Alemanya
Ang Alemánya[1] (Aleman: Bundesrepublik Deutschland, pinakamalapit na bigkas [bun·des·re·pu·blík dóych·lant]) ay isang bansa sa gitnang Europa na kasáma sa Unyong Europeo (EU). Ito ay pinaliligiran ng Hilagang Dagat, Dinamarka at ng Dagat Baltiko sa hilaga; ng Polonya at Tsekya sa silangan; Austria at Switzerland sa timog, at ng Pransiya, Luxembourg, Belhika, at Netherlands sa kanluran. Ang teritoryo ng Alemanya ay sumasaklaw sa 375,201 kilometro kuwadradong lupain na may pabago-bagong klima. Ang bansa ay mayroong higit 82 milyong mamamayan at natatangi at unang bansang may pinakamataong kasapi ng Unyong Europeo. Pagkatapos ng Estados Unidos, ang Alemanya ay ang pangalawang pinakasikat na destinasyon paglipat sa mundo.[2]
Republikang Pederal ng Alemanya Bundesrepublik Deutschland (Aleman)
| |
---|---|
![]() Lokasyon ng Alemanya (lunting maitim) sa Unyong Europeo (lunting mapusyaw). | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Berlin 52°31′N 13°23′E / 52.517°N 13.383°E |
Official language | Aleman |
Katawagan | Aleman Hermano |
Pamahalaan | Republikang parlamentaryong pederal |
• Pangulo | Frank-Walter Steinmeier |
Olaf Scholz | |
Robert Habeck | |
Lehislatura | |
Bundesrat (Konsehong Pederal) | |
Bundestag (Diyetang Pederal) | |
Kasaysayan | |
2 Pebrero 962 | |
12 Hulyo 1806 | |
8 Hunyo 1815 | |
16 Abril 1867 | |
• Pag-iisa (Imperyong Aleman) | 18 Enero 1871 |
11 Agosto 1919 | |
30 Enero 1933 | |
23 Mayo 1949 | |
7 Oktubre 1949 | |
3 Oktubre 1990 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 357,022 km2 (137,847 mi kuw) (ika-63) |
• Katubigan (%) | 1.27 (2015) |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2020 | ![]() |
• Kapal | 232/km2 ([convert: di tugmang yunit]) (ika-58th) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2021 |
• Kabuuan | ![]() |
• Bawat kapita | ![]() |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2021 |
• Kabuuan | ![]() |
• Bawat kapita | ![]() |
Gini (2019) | 29.7 mababa |
TKP (2019) | ![]() napakataas · ika-6 |
Salapi | Euro (€) (EUR) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Gilid ng pagmamaneho | kanan |
Kodigong pantelepono | +49 |
Internet TLD | .de |
Sa kabuuan ng kaniyang kasaysayan, ang Alemanya ay naging bahagi ng iba't ibang estado. Isang maliit na lugar na kung tawagin ay Germania (wikang Latin) ang tinirahan ng mga taong Hermaniko noong mga 100 AD.
Ito ay nabuo lámang bílang estado mula 1871 hanggang 1945 (74 taon), at muli na namang nahati pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa dalawa: Republikang Pederal ng Alemanya na nakilala bílang Kanlurang Alemanya at Demokratikong Republika ng Alemanya na nakilala naman bilang Silangang Alemanya. Noong 3 Oktubre 1990, bumagsak ang Silangang Alemanya sa Kanlurang Alemanya at muling nabuo ang bansa. Ang Berlin ang kabisera at ang pinakaimportanteng lungsod.
KasaysayanBaguhin
Ang bansa ng Alemanya ay masagana sa kasaysayan na nagmula noong 100 BC. Maliit lámang ang kaalaman sa dáting Alemanya ngunit alam na ang mga tribong Hermaniko ay madalas naglaban sa Imperyo ng Roma.
Nang ika-9 siglo ay kumalat ang Kristyanismo sa bansa. Dito din pinanganak si Martin Luther, isang monghe na naghimagsik sa batas ng Simbahan at nagsimula ng bagong relihiyon na ang Protestanismo. Ito ang naging mitsa ng Panahon ng Repormasyon.
Nang ika-19 siglo naman ay dumating ang sikát na Kaharian ng Prusya at sa pamumuno ni Otto von Bismarck at nakita ang tagumpay sa mga digmaan laban sa Dinamarka at Austria. Sa mga hulíng taon ng siglo natatag ang impyero ng Alemanya pagkatapos sa pagpapanalo sa digmaan laban sa Pranses.
Nang ika-20 siglo naman ang karanasan ng bayan ng Unang Digmaang Pandaigdig at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nahati ang bansa sa silangan at kanluran. Ang Dingding ng Berlin ang naghati sa gitna ng kabisera at naging simbolo ng Digmaang Malamig.
Nang 1989, pinatumba ang Dingding ng Berlin at nagkasama ulit ang kanluran at silangan. Sa kasulukuyan, ang ekonomiya ng Alemanya ay isa sa mga pinakamahusay sa mundo.
PagkakahatiBaguhin
Labing-anim na estado (Bundesländer) ang bumubuo sa Alemanya at ang kani-kaniyang kabisera:[3]
- Baden-Württemberg (Stuttgart)
- Baviera (Múnich)
- Berlin (Berlin)
- Brandeburgo (Potsdam)
- Bremen (Bremen)
- Hamburgo (Hamburgo)
- Hesse (Wiesbaden)
- Mecklemburgo-Kanlurang Pomerania (Schwerin)
- Mababang Sahonya (Hanóver)
- Hilagang Renania-Westfalia (Düsseldorf)
- Renania-Palatinado (Maguncia)
- Sarre (Sarrebruck)
- Sahonya (Dresde)
- Sahonya-Anhalt (Magdeburgo)
- Schleswig-Holstein (Kiel)
- Turingia (Erfurt)
KulturaBaguhin
Ang Alemanya ay isang kulturang indibidwalistiko na isang uri ng ng kultura na ang pagpapahalaga ay nasa isang indibidwal o sarili kesa sa isang grupo. Ang mga kulturang indidbidwalistiko ay nagbibigay halaga sa sariling pananaw, pribasiya, autonomiya(pangangasiwa sa sariling buhay), pag-asa sa sarili at sariling sikap. Ang mga Aleman ay gumagamit ng diretsang pakipagtalastasan, naghahayag sa sariling naisin, at gumagamit ng mga iba't ibang paraan upang maayos ang mga alitan sa ibang kapwa tao. Ang Alemanya ay isang uri ng may mababang pagitan ng kapangyarihan(low power distance culture) kung saan ito ay nagbibigay halaga sa bawat indibidwal na walang tinitingnang estado o katayuan sa buhay at nagtatakwil ng kawalang kapantayan sa lipunan. Tinatakwil ng mga Aleman ang mga autoridad sa ikabubuti ng bawat indibidwal na bahagi ng isang lipunan.
Tignan dinBaguhin
SanggunianBaguhin
- ↑ "Alemanya, Deutschland". UP Diksiyonaryong Filipino. 2001.
- ↑ "Germany Top Migration Land After U.S. in New OECD Ranking". Bloomberg. 20 Mayo 2014. Nakuha noong 29 August 2014.
- ↑ es:Organización territorial de Alemania
Mga kawing panlabasBaguhin
- Deutschland Online Naka-arkibo 2005-08-08 sa Wayback Machine., ang internasyonal na magazin ng Republikang Federal ng Alemanya