Ikalawang Krusada
Ang Ikalawang Krusada (1145–1149) ang ikalawang krusada na inilunsad mula sa Europa. Ang Ikalawang Krusada ay sinimulan bilang tugon sa pagbagsak ng Kawnti ng Edessa sa nakaraang taon ng mga pwersa ni Zengi. Ang Kawnti ay itinatag noong Unang Krusada(1096–1099) ni Baldwin ng Boulogne noong 1098. Bagaman ito ang unang itinatag na estado ng nagkrusada, ito rin ang una na bumagsak. Ang Ikalawang Krusada ay inanunsiyo ni Papa Eugene III at ang una sa mga krusada na pinamunuan ng mga haring Europeo na sina Louis VII ng Pransiya at Conrad III ng Alemanya na may tulong ng isang bilang ng ibang mga maharlikang Europeo. Ang mga hukbo ng mga dalawang haring ito ay nagmartsa ng magkahiwalay sa buong Europa. Pagkatapos na tumawid sa teritoryong Byzantine tungo sa Anatolia, ang parehong mga hukbong ito ay magkahiwalay na natalo ng mga Turkong Seljuq. Ang pangunahing sangguniang Kristiyano sa Kanluran ng Krusadang ito na si Odo ng Deuil at ang mga sangguniang Kristiyanismong Syriac ay nag-angkin na sikretong hinarang ng Emperador ng Imperyong Byzantine na si Manuel I Comnenus ang pagsulong mga nagkrusada partikular na sa Anatolia kung saan inakusahan na kanyang sinadyang utusan ang mga Turko na atakihin ang mga ito. Sina Louis at Conrad at mga natitirang mga hukbo nito ay dumating sa Herusalem at noong 1148 ay lumahok sa isang hindi mahusay na napayuhang pag-atake sa Damascus. Ang krusada sa silangan ay isang pagkabigo para sa mga nagkrusada at isang malaking pagkapanalo para sa mga Muslim. Ito ay kalaunang nagkaroon ng mahalagang impluwensiya sa pagsalakay sa Herusalem at naglunsad ng Ikatlong Krusada sa wakas ng ika-12 siglo. Ang tanging tagumpay ng Ikalawang Krusada ay ang isang pinagsamang pwersa ng mga 13,000 na nagkrusadang Flemish, Frisian, Norman, Ingles, Scottish, at Aleman noong 1147. Sa paglalakbay mula sa Inglatera sa pamamagitan ng barko tungo sa Banal na Lupain, ang hukbo ay huminto at tumulong sa mas maliit na 7,000 hukbong Portuges sa pagsalakay sa Lisbon na nagpatalsik sa mga naninirahan nitong mga Moor.
Second Crusade | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Bahagi ng the Crusades | |||||||||
The fall of Edessa, seen here on the right of this map (c.1140), was the primary cause of the Second Crusade. | |||||||||
| |||||||||
Mga nakipagdigma | |||||||||
Kingdom of Sicily | |||||||||
Mga kumander at pinuno | |||||||||
Melisende of Jerusalem Roger II of Sicily |
Mesud I Tashfin Ibn Alibr Ibrahim ibn Tashfin Ishaq ibn Ali Abd al-Mu'min Imad ad-Din Zengi Saif ad-Din Ghazi I Al-Muqtafi Al-Hafiz | ||||||||
Lakas | |||||||||
Germans: 20,000 men[1] French: 15,000 men[1] |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Norwich 1995, pp. 94–95.