Ang Derbe ay isang sinaunang lungsod na nasa loob ng pangkasalukuyang Turkiya. Ang lungsod na ito ay nabanggit sa aklat ng Bibliya na Mga Gawa ng mga Apostol - (Mga Gawa 14:6; Mga Gawa 16:1) at nakalagak na malapit sa sinaunang Lystra (Listra).[1]

Lokasyon

baguhin

Bagaman isa pa ring paksa ng kontrobersiya, ang pinaka malamang na pook ng Derbe ay nakahimlay sa humigit-kumulang na 15 milya (24 km) sa hilagang hilaga-kanluran ng lungsod ng Karaman, Turkiya (sinaunang Laranda) na nasa ibabaw ng isang punso o tambak na nakikilala bilang ang Kerti Hüyük.[2][3][4] Mayroong mga simbahan ditong itinayo upang alalahanin ang pagdalaw ni San Pablo (Mga Gawa 14:20-21). Ang isang natatanging guho ng simbahan ay pinaniniwalaang naging ang tahanan ng panghuling Obispo ng Derbe noong humigit-kumulang sa AD 1001. Mayroong ilang mga barya at mga inskripsiyon ng Derbe ang umiiral pa.[5]

Kasaysayan

baguhin

Noong sinaunang mga kapanahunan, ang Derbe ay isa sa ilang mga lungsod na Kristiyano, at ginamit bilang kanlungan para sa mga Kristiyanong naglalakbay. Ang simbahan nitong Kristiyano ay sinunog at pinatabunan ng Emperador ng Romang si Diocletiano ng isang bundok ng lupa noong Pag-uusig na Diocletiano (Persekusyong Diocletiano), isang kaganapang naganap bago ang taong 300 AD. Pagkaraan ng pagkawasak ng Derbe, nagkaroon ng malakihang paglisan ng populasyon. Maraming mga tao ang nagpunta sa kanlurang Europa, na humintil sa pangkasalukuyang Pransiya. Noong panahong ito nang ang apelyidong "Derbes" ay naipahayag na mayroong pahiwatig na kahulugang "tao mula sa Derbe". Ang pangalan ay ipinapahayag pa rin bilang isang apelyido magpahanggang sa kasalukuyang panahon.[kailangan ng sanggunian]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Derbe". Catholic Encyclopedia. Nakuha noong 2007-02-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 37°20'54.85"N 33°21'41.23"E
  3. Bastian Van Elderen, Some Archaeological Observations on Paul’s First Missionary Journey, 157-159 Naka-arkibo 2020-08-03 sa Wayback Machine..
  4. Steve Singleton, Derbe Satellite View Naka-arkibo 2011-07-09 sa Wayback Machine..
  5. William Ramsay, Cities of St. Paul, 385-404.

37°26′20″N 33°09′50″E / 37.4388888889°N 33.1638888889°E / 37.4388888889; 33.1638888889