Baviera

(Idinirekta mula sa Bavaria)

Ang Bavaria o Baviera (Aleman: Bayern, Ingles: Bavaria, Kastila: Baviera) ay isang Estado (Bundesland) ng Alemanya. Ang teritoryo (nasasakupan) ng estadong ito ay ang pinakamalaki sa 16 na mga estado. Ang kabisera ng estado ay ang Munich na mayroong 1.3 milyong katao, kung kaya't ang kabiserang ito ang pangatlong pinakamalaking lungsod sa Alemanya. Humigit-kumulang sa 12.5 milyon ang mga taong naninirahan sa Bavaria. Opisyal na nakikilala bilang Malayang Estado ng Bavaria (Aleman: Freistaat Bayern, pagbigkas [ˈfʁaɪʃtaːt ˈbaɪ.ɐn]  ( pakinggan), na sa Ingles ay Free State of Bavaria) ay nakalagak sa timog-silangan ng Alemany, na mayroong area (sukat ng pook) na 70,548 square kilometre (27,200 mi kuw), ito ang pinakamalaking estado ayon sa area o nasasakupang pppok, na bumubuo sa halos 20% ng kabuuang pook na lupain ng Alemnya. Ang Bavaria ang pangalawang pinakamataong estado (pagkaraan ng Hilagang Renania-Westfalia), na mas marami kaysa sa anuman sa tatlong mga bansa nagsasarili na nasa mga hangganan nito.

Free State of Bavaria

Freistaat Bayern
Watawat ng Free State of Bavaria
Watawat
Eskudo de armas ng Free State of Bavaria
Eskudo de armas
Awit: Bayernhymne (Aleman)
"Hymn of Bavaria"
Map
Mga koordinado: 48°46′39″N 11°25′52″E / 48.77750°N 11.43111°E / 48.77750; 11.43111
BansaAlemania
KabiseraMunich
Pamahalaan
 • KonsehoLandtag of Bavaria
 • Minister-PresidentMarkus Söder (CSU – Christian Social Union of Bavaria)
 • Governing partiesCSU / FW
 • Bundesrat votes6 (of 69)
Lawak
 • Kabuuan70,550.19 km2 (27,239.58 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2017-12-31)[1]
 • Kabuuan12,997,204
 • Kapal180/km2 (480/milya kuwadrado)
DemonymBavarian(s) (English)
Bayer (m), Bayerin (f) (German)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigo ng ISO 3166DE-BY
GDP (nominal)€625 billion (2018)[2]
GDP per capita€47,946 (2018)
NUTS RegionDE2
HDI (2017)0.944[3]
very high · 6th of 16
Websaytbayern.de
Wies

Bilang isa sa pinakamatandang mga estado sa Europa, naitatag ito bilang isang dukado (duchy) noong kalagitnaan ng unang milenyo. Noong ika-17 daantaon, ang Duke ng Bavaria ay naging Prinsipe-elektor (Prinsipeng tagapaghalal) ng Banal na Imperyong Romano ng Nasyong Aleman. Ang Kaharian ng Bavaria ay umiral magmula 1806 hanggang 1918, at magmula sa pangtapos na taong ito ang Bavaria ay naging isa nang malayang estado (republika). Ang modernong Bavaria ay kinabibilangan din ng mga bahagi ng mga rehiyong pangkasaysayan ng Franconia, Pang-itaas na Palatinado (Pang-itaas na Kapalatinuhan) at Swabia.

Kayarian

baguhin

Ang Bavaria ay mayroong pitong mga bahagi: Oberbayern (Pang-itaas na Bavaria), Niederbayern (Pang-ibabang Bavaria), Schwaben (Swabia), Mittelfranken (Gitnang Frankonia), Unterfranken (Pang-ibabang Franconia), Oberfranken (Pang-itaas na Franconia) at Oberpfalz (Pang-itaas na Palatinado). Mayroong 71 mga ditrito at 25 malalayagn mga lungsod ang Bavaria.

Ang pinakamataas na tuldok ay ang Zugspitze, na siya ring pinakamataas na bundok sa Alemanya. Ang Munich ang pinakamalaking lungsod. Ang pangalawang pinakamalaking lungsod ay ang Nuremberg (Nürnberg, Nuremburgo), na kilala dahil sa tinapay na may bawang nito, isang uri ng tinapay na Pangkapaskuhan.

Si Papa Benedicto XVI ay ipinanganak sa Bavaria.

Mga distritong urbano at rural

baguhin

Urbano

baguhin
Mga distritong urbano
  1. Amberg
  2. Ansbach
  3. Aschaffenburg
  4. Augsburg
  5. Bamberg
  6. Bayreuth
  7. Coburg
  8. Erlangen
  9. Fürth
  10. Hof
  11. Ingolstadt
  12. Kaufbeuren
  13. Kempten
  1. Landshut
  2. Memmingen
  3. Munich (München)
  4. Nuremberg (Nürnberg)
  5. Passau
  6. Regensburg
  7. Rosenheim
  8. Schwabach
  9. Schweinfurt
  10. Straubing
  11. Weiden
  12. Würzburg
 
Mga distritong pampapangasiwa ng Bavaria
Mga distritong rural
  1. Aichach-Friedberg
  2. Altötting
  3. Amberg-Sulzbach
  4. Ansbach
  5. Aschaffenburg
  6. Augsburg
  7. Bad Kissingen
  8. Bad Tölz-Wolfratshausen
  9. Bamberg
  10. Bayreuth
  11. Berchtesgadener Land
  12. Cham
  13. Coburg
  14. Dachau
  15. Deggendorf
  16. Dillingen
  17. Dingolfing-Landau
  18. Donau-Ries
  19. Ebersberg
  20. Eichstätt
  21. Erding
  22. Erlangen-Höchstadt
  23. Forchheim
  24. Freising
  1. Freyung-Grafenau
  2. Fürstenfeldbruck
  3. Fürth
  4. Garmisch-Partenkirchen
  5. Günzburg
  6. Haßberge
  7. Hof
  8. Kelheim
  9. Kitzingen
  10. Kronach
  11. Kulmbach
  12. Landsberg
  13. Landshut
  14. Lichtenfels
  15. Lindau
  16. Main-Spessart
  17. Miesbach
  18. Miltenberg
  19. Mühldorf
  20. Munich (München)
  21. Neuburg-Schrobenhausen
  22. Neumarkt
  23. Neustadt (Aisch)-Bad Windsheim
  24. Neustadt (Waldnaab)
  1. Neu-Ulm
  2. Lupain ng Nürnberger
  3. Oberallgäu
  4. Ostallgäu
  5. Passau
  6. Pfaffenhofen
  7. Regen
  8. Regensburg
  9. Rhön-Grabfeld
  10. Rosenheim
  11. Roth
  12. Rottal-Inn
  13. Schwandorf
  14. Schweinfurt
  15. Starnberg
  16. Straubing-Bogen
  17. Tirschenreuth
  18. Traunstein
  19. Unterallgäu
  20. Weilheim-Schongau
  21. Weißenburg-Gunzenhausen
  22. Wunsiedel
  23. Würzburg

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Fortschreibung des Bevölkerungsstandes". Bayerisches Landesamt für Statistik und Datenverarbeitung (sa wikang Aleman). Setyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "GDP NRW official statistics". Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hunyo 2015. Nakuha noong 17 Pebrero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Sub-national HDI - Area Database - Global Data Lab". hdi.globaldatalab.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-09-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing na panlabas

baguhin