Si Salah ad-Din Yusuf ibn Ayyub (Arabe: صلاح الدين يوسف بن أيوب‎) (humigit-kumulang sa 1138 - Marso 4, 1193), mas kilala sa Kanlurang mundo bilang Saladin o Saladino (Arabe: صلاح الدين الأيوبي‎), ay isang Kurding Muslim na naging Sultan ng Ehipto at Sirya. Pinamunuan niya ang isang paglaban ng Muslim sa mga Europeong Krusada sa Levant. Sa rurok ng kanyang kapangyarihan, pinamunuan niya ang Ehipto, Sirya, Irak, Hejaz, at Yemen. Pinamunuan niya ang mga Muslim laban sa mga Krusada at sa kalaunan kinuha muli ang Palestina mula sa Kaharian ng Herusalem pagkatapos ng matagumpay na Labanan sa Hattin. Dahil dito, isa siyang tanyag na pigura sa Arabe, Kurdi, Turko, Taga-Iran at kalinangang Muslim. Maghigpit na tagasunod si Saladin ng Sunni Islam. Pinansin ng mga Kristiyanong manunulat ang kanyang kagalantihang kaugalian, lalo na ang mga nasulat sa pagkubkob ng Kerak sa Moab.

Ṣalāḥ ad-Dīn Yūsuf ibn Ayyūb
Sultan ng Ehipto at Sirya
Paghahari1174–1193
Koronasyon1174, Cairo
Buong pangalanṢalāḥ ad-Dīn Yūsuf ibn Ayyūb
PinaglibinganMosque ng Umayyad Mosque, Damascus, Sirya
SinundanNur ad-Din
KahaliliAl-ˤAzīz ˤUthmān
DinastiyaAyyubid
AmaNajm ad-Dīn Ayyūb

TaoIslam Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Islam ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.