Kaharian ng Herusalem
Ang Kahariang Latin ng Herusalem ay isang kahariang Romano Katoliko na itinatag sa Levant noong 1099 pagkatapos ng Unang Krusada.[1][2][3] Ang kahariang ito ay tumagal ng halos 200 taon mula 1099 hanggang 1291 nang ang huling mga natitirang pag-aangkin ay winasak ng mga Mamluk. Ang kasaysayan nito ay nahahati sa dalawang mga natatanging panahon. Ang unang kaharian ay tumagal mula 1099 hanggang 1187. Ito ay natalo sa Labanan ng Hattin noong 1887 ni Saladin. Ang Europa ay tumugon sa pagkakatalong ito sa pamamagitan ng paglulunsad ng Ikatlong Krusada na pinamunuan nina Richard Lionheart, Philip Augustus, at Frederick Barbarossa ng magkakahiwalay. Ang kaharian ng Herusalem ay muling naitatag sa Acre noong 1192 at tumagal hanggang sa pagkakawasak ng siyudad noong 1291. Sa simula ang kahariang ito ay kaunting higit sa isang maluwag na kalipunan ng mga bayan at siyudad na nabihag ng Krusada. Sa tugatog nito noong gitnang ika-12 siglo, ang kaharian ay tinatayang sumasaklaw sa terirtoryo ng modernong Israel, Lebanon at Palestina. Mula sa baybayin ng Dagat Mediterraneo, ang kahariang ito ay sumaklaw mula Leban sa hilaga hanggang sa disyertong Sinai sa timog hanggang sa modernong Hordan at Syria sa silangan tungo sa Fatimid, Ehipto sa kanluran. Sa hilaga nito ay may tatlong ibang mga estado ng nagkrusada na itinatag sa panahon at pagkatapos ng Unang Krusada: Ang Kawnti ng Edessa(1097–1144), ang Prinsipalidad ng Antioch (1098–1268), at ang Kawnti ng Tripoli(1109–1289) na lahat ay mga independiyente ngunit malapit na nauugnay sa Herusalem. Sa silangan ay ang mga iba't ibang mga emirate na Muslim na sa hul iay nakipag-alyansa sa kalipang Abbasid sa Baghdad. Sa karagdagang hilaga at silangan ay ang Kahariang Armenmian ng Cilia at Imperyong Byzantine na may malapit na relasyon sa Herusalem noong ika-12 siglo. Ang pagkakawatak watak ng silangang Muslim ay pumayag sa pasimulang tagumpay ng Krusada ngunit habang nagpapatuloy ang ika-12 siglo, ang mga kapitbahay nitong Muslim ay pinag-isa nina Nur ad-Din Zangi at Saladin na muling nakabihag sa nawalang teritoryo. Ang Herusalem ay natalo ni Saladin noong 1187 at noong ika-13 siglo, ang kahariang ito ay napaliit sa ilan gmga siyudad sa kahabaan ng baybaying Mediterraneo. Sa panahong ito, ang kaharian ng Herusalem ay pinamunuan ng dinastiyang Lusignan ng Kaharian ng Cyprus na isang pang estado ng nagkrusad na itinatag noong Ikatlong Krusada. Ang mga kaugnayang dinastiko ay pinalakas sa Tripolo, Antioch at Armenia. Ang kaharian ng Herusalem ay sandaling papalaking napanaigan ng mga siyudad-estado na Italyano ng Republika ng Venice at Republika ng Genoa gayundin bilang mga ampisyong pang-imperyo ng mga Banal na Emperador Romano. Inangkin ni Emperador Frederick II ang kaharian sa pamamagitan ng kasal ngunit ang kanyang presensiya ay humantong sa isang digmaang sibil sa mga maharlika ng kaharian. Ang kaharian ay naging kaunting higit sa isang pawn sa politika at digmaan ng mga dinastiyang Ayyubid at Mamluk ng Ehipto gayundin ng mga mananakop na dinastiyang Khwarazmian at Mongol. Bilang relatibong maliit na kaharian, ang kaharian ng Herusalem ay may kaunting suportang pang-salapi at militar mula sa Europa. Sa kabila ng maraming mga maliliit na ekspedisyon, ang mga Europeo ay pangkalahatang hindi handa na magsagawa ng mahal na paglalakbay sa silangan para sa lumilitaw na natatalong layunin. Kalaunang muling sinakop ng mga Mamluk na sina Baibar at al-Ashraf Khalil ang lahat ng mga natirirang muog ng mga nagkrusada na humantong sa pagkakawasak ng Acre noong 1291.
Latin Kingdom of Jerusalem Regnum Hierosolimitanum (Latin) Roiaume de Jherusalem (Lumang Pranses) Regno di Gerusalemme (Italyano) Βασίλειον τῶν Ἱεροσολύμων (Sinaunang Griyego) | |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
1099–1291 | |||||||||||
Kabisera | Jerusalem (1099–1187) Tyre (1187–1191) Acre (1191–1229) Jerusalem (1229–1244) Acre (1244–1291) | ||||||||||
Karaniwang wika | Latin, Old French, Italian (also Arabic and Greek) | ||||||||||
Relihiyon | Roman Catholicism (official), Greek Orthodoxy, Syrian Orthodoxy, Islam, Judaism | ||||||||||
Pamahalaan | Monarchy | ||||||||||
King of Jerusalem | |||||||||||
• 1100–1118 | Baldwin I | ||||||||||
• 1118–1131 | Baldwin II | ||||||||||
• 1131–1152 | Melisende - with Fulk 1131–1143 | ||||||||||
• 1143-1152-1162 | Baldwin III | ||||||||||
• 1162–1174 | Amalric I | ||||||||||
• 1174–1185 | Baldwin IV | ||||||||||
• 1185-1186 | Baldwin V | ||||||||||
• 1285–1291 | Henry II | ||||||||||
Lehislatura | Haute Cour | ||||||||||
Panahon | High Middle Ages | ||||||||||
• First Crusade | 1099 | ||||||||||
• Second Crusade | 1145 | ||||||||||
1187 | |||||||||||
• Third Crusade | 1189 | ||||||||||
• Treaty of Ramla | 1191 | ||||||||||
1244 | |||||||||||
1256–70 | |||||||||||
1291 | |||||||||||
|
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Fulcher of Chartres, A History of the Expedition to Jerusalem, 1095–1127, trans. Frances Rita Ryan. University of Tennessee Press, 1969.
- ↑ William of Tyre, A History of Deeds Done Beyond the Sea, trans. E.A. Babcock and A.C. Krey. Columbia University Press, 1943.
- ↑ Philip K. Hitti, trans., An Arab-Syrian Gentleman and Warrior in the Period of the Crusades; Memoirs of Usamah ibn-Munqidh (Kitab al i'tibar). New York, 1929