binabasa ito sa mga sinagoga bawat araw ng Sabat...." Ang layunin ng pagpupulong ayon sa Mga Gawa ay lutasin ang isang alitan sa Antioch na may malawak na mga implikasyon kesa sa pagtutuli lamang dahil ang pagtutuli ay isang walang hanggang tanda ng tipang Abrahamiko(Genesis 17:9-14). Ang ilang mga fariseo na naging mananampalatayang Kristiyano ay nagpilit na "kinakailangan na sila(hentil) ay tuliin at utusan silang sundin ang batas ni Moises"(Mga Gawa*). Ang pangunahing isyu na tinugunan ay nauugnay sa pangangailangan ng pagtutuli ngunit ang ibang mga bagay ay lumitaw rin. Ang alitan ay sa pagitan ng mga "haligi ng Simbahan"(Galacia 2:9) na pinamunuan ni Santiago na naniniwalang ang simbahan ay dapat sumunod sa Torah o sumunod sa mga patakaran ng tradisyonal na Hudaismo at ni Pablo na naniniwalang walang gayong pangangailangan. Gayunpaman, ayon sa Mga Gawa*,

Siya (si Pablo) ay dumating sa Derbe at sa Listra. Narito, isang alagad na nagngangalang Timoteo ang naroroon. Siya ay anak ng isang babaeng Judio na mananampalataya, ngunit ang kaniyang ama ay isang Griyego. Siya ay kinikilalang may mabuting patotoo sa mga kapatid na nasa Listra at Iconio. Ibig ni Pablo na isama siya. Kinuha niya siya at tinuli alang-alang sa mga Judio na nasa dakong iyon sapagkat nalalaman ng lahat na ang kaniyang ama ay isang Griyego. Sa pagtahak nila sa mga lungsod, ibinigay nila ang mga batas, na pinagpasiyahan ng mga apostol at ng mga matanda sa Herusalem na kanilang dapat sundin. Kaya nga, ang mga iglesiya ay naging matibay sa pananampalataya at nadadagdagan ang bilang araw-araw.

Ayon sa Galacia 2:11–13, si Pedro ay naglakbay tungo sa Antioch at nagkaroon ng alitan sa pagitan niya at ni Apostol Pablo. Hindi eksaktong sinabi ng Galacia kung ito ay nangyari pagkatapos ng Konseho ng Herusalem o bago nito ngunit ang insidenteng ito ay binanggit sa Galacia bilang sumunod na paksa pagkatapos ng isang pagpupulong sa Herusalem na itinuturing ng mga skolar na ang konseho ng Herusalem. Ayon sa Galacia 2:11–16:

Nang si Pedro ay dumating sa Antioquia, tinutulan ko siya nang harapan dahil siya ay mali. Ito ay sapagkat nang hindi pa dumarating ang ilang lalaking galing kay Santiago, siya ay kumakaing kasalo ng mga Gentil. Ngunit nang sila ay dumating, lumayo siya at humiwalay dahil sa takot siya sa mga nasa pagtutuli. 13 At ang ibang Judio ay sumama na rin sa kaniyang pagkukunwari, kaya maging si Bernabe ay nahikayat na rin ng kanilang pagkukunwari. Subalit nakita kong hindi sila lumalakad ng matuwid ayon sa katotohanan ng ebanghelyo. Dahil dito, sinabi ko kay Pedro sa harap ng lahat: Ikaw na isang Judio ay namumuhay nang tulad ng mga Gentil at hindi tulad ng mga Judio, bakit mo pinipilit ang mga Gentil na mamuhay tulad ng mga Judio? Kami ay likas na mga Judio, at hindi kami mga makasalanang Gentil. Alam natin na ang isang tao ay hindi pinapaging-matuwid sa pamamagitan ng gawa ng kautusan kundi sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Tayo rin ay sumampalataya kay Cristo Jesus upang tayo ay mapaging-matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo at hindi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kautusan. Kaya nga, walang sinumang mapapaging-matuwid sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kautusan.

Ayon sa NIV ng Galatians 2:14,

When I saw that they were not acting in line with the truth of the gospel, I said to Cephas in front of them all, “You are a Jew, yet you live like a Gentile and not like a Jew. How is it, then, that you force Gentiles to follow Jewish customs?

Ang manunulat ng Mga Gawa ay nagsalaysay ng isang muling paghahayag ni Santiago at mga nakakatanda ng Herusalem ng nilalaman ng liham mula sa Konseho ng Herusalem sa okasyon ng huling pagdalaw ni Pablo sa Herusalem na sandaling pagkatapos bago ang pagdakip kay Pablo sa templo. Ayon sa Mga Gawa*,

Nang dumating kami sa Jerusalem, ay masaya kaming tinanggap ng mga kapatid. 18 Kinabukasan, si Pablo ay kasama naming pumunta kay Santiago. Naroon ang lahat ng mga matanda. Binati sila ni Pablo. Isinalaysay niyang isa-isa ang mga bagay na ginawa ng Diyos sa mga Gentil sa pamamagitan ng kaniyang paglilingkod. Nang marinig nila ito, niluwalhati nila ang Panginoon. Sinabi nila kay Pablo: Kapatid, nakikita mo kung ilang libo sa mga Judio ang sumampalataya. Silang lahat ay masigasig para sa kautusan. Nabalitaan nila ang patungkol sa iyo na tinuturuan mo ang lahat ng mga Judio, na nasa mga Gentil, ng pagtalikod kay Moises. Sinabi mo na huwag tuliin ang kanilang mga anak, ni mamuhay ng ayon sa mga kaugalian. Anong gagawin natin? Tiyak na darating ang maraming tao at magkakatipon sapagkat mababalitaan nilang dumating ka. Gawin mo nga itong sasabihin namin sa iyo. Mayroon kaming apat na lalaking may sinumpaang panata sa kanilang sarili. Isama mo sila. Dalisayiin mo ang iyong sarili kasama nila. Bayaran mo ang kanilang magugugol upang magpaahit sila ng kanilang mga ulo. Upang malaman ng lahat na hindi totoo ang mga bagay na nabalitaan nila patungkol sa iyo. At malalaman din na ikaw ay lumalakad ng maayos na tumutupad ng kautusan. Patungkol naman sa mga Gentil na sumampalataya, sinulatan namin sila. Ipinasiya naming huwag na nilang gawin ang anumang bagay. Ang dapat nilang gawin ay lumayo sa mga bagay na inihandog sa diyos-diyosan, sa dugo, sa binigti at sa kasalanang sekswal.

Ayon sa ilang mga skolar, ang paalala ni Santiago at mga nakatatanda ay isang ekspresyon ng pagkabahala na hindi buong itinuturo ni Pablo ang desisyon ng Konseho ng Herusalem sa mga hentil[7] partikular na ang tungkol sa hindi-binigting karneng kashrut[8] na sumasalungat sa payo ni Pablo sa mga hentil sa 1 Corinto 10:25 na "Anumang ipinagbibili sa pamilihan ay kainin ninyo". [9][10] Ayon sa 1 Corinto 8:4–8,

Patungkol sa mga pagkaing inihain sa mga diyos-diyosan, alam nating walang halaga ang diyos-diyosan sa sanlibutan. Alam nating wala nang ibang Diyos maliban sa isa. Sapagkat maraming mga tinatawag na diyos sa langit man o sa lupa, maraming diyos, maraming panginoon.Subalit para sa atin iisa lamang ang Diyos, ang Ama. Sa kaniya nagmula ang lahat ng mga bagay at tayo ay para sa kaniya. Iisa lamang ang Panginoong Jesucristo. Sa pamamagitan niya nagmula ang lahat ng mga bagay at tayo ay nabubuhay sa pamamagitan niya. Subalit hindi lahat ay may kaalaman. Dahil sa kanilang budhi patungkol sa mga diyos-diyosan, hanggang ngayon ay may ilang tao na kapag kinakain nila ang mga bagay na ito, iniisip nilang iyon ay inihain sa diyos-diyosan. At dahil mahihina ang kanilang budhi, iyon ay nadudungisan. Hindi tayo nagiging katanggap-tanggap sa Diyos sa pamamagitan ng pagkain sapagkat kapag kumain tayo, hindi ito makakabuti sa atin. Kapag hindi tayo kumain, hindi ito makakasama sa atin.

Mga pananaw

baguhin

Ayon sa mga skolar, ang mga orihinal na kasapi ng isang kilusang repormang Hudyo na kalaunang naging Kristiyanismo ay mga Hudyong Kristiyano na matapat na mga relihiyosong Hudyo.[11] Ayon kay Eusebio ng Caesarea sa kanyang Kasaysayan ng Simbahan 4.5.3-4: ang unang 15 mga mga obispo ng Herusalem ay "ng pagtutuli". Ang mga ito ay pinaniniwalaang nagmamasid ng pagtutuli at kaya ay malamang ng iba pang bahagi ng Torah.[12] Nakita ng ilang mga sinaunang Kristiyano gaya ni Agustin ng Hipona ang isang kaugnayan ng Kautusang Apostoliko sa Batas Noahidyo ngunit ang interpretasyong ito ay itinatakwil ng mga modernong skolar. Ayon sa mga skolar, ang basehan ng Kautusang Apostoliko ay Aklat ng Levitico kapitulo 17 at 18. Ayon sa Ensiklopedyang Katoliko tungkol sa mga Hudaisero: "Sa kabilang dako, si Pablo ay hindi lamang hindi tumutol sa pagmamasid ng kautusan na Mosaiko basta ito ay hindi nanghihimasok sa kalayaan ng mga hentil ngunit siya ay umaayon sa mga preskripsiyon kapag kinakailangan ng okasyon(1 Corinto 9:20). Kaya siya ay sa sandaling pagkatapos ay tumuli kay Timoteo(Mga Gawa*) at siya ay nasa labis na akto ng pagmamasid ng ritwal na Mosaiko nang siya ay dadakipin sa Herusalem(Mga Gawa*). Maraming beses na binanggit na pinagtibay at sinunod ni Apostol Pablo ang "kautusan" ni Moises gaya ng Roma 2:12–16, Roma 3:31, Roma 7:12, Roma 8:7–8,Galacia 5:3, Mga Gawa*, Mga Gawa*. Gayunpaman, ilang beses ring binanggit sa mga sulat ni Pablo ang kanyang pagpapawalang bisa sa kautusan ni Moises(Roma 10:4, Roma 6:14,7:1–7, Galacia 3:1–5,23–25,4:21–25, 2 Corinto 3:6–17 at iba pa) at pagkokondena sa mga nagmamasid at nagtuturo ng pagmamasid ng kautusan ni Moises(hal. Galacia 2:1–4,11–14). Ang isyu ng pagsunod sa "kautusan" ni Moises ay nagpatuloy hanggang sa mga kalaunang siglo ng sinaunang Kristiyanismo. Ang mga sinaunang Hudyong Kristiyano gaya ng mga Ebionita ay nagpatuloy sa pagsunod sa mga kautusan ni Moises at may malaking paggalang kay Santiago ang Makatarungan. Kanilang itinakwil si Apostol Pablo bilang tumalikod at impostor na apostol. Kanilang sinalungat ang kanyang impluwensiya sa simbahan. Ang mga Hudyong-Kristiyano ay kinabibilangan ng mga nagtuturo na ang mga hentil ay dapat sumunod sa mga kautusan at kustombre ng Hudyo. Ang mga ito ay tinawag na Hudaisero mula sa Judaise na terminong ginamit sa Griyego ng Galacia 2:14 nang kondenahin ni Pablo ang mga ito. Sa kabilang dako, ang mga tagapagtaguyod ng anyong Paulino ng Kristiyanismo ay kinabibilangan ni Marcion ng Sinope na tumakwil sa 12 mga apostol ni Hesus at naniwalang si Apostol Pablo ang tanging apostol na tamang nakaunawa ng mensahe ng kaligtasan ni Hesus. Ayon sa ika-19 siglong Obispong Romano Katolikong si Karl Josef von Hefele, ang Kautusang Apostoliko ng Konseho ng Herusalem "ay matagal nang naluma sa Kanluran" bagaman ito ay kinikilala at sinasanay pa rin hanggang ngayon sa Simbahang Griyegong Ortodokso. Ang ilang mga sekta ay naniniwala na ang Kautusang Apostoliko ay lumalapat pa rin hanggang ngayon gaya ng Jehovah's Witnesses at iba pa.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "In spite of the presence of discrepancies between these two accounts, most scholars agree that they do in fact refer to the same event.", Paget, "Jewish Christianity", in Horbury, et al., "The Cambridge History of Judaism: The Early Roman Period", volume 3, p. 744 (2008). Cambridge University Press.
  2. "Paul's account of the Jerusalem Council in Galatians 2 and the account of it recorded in Acts have been considered by some scholars as being in open contradiction.", Paget, "Jewish Christianity", in Horbury, et al., "The Cambridge History of Judaism: The Early Roman Period", volume 3, p. 744 (2008). Cambridge University Press.
  3. "There is a very strong case against the historicity of Luke's account of the Apostolic Council", Esler, "Community and Gospel in Luke-Acts: The Social and Political Motivations of Lucan Theology", p. 97 (1989). Cambridge University Press.
  4. "The historicity of Luke's account in Acts 15 has been questioned on a number of grounds.", Paget, "Jewish Christianity", in Horbury, et al., "The Cambridge History of Judaism: The Early Roman Period", volume 3, p. 744 (2008). Cambridge University Press.
  5. "However, numerous scholars have challenged the historicity of the Jerusalem Council as related by Acts, Paul's presence there in the manner that Luke describes, the issue of idol-food being thrust on Paul's Gentile mission, and the historical reliability of Acts in general.", Fotopolous, "Food Offered to Idols in Roman Corinth: a socio-rhetorical reconsideration", pp. 181-182 (2003). Mohr Siebeck.
  6. "Sahlin rejects the historicity of Acts completely (Der Messias und das Gottesvolk [1945]). Haenchen’s view is that the Apostolic Council “is an imaginary construction answering to no historical reality” (The Acts of the Apostles [Engtr 1971], p. 463). Dibelius’ view (Studies in the Acts of the Apostles [Engtr 1956], pp. 93–101) is that Luke’s treatment is literary-theological and can make no claim to historical worth.", Mounce, "Apostolic Council", in Bromiley (ed.) "The International Standard Bible Encyclopedia", volume 1, p. 200 (rev. ed. 2001). Wm. B. Eerdmans.
  7. Robert McQueen Grant Augustus to Constantine: the rise and triumph of Christianity in the Roman World Louisville: Westminster John Knox, 2004 p.iv "According to Acts 21:25, the elders at Jerusalem were still concerned with observance of them when Paul last "
  8. Paul Barnett Jesus & the Rise of Early Christianity: A History of New Testament p292 "He chided Paul later for his failure to require the Gentiles to observe the decree (Acts 21:25). Paul delivered the letter from the Jerusalem meeting expressing James's decree, but only to churches in Syria, Cilicia and Galatia ....Paul did not impose the food requirements for the kosher-killed meat and against the idol-sacrificed meat upon the Corinthians"
  9. I Corinthians: a new translation Volume 32 Anchor Bible William Fridell Orr, James Arthur Walther - 1976 "Paul's openness regarding dietary restrictions raises again the question of the connection with the decrees of the council at Jerusalem (Acts 15:29; Introduction, pp. 63-65). There is no hint here of an apostolic decree involving food."
  10. Gordon D. Fee The First Epistle to the Corinthians 1987 p480 "Paul's "rule" for everyday life in Corinth is a simple one: "Eat anything19 sold in the meat market""
  11. McGrath, Alister E., Christianity: An Introduction. Blackwell Publishing (2006). ISBN 1-4051-0899-1. Page 174: "In effect, they [Jewish Christians] seemed to regard Christianity as an affirmation of every aspect of contemporary Judaism, with the addition of one extra belief — that Jesus was the Messiah. Unless males were circumcised, they could not be saved (Acts 15:1)."
  12. McGrath, Alister E. Christianity: An Introduction. Blackwell Publishing (2006). ISBN 1-4051-0899-1, page 174.