Kondado ng Edessa

(Idinirekta mula sa Kawnti ng Edessa)

Ang Kondado ng Edessa ang isa sa mga estado ng nagkrusada noong ika-12 siglo CE na nakabase sa Edessa na isang siyudad na may sinaunang kasaysayan at simulang tradisyon ng Kristiyanismo. Sa huling panahon ng Imperyong Byzantine, ang Edessa ay naging sentro ng buhay pangkatalinuhan sa loob ng Simbahang Ortodoksong Syriac. Ito ay naging sentro ng pagsasalin ng pilosopiyang Sinaunang Griyego sa wikang Syriac na nagbigay ng pagsulong para sa mga kalaunang salin sa wikang Arabiko. Nang dumating ang mga nag-krusada, ito ay isa pa ring sapat na mahalaga na nakatukso sa isang karagdagang ekspedisyon pagkatapos ng Pagsalakay sa Antioch.[2] Ang unang Konde ng Edessa ay naging hari ng Kaharian ng Herusalem at ang mga kalaunang konde ay kanilang mga pinsan. Hindi tulad ng ibang mga estado ng nagkrusada. Hindi tulad ng ibang mga estado ng nagkrusada, ang kondadong ito ay nakakandaduhan ng lupain. Ito ay malayo mula sa ibang mga estado at walang mabuting relasyon sa mga napakalapit nitong kapitbahay na Prinsipalidad ng Antioch. Ang kalahati ng kondado kabilang ang kabisera nito ay matatagpuan sa silangan ng Euphrates malayo sa silangan na gumagawa ritong partikular na masasalakay. Ang kanlurang bahagi ng Euphrates ay kinontrol ng mugo ng Turbessel. Ang silanganing hangganan ng Edessa ang Ilog Tigris.[2] Ang Pagsalakay sa Edessa noong 1144 ang unang pangunahing pagurong para sa Outremer at humimok ng Ikalawang Krusada. Ang lahat ng mga kalaunang Krusada ay naligalig sa stratehikong mga kawalang katiyakan at kawalang mga kasunduan. Hindi tinangka ng ikalawang Krusada na kunin ang Edessa na binilang na mas mahusay sa stratehiya na kunin ang Damascus. Gayunpaman, ang kampanya laban dito ay nabigo kaya walang naisakatuparan at ang Edessa ay nawala sa mga Kristiyano. Ang modernong siyudad ng Şanlıurfa sa Turkey na hindi nagpatanatili ng dati nitong kahalagaahan at ang Simbahang Silangang Ortodokso ay karamihang naglaho pagkatapos ng henosidyong Armenian noong Unang Digmaang Pandaigdig.[2]

County of Edessa
Comitatus Edessanus
1098–1150
The County of Edessa in the context of the other states of the Near East in 1135.
The County of Edessa in the context of the other states of the Near East in 1135.
KabiseraEdessa (1098–1144; 1146)
Turbessel (1144–1146; 1146–1150)
Karaniwang wikaLatin, Old French, Italian, Armenian (also Arabic, Greek)
Relihiyon
Roman Catholicism, Armenian Apostolic Church, Greek Orthodoxy, Syrian Orthodoxy, Islam, Judaism
PamahalaanMonarchy
Count of Edessa 
• 1098–1100
Baldwin I
• 1131–1150
Joscelin II
PanahonHigh Middle Ages
• First Crusade
1098
• Conquered by Nur ad-Din Zengi, and the rest sold to Manuel I Komnenos
1150
Pinalitan
Pumalit
Fatimid Caliphate
Zengid dynasty
Byzantine Empire
Si Baldwin of Boulogne ay pumapasok sa Edessa noong Pebrero 1098. Siya ay tinatanggap ng kapariang Armenian na tumanggap sa wakas ng tutelahe sa Constantinople.[1]
Mapang pampolitika noong 1135 CE. Ay mga estado ng nagkrusada ay may pulang krus.
Ang Kondado ng Edessa noong 1135.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Les Croisades, Origines et consequences", Claude Lebedel, p.50
  2. 2.0 2.1 2.2 "Crusader States, Kings of Jerusalem & Cyprus, Templars, Hospitallers, Israel, etc". Friesian.com. Nakuha noong 2012-10-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)