Ang Unang Krusada (1096–1099) ay isang ekspedisyong militar ng Romano Katolikong Europa upang muling maibalik ang mga banal na lupain na nasakop ng mga Muslim sa Levant (632–661) na sa huli ay humantong sa muling pagkakabihag ng Herusalem noong 1099.[2][3][4] Ito ay inilunsad ni Papa Urban II noong 27 Nobyembre 1095 na may pangunahing layuin ng pagtugon mula sa apela mula sa Emperador ng Imperyong Byzantine na si Alexios I Komnenos na humiling ng mga bolunterong kanluraning upang tulungan siya at patalsikin ang mga mananakop na Turkong Seljuk mula sa Anatolia. Ang karagdagang layunin ay sandaling naging pangunahing layunin na ang Kristiyanong pananakop ng Herusalem at Banal na Lupain at pagpapalaya ng mga Silangang Kristiyano mula sa pamumunong Islamiko. Sa panahon ng unang krusada, ang mga kabalyero at mga magsasaka mula sa iba't ibang mga bansa ng Kanluraning Europa ay naglakbay sa lupain at dagat una ay sa Constantinople at pagkatapos ay tungo sa Herusalem bilang mga nagkukrusada. Ang mga magsasaka ay mas marami sa mga kabalyero. Ang mga magsasaka at mga kabalyero ay nahati sa dalawang magkakahiwalay na mga hukbo dahil ang mga magsasaka ay hindi mahusay na sinanay sa labanan gaya ng mga kabalyero. Ang kanilang hukbo ay nabigong makarating sa Herusalem. Ang mga kabalyero ay nakarating sa Herusalem at naglunsad ng pagsalakay sa siyudad. Kanila itong nasakop noong Hulyo 1099 at nang-masaker ng maraming mga Muslim at Hudyong mamamayan nito. Kanila ring itinatag ang mga estado ng nagkrusada na Kaharian ng Herusalem, Kawnti ng Tripoli, Prinsipalidad ng Antioch at Kawnti ng Edessa. Dahil ang Unang Krusada ay malaking nauukol sa Herusalem na isang siyudad na hindi napasailalim ng mga Kristiyano sa loob ng 461 taon, ang mga nagkrusad ay tumanggi na ibalik ang lupain sa kontrol ng Imperyong Byzantine. Ang Unang Krusada ay bahagi ng tugong Kristiyano sa mga pananakop ng Muslim. Ito ay sinundan ng Ikalawang Krusada hanggang Ikasiyam na Krusada ngunit ang mga nakamit dito ay tumagal sa kaunti sa 200 taon. Ito rin ang unang pangunahing hakbang tungo sa muling pagbubukas ng kalakalang internasyonal sa Kanluran simula ng pagbagsak ng Kanluraning Imperyo Romano.

First Crusade
Bahagi ng the Crusades
A depiction of the capture of Jerusalem in 1099 from a medieval manuscript. The burning buildings of Jerusalem are centered in the image. The various crusaders are surrounding and besieging the village armed for an attack.
The capture of Jerusalem marked the First Crusade's success
Petsa1096–1099
Lookasyon
Resulta Decisive Crusader victory
Pagbabago sa
teritoryo
Kingdom of Jerusalem and other Crusader states created
Mga nakipagdigma

Christendom:
Holy Roman Empire

Kingdom of France

Kingdom of England

Duchy of Apulia

Byzantine Empire

Armenian Kingdom of Cilicia

Muslim world:
Great Seljuq Empire
Danishmends
Fatimids
Almoravids

Abbasids
Mga kumander at pinuno

Godfrey of Bouillon
Raymond IV of Toulouse
Stephen II of Blois
Baldwin of Boulogne
Eustace III of Boulogne
Robert II of Flanders
Adhemar of Le Puy
Hugh I of Vermandois
Robert II of Normandy
Bohemond of Taranto
Tancred of Taranto
Alexios I Komnenos
Tatikios
Manuel Boutoumites
Guglielmo Embriaco

Constantine I

Kilij Arslan I
Yaghi-Siyan
Kerbogha
Duqaq
Fakhr al-Mulk Radwan
Ghazi ibn Danishmend
Iftikhar ad-Daula

Al-Afdal Shahanshah
Lakas

Crusaders:
~ 35,000 men

  • 30,000 infantry
  • 5,000 cavalry

Byzantines:

~ 2,000 men[1]
Unknown
Mga nasawi at pinsala
High High

Mga sanggunian

baguhin
  1. Nicolle 2003, pp. 21 and 32.
  2. Asbridge, Thomas (2004). The First Crusade: A New History. Oxford. ISBN 0-19-517823-8.
  3. Baldwin, Marshall W. (1969). A History of the Crusades: The First Hundred Years. Madison, Wisconsin: University of Wisconsin Press. ISBN 978-0-299-04834-1.
  4. Bartlett, Robert (1994). The Making of Europe: Conquest, Colonization and Cultural Change 950–1350. Princeton. ISBN 0-691-03780-9.