Ricardo I ng Inglatera

(Idinirekta mula sa Richard Lionheart)

Si Ricardo I o Richard I ng Inglatera (Setyembre 8, 1157Abril 6, 1199) ay ang hari ng Inglatera mula 1189 hanggang 1199. Paminsan-minsan siyang tinatawag na Ricardo ang Pusong Leon (Ricardo na may Puso ng Leon). Siya ang anak na lalaki nina Henry II ng Inglatera at Eleanor ng Aquitania. Noong 1168, naging Duke siya nga Aquitania. Isa siya sa mga pinuno ng Ikatlong Krusada laban kay Saladin, na hindi kailanman nagtagumpay. Habang naglalakbay siya, nasakop niya ang Sicilia at Tsipre. Nakipaglaban siya sa Labanan sa Acre at sa Labanan ng Arsuf. Sa huli, dahil sa hindi niya muling napagwagian ang Herusalem mula sa mga Muslim, nagpasya siyang magbalik sa Inglatera. Habang pabalik na mula sa Krusada, nadakip si Richard ng mga Aleman at kinailangang magbayad ng malaking halagang panubo ang mga taong Ingles upang mapalaya siya. Itinuturing siya bilang isang napakatapang at marangal na hari, subalit hindi siya gumugol ng maraming panahon sa Inglatera - anim na buwan lamang ng kaniyang labing-isang taon ng pamumuno ang naigugol niya sa loob ng kaniyang bansa.

Richard I ng Inglatera
Kapanganakan8 Setyembre 1157 (Huliyano)
    • Oxford
  • (Oxford, Oxfordshire, South East England, Inglatera)
Kamatayan6 Abril 1199 (Huliyano)
  • (Haute-Vienne, Nouvelle-Aquitaine, Metropolitan France, Pransiya)
LibinganFontevraud Abbey
MamamayanKaharian ng Inglatera
Trabahomonarko
OpisinaDuke ng Normandy (3 Setyembre 1189 (Huliyano)–6 Abril 1199 (Huliyano))
Hari ()
Magulang
PamilyaJohn ng Inglatera
William Longespée, 3rd Earl of Salisbury
Geoffrey
Henry the Young King
Geoffrey II, Duke ng Brittany
William IX, Konde ng Poitiers
Morgan
Eleanor ng Inglatera, Reyna ng Castile
Joan ng Inglatera, Reyna ng Sicily
Matilda ng Inglatera, Dukesa ng Saxony
Marie ng Pransiya

Namatay siya pagkaraang matamaan ng palaso mula sa isang baril na pana habang nagaganap ang pagkubkob sa isang kastilyo. Ang kaniyang mga labi ay inilibing sa iba't ibang mga lugar.[1] Ang kaniyang katawan ay inilibing sa Monasteryo ng Fontevraud na malapit sa Saumur sa Pransiya[1], kung saan nakalibing din ang kaniyang ama at ina. Ang kaniyang mga laman-loob ay inilibing sa Chalus, malapit sa Limoges sa loob ng gitnang Pransiya.[1] Ang puso niya ay inilibing sa Katedral ng Notre Dame sa Rouen.[1] Natagpuan ito noong 1838 at sinuri ng mga dalub-agham noong 2012.[1] Nagsagawa sila ng mga pagsusulit upang makatuklas ng mga lason, dahil mayroong isang kuwento noong gitnang kapanahunan na si Richard ay namatay dahil sa isang palasong may lason. Walang katibayan upang masuportahan ang ideyang ito, at maaaring namatay siya dahil sa grangrena o septisimiya mula sa sugat na dulot ng palaso.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Morelle, Rebecca (28 Pebrero 2013). "Richard the Lionheart's mummified heart analysed". bbc.co.uk. Nakuha noong 1 Marso 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)