Imperyong Romano

(Idinirekta mula sa Imperyo ng Roma)

Ang Imperyo ng mga Romano (Ingles: Roman Empire) (Latin: Imperium Romanum) ang tawag sa imperyalistang paghahari ng mga Romano sa malaking bahagi ng Europa, Asya at Hilagang Aprika, na may autokratikong porma ng pamahalaan.[4] Sumunod ang Panahon ng Imperyong Romano sa 500-taong Republika Romana (510 BC – siglo 1 BC) na pinahina ng alitan sa pagitan ng mga heneral katulad ni Gaius Marius at Sulla, at ng digmaang sibil ni Julio Cesar (Julius Caesar) laban kay Pompey. Maraming petsa ang iminungkahi kung kailan ito naging imperyo mula sa republika. Kasama rito ang pagtatakda kay Julio Cesar bilang habang-buhay diktador o Diktador Perpetuidad (44 BC), ang pagwawagi ni Octavio (na tagapagmana ni Caesar), sa Labanan sa Actium (ika-2 ng Setyembre 31 BC), at paggagawad ng Senadong Romano kay Octavio ng kagalang-galang na pangalang Augusto (ika-16 ng Enero 27 BC).

Imperyong Romano
Imperium Romanum
Βασιλεία Ῥωμαίων
27 BK–1453 AD
Vexilloid at ang tatak-imperyo (imperial insignia) ng Imperyong Romano
Vexilloid at ang tatak-imperyo (imperial insignia)
Salawikain: Senatus Populusque Romanus (SPQR)   (Latin)
"Ang Senado at ang Sambayanang Romano"
Ang Imperyong Romano sa pinakamalawak na sakop sa pamamahala ni Trajan noong 117 AD
Ang Imperyong Romano sa pinakamalawak na sakop sa pamamahala ni Trajan noong 117 AD
KatayuanImperyo
KabiseraRoma ang nag-iisang kabisera hanggang AD 286.
Sa pamamahala ng Tetrarchy nagkaroon ng maraming pampolitika na kabisera, habang ang Roma parin ang tinuring na kabisera ng imperyo.
Sa pamamahala ni Constantine dalawa ang kabisera, Roma at Constantinopla.
Ang kanlurang pamahalaan ay lumipat sa Ravenna pagkatapos ng ilang taon.
Karaniwang wikaLatin, Griyego
Relihiyon
Romanong kulto imperyal
(to 380)

Kristiyanismo
(from 380)
PamahalaanAutokrasya,
Diktadoryal
Emperador 
• 27 BC – AD 14
Augustus
• 379 – 395
Theodosius I
• 1449 — 1453
Constantine XI
Konsul 
LehislaturaSenadong Romano
PanahonKlasikong antikwidad
• Labanan sa Actium
2 Setyembre 31 BC
• Octavian pinoroklama Augustus
27 BK
• Diocletian hinati ang administrasyon sa Kanluran at Silangan
285
• Constatine ang Dakila itinayo ang Constantinople bilang bagong kabisera
330
• Kamatayan ni Theodosius ang Dakila, kasunod ang permanenteng paghati sa imperyo sa kanluran at silangan
395
1453 AD
• Pagbagsak ng Trebizond
1461
Lawak
25 BC[1][2]2,750,000 km2 (1,060,000 mi kuw)
50[1]4,200,000 km2 (1,600,000 mi kuw)
117[1]5,000,000 km2 (1,900,000 mi kuw)
390 [1]4,400,000 km2 (1,700,000 mi kuw)
Populasyon
• 25 BC[1][2]
56800000
• 117[1]
88000000
SalapiQuadrans, Semis, As, Dupondius, Quinarius, Sestertius, Denaryo, Aureus, Solido
Pinalitan
Pumalit
Republikang Romano
Silangang Imperyong Romano
Kanlurang Imperyong Romano
* Ang mga kaganapan naitala ay ukol sa Kanlurang Imperyo Romano (286 – 476)[3] at ng Silangang Imperyo Romano (330 – 1453), respectively.

Ang katagang Imperium Romanum (Imperyong Romano) ang pinakilalang katagang Latin kung saan ang salitang imperium ay nangangahulugan ng isang teritoryo sa isang bahagi ng mundo na nasa ilalim ng pamamahalang Romano. Mula sa panahon ni Augusto hanggang sa Pagbagsak ng Kanlurang Imperyo, naghari ang Roma sa mga sumusunod: sa Inglatera at Galia (Francia ngayon); sa halos buong Europa (kanluran ng Ilog Rhine at timog ng Alps); sa pasigan ng hilagang Aprika, kasama ang katabing lalawigan ng Ehipto, sa mga lugar ng mga Balkans, sa Dagat Itim, sa Asya Menor at halos buo ng Levante. Sa makatuwid, nasakop ng Imperium Romanum mula kanluran pasilangan sa makabagong panahong ang Portugal, Espanya, Inglatera at Francia, Italya, Albania, at Gresya (Greece), ang mga Balkanos, Turquia, at mga bahagi ng silangan at timog Alemania; patimog na sakop nito ang bahagi ng Gitnang Silangan: ang kasalukyang Siria, Libano, Israel, Jordan at marami pa; gayundin sa patimog-kanluran nakasama rito ang buong matandang Ehipto, at pakanluran nasakop ang pasiging rehiyon ng kasalukuyang Libya, Tunisia, Algeria at Morocco, hanggang sa mga lontitud sa kanluran ng Gibraltar. Romano ang tawag ng mga taong namumuhay sa mga lugar na ito at napapailalim sa batas Romano. Bago pa man naging monarka ito, matagal nang lumalawak ang nasasakupan ng Roma at nasa tugatog ito sa ilalim ni Emperador Trajano sa pananakop nito ng Dacia (i.e., ng kasalukuyang Romania at Moldova) gayundin ang ilang bahagi ng Hungary, Bulgaria at Ukraine noong AD 106, at ng Mesopotamia noong 116 (na sinundan ng pagbabalik ni Adriano). Sa tugatog nito, kontrolado ng Imperyong Romano ang may 5,900,000 km² (2,300,000 milya kwadrado) ng lupa at nakapaloob na Laot ng Mediterreneo na kung tawagin ng mga Romano na "mare nostrum"—Latin ng “aming dagat”. Patuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan ang impluwensiyang Romano sa kultura, batas, teknolohiya, wika, relihiyon, gobyerno, militar at arkitektura ng mga sibilisasyong lumitaw sa matandang nuno nito.

Minsang inilalagay ang wakas ng Imperyong Romano sa ika-4 ng Setyembre 476 AD nang pinatalsik ang 14-taong gulang na emperador ng Kanlurang Imperyong Romano na si Romulus Augustulus na hindi na napalitan. Subalit, si Diocleciano na nagretiro noong AD 305, ang nag-iisang huling Emperador ng di-nahahating Imperyo o Klasikal na Imperyong Romano kung saan ang kabisera ay ang Lungsod ng Roma. Matapos hatiin ni Diocleciano bilang Silangan at Kanlurang bahagi ang Imperyo, nagpatuloy ang bawat sanga na may kanyang istilo ng “Imperyong Romano”. Humupa at bumagsak ang Imperyong Romano ng Kanluran sa pagdaan ng ika-5 siglo. Ang Silangang Imperyong Romano, na nakatahan sa Nova Roma (na ibinunsad ni Constantino I sa Griyegong lungsod ng Bizancio) at nang lumaon Griyego ang naging pangunahing wika nito na kilala ngayong bilang Imperyong Bizantino at nagpanatili sa mga batas at kulturang Greco-Romano gayunding sa mga Helenikong elemento nito at Kristiyanismong Ortodoxo sa sumunod na milenyo hanggang sa pagbagsak at pagsakop ng Constantinople (Istanbul ngayon), ang naging pangalan ng lungsod ni Constantino, sa mga kamay ng Imperyong Ottoman noong 1453.

Kasaysayan

baguhin

Nagsimula ang paglawak ng Roma kaunting panahon matapos ang pagkatatag ng republika sa ika-6 na siglo BC, ngunit hindi ito lumawak sa labas ng Italya hanggang sa ika-3 siglo BC. Noon, ito na ay isang "imperyo" bago ito nagkaroon ng isang emperador.

Pag-inog ng Imperyo mula sa Republika

baguhin

Ang Labanan sa Actium ay nagresulta ng pagkatalo at pagpatiwakal ni Marko Antonio at Cleopatra. Si Octaviano, ang nag-iisang pinuno ng Roma, ay sinimulan ang maraming malawakang reporma sa militar at politika ng Sinaunang Roma. Ang kanyang naging kapangyarihan ay katulad ng kapangyarihang taglay ni Julio Cesar bilang Diktador Romano.

Noong 36 BC, binigyan siya ng kapangyarihan ng Plebian Tribuno, na nagbigay ng paraan sa kanya upang mapawalang-bisa ang mga batas na bigay ng senado (veto). Noong 29 BC, binigyan siya ng autoridad ng Sensor Romano, kaya mayroon siyang kapangyarihan mag-talaga ng mga bagong senado.

Pax Romana

baguhin

Si Augusto Cesar ay sinundan ng kanyang anak-ampon na si Tiberio Cesar. Si Tiberio ay naghari sa isang yugto kung saan payapa ang imperyo.

Ang paghahari ni Tiberio ay mapayapa sa simula ngunit naging delikado sa huli. Ito ay dahil sa kanyang pagpatay sa mga tinuring "traidor" at "rebelde". Namatay siya noong 37 at sinundan siya ni Caligula. Si Caligula ay naging mabuti sa simula ngunit nabaliw at pinatay noong 41 AD. Pagkatapos ng pagpaslang sa kanya, pinang-usapan ng senado kung ibabalik ba ang republika.[5]

Dahil sa kagustuhan ng mga sundalo, si Claudio ay naging emperador. Naging mabuti rin siyang pinuno sa Roma ngunit hindi naging matagumpay sa pagtatag ng mabuting pamilya. Si Nero na sumunod sa kanya ay mas naging seryoso sa diplomasya, kalakalan at kultura ng Imperyo. Sa kanyang kamatayan noong 68, naalala siya bilang isang malupit na pinuno.

Sa pagpatiwakal ni Nero, isang digmaang sibil ang naganap dahil na rin sa kawalan ng lehitimong tagapag-mana ng trono. Noong 69, isang heneral na si Vespasian ang naging emperador at itinatag ang Dinastiyang Flavio. Naging mabuting pinuno si Vespasian kahit humihina na ang Senado.

Sinundan si Vespasian ni Tito (isa ring heneral nang una), na naghari ng maikling panahon lamang at namatay noong 81 AD,. Sinundan si Tito ni Domitian, isang malupit at diktador na pinuno na pinatay noong Setyembre ng 96 AD.

Sa sumunod na siglo ang "Limang Mabuting Emperador" ang nangasiwa, ito ay sila:

  • Nerva - muling binalik ang kahalagahan ng Senado ng Roma
  • Trajan - pinalaki ang imperyo; sa kanyang panahon nakamit ng imperyo ang pinakamalaking hawak na territoryo
  • Hadrian - tinaas ang depensa sa mga territoryo nakuha ni Trajan
  • Antoninus Pius - mapayapa
  • Marcus Aurelius - huling emperador ng Pax Romana; nagsimulang lumusob ang mga barbaro sa hilaha.
 
Ang Coleseo ng Roma ay itinayo sa panahon ni Vespasian.

Pinalitan si Marcus Aurelius ni Commodus na naging paranoyd at baliw bago pinaslang noong 192.

Sa Dinastiyang Severano na tumagal mula 193 hanggang 235, ay nakamit ang mga kaguluhan sa pamumuno. Bagamat may mga mabuting pinuno parin, naging regular na ang patayan upang makamit ang trono. Si Alexander Severus, ang huling kasapi, ay hindi sinuportahan ng sundalo at pinaslang noong 235.

Krisis ng Ikatlong Siglo

baguhin
 
Ang Imperyong Romano sa pinakamalawak na sakop sa ilalim ni Trajano noong taong 117 AD

Ang Krisis ng Ikatlong Siglo ay ang naging yugto ng muntikang pagbagsak ng Imperyo mula 235 hanggang 284. Sa panahon ito, 25 emperador ang naghari, at ang imperyo ay nakaranas ng krisis panghukbo, pampolitika na krisis at krisis pang-ekonomiya. Sa pag-akyat ng trono ni Diocletian, na-resolba niya ang ilang mga problema ng imperyo at doon tumigil ang krisis.

Ginawa din ni Diocletian ang "Tetrakiya", ang literal na paghahari ng 2 Emperador Augusto ang ang dalawang nakababatang Cesar na taga-pagmana ng trono. Bumagsak ang Tetrakiya sa pamamahala ni Constantius Chlorus. Muling nag-kaisa ang imperyo sa pamamahala ni Constantino ang Dakila at ni Theodosius I (395AD).

Heograpiya at demograpiya

baguhin

naging pangunahing wika nito na kilala ngayong bilang Imperyong Bizantino at nagpanatili sa mga batas at kulturang Greco-Romano gayunding sa mga Helenikong elemento nito at Kristiyanismong Ortodoxo sa sumunod na milenyo hanggang sa pagbagsak at pagsakop ng Constantinople (Istanbul ngayon), ang naging pangalan ng lungsod ni Constantino, sa mga kamay ng Imperyong Ottoman noong 1453.

Kasaysayan

Karagdagang impormasyon: Kasaysayan ng Imperyong Romano

Nagsimula ang paglawak ng Roma kaunting panahon matapos ang pagkatatag ng republika sa ika-6 na siglo BC, ngunit hindi ito lumawak sa labas ng Italya hanggang sa ika-3 siglo BC. Noon, ito na ay isang "imperyo" bago ito nagkaroon ng isang emperador.

Ang Imperyong Romano ang isa sa mga pinakamalawak sa kasaysayan, na may teritoryo sa Europa, Hilagang Africa, at Gitnang Silangan. Ang ideyolohiyang ang Imperyo ay walang-hangganan sa lawak at panahon ay ipinapahayag ng pariralang Latin na imperium sine fine ("imperyong walang hangganan"). Sa Aeneid ni Vergil, sinasabing ang walang-hangganang imperyo ay ipinagkalooban sa mga Romano ng kanilang pangunahing Diyos na si Jupiter. Ang ideyang ito ay muling ipinahayag noong naging Kristiyano ang Imperyo noong ikaapat na siglo.

Ang kalakhang bahagi ng paglawak ng sakop nito ay natamo noong panahon na ito ay isang Republika pa. Ang ilang bahagi ng Hilagang Europa ay nadagdag noong unang siglo AD, kung saan ang kontrol ng Roma sa Europa, Africa, at Asya ay pinalakas. Naabot ng Imperyo ang pinakamalawak nitong teritoryo noong pamununo ni Trajan noong 117. Napasa-ilalim ng Roma ang limang milyong kilometro kwadrado ng lupain na bahagi ng teritoryo ng apatnapung bansa sa makabagong panahon. Ang pagtatayang 55-60 milyong katao na nanirahan sa mga lupain ng Imperyo ay sinasabing bumbuo sa 1/6 hanggang sa 1/4 ng kabuuang populasyon ng tao noong panahong iyon. Ito ang may pinakamalaking populasyon sa mga bansa sa Kanluran, at hindi ito muling naabot hanggang sa ika-19 na siglo. May mga pag-aaral na tinatayong umabot hanggang 100 milyon ang populasyon ng Imperyo.[6]

Mga Wika

baguhin

Ang Senado

baguhin

Habang patuloy parin nagkikita ang Asamblea ng Roma pagkatapos itatag ang impeyo, ang kanilang kapangyarihan ay nilipat sa Senado Romano, kaya ang mga batas-senado (senatus consulta) ay nakukuha ng kapangyarihan matupad bilang tunay na batas.

Ang Mga Emperador (Pagkatapos ng Republikang Romano)

baguhin

Walang tiyak na sagot tungkol sa kung sino talaga ang unang emperador ng Roma. Sa ilalim ng teknikal na pananaw, hindi malinaw na may “unang emperador,” sa dahilang hindi ito isang opisyal ng puwesto sa sistemang batas Romano – sa halip, ito ay pagsasanib ng mga magkakaibang puwesto.

 
Ang paglaki at pagbagsak ng Imperyong Romano

Julius Caesar

baguhin

Si Julio Cesar/Julius Caesar na naging Diktador Perpetuidad (diktador sa habambuhay) na isang opisyal na puwesto sa Republikang Romano. Ang puwestong ito ay napakataas at hindi karaniwang porma ng diktador. Ayon sa batas, ang pamumuno ng isang diktador ay karaniwang hindi lalagpas sa anim na buwan. Ang puwestong binuo ni Cesar ay malinaw na laban sa pangunahing prinsipyo ng Republikang Romano. Gayunpaman, nakasalalay ang kanyang kapangyarihan sa republikanong titulong ito gaano man kakaiba ito bilang isang republikanong opisyal. Maraming senador, na marami rito ay dati niyang mga kaaway na “maluwat” niyang pinatawad, ang natatakot na puputungan niya ng korona ang sarili at magtatatag ng isang monarkiya. Sumunod dito, nagsabuwatan sila upang patayin siya at noong Ides ng Marso, 44 BC, namatay sa talim ng mga pumaslang ang diktador sa habambuhay.

Octavian

baguhin

Si Octavian, na apo sa pamangkin ni Julius Caesar, at tagapagmana sa politika, ay natuto sa kamaliang ginawa ng nagpamana at hindi gumamit ng kinatatakutang titulong diktador. Sa halip, maingat na itinago niya ang kanyang kapangyarihan sa ilalim pormang republikano. Ginawa niya ito upang maipakita kunyari ang pagbabalik ng Republika. Nagtamo siya ng maraming titulo tulad ng Augustus – “ang iniluklok”, ang Princeps – na isinasaling bilang “unang mamamayan ng republikang Romano” o ang “pangulo ng Senadong Romano”. Ang huli ay iginagawad sa mga nakapaglingkod nang mabuti sa bansa. Si Pompey ay ginawaran din ng titulong ito.

Dagdag pa rito, si Augusto Cesar (na ng lumaon ay ipinangalan sa kanya) ay ginawaran ng karapatang magsuot ng Koronang Sibiko ng laurel at roble (oak). Gayunpaman, walang titulo o Koronang Sibiko na nagdaragdag sa kapayarihan ni Augusto. Isa lamang siyang marangal ng mamamayang Romano na may hawak ng pagkakonsulado. Naging Pontifex Maximus si Augusto matapos mamatay si Marcus Aemilius Lepidus noong 13 BC. Nang lumaon, kapangyarihan lamang ang kailangan niya at hindi ang mga titulo.

 
Ang Labanan sa Actium ni Lorenzo A. Castro, 1672.

Ang Labanan sa Actium ang lumupig at nang lumaon ang naging dahilan ng pagpapakamatay nina Marco Antonio at Cleopatra. Ipinapatay rin ni Octavio ang batang anak ni Cleopartra kasama sa pagbabagsak sa pamumuno ni Tolomeo XV Caesarion. Sinasabing si Cesario ang kaisa-isang anak ni Julio Cesar. Sa pagpatay ni Octavio kay Cesario, nawalan siya ng karibal sa trono na may dugo ni Julio Cesar. Sinimulang baguhin ni Octavio, na ngayo’y nag-iisang namumuno ng Roma, ang mga balangkas nitong militar, piskal at pampolitika. Ginawa ito upang patatagin at patahimikin ng mundong Romano at lubos na tanggapin ang bagong rehimen.

Nang umupo si Octavio bilang puno ng mundong Romano, ginawaran siya ng Senadong Romano ng pangalang Augusto. Inangkin rin niya ang titulong imperator “ulong komandante” bilang pangalan. Ito ay isang kataga noon pang panahon ng Republika at nang lumaon ay uminog sa katagang emperador.

Bilang ampong tagapagmana ni Cesar, ginusto ni Augusto na tawagin rin siya sa pangalang ito. Bahagi raw ang Cesar sa apelyido niya. Ang pamumuno ng Julio-Claudio ay tumagal nang may isang siglo (mula kay Julio Cesar noong gitna ng siglo 1 BC hanggang kay Emperador Nero noong gitna ng unang siglo AD). Noong dumating ang Dinastiya ni Flavio, ang reino ni Vespasiano at ng dalawa niyang anak na si Tito at Domiciano, uminog ang katagang Cesar mula bilang isang apelyido, Im facto hanggang maging isang pormal na titulo. Matutunghayan pa rin magpahanggang sa kasalukuyan ang mga hinalaw na titulo mula rito (tulad ng czar at kaiser).

Ang bilang ng lehiyong Romano, na sumukdol sa halos 50 dulot sa mga giyera sibil, ay bumaba sa 28. Marami rito ang binuwag lalo kung saan hindi tanto ang katapatan,. Ang ibang lehiyon ay pinagsama tulad ng ipinahihiwatig ng titulong Gemina (Kambal). Nagbuo rin si Augusto ng siyam na espesyal ng cohorts na maliwanag na ginawa upang mapanatili ang kapayapaan sa Italia at kung saan mga tatlo rito ay naka-himpil sa Roma. Ang mga cohorts na ito ay tinawag ng Guardyang Praetoria.

 
Ang Imperyong Romano sa kaniang pinakamakapangyarihang panahon 117 AD.

Natanto ni Octavio na maraming daang taong nang hindi nararanasan ng mga Romano ang autokrasya at paghahari, at kaya nangingilag sila sa kanya. Hindi niya gustong tingalain siya bilang isang diktador. Kanyang pinanatili ang ilusyon na isang republikang konstitusyonal ang pamahalaan. Kanyang ipinakita na parang gumagana pa ang batas ng Republikang Romano. Kahit na ang ibang nakalipas na mga diktador tulad ng malupit na si Lucius Cornelius Sulla, maikling panahon lamang (hindi hihigit sa isa o dalawang taon maliban kay Julio Cesar) , ang pamumuno nila sa Roma. Noong siglo 27, opisyal na sinubukan ni Octavio na ilipat ang lahat ng extraordinaryong kapangyarihan niya sa Senadong Romano. Sa isang pagkukunwari, kaalyado niya ang mga senador noong panahong iyon at kaya’y nagmakaawa sa kanya na sa kanya na lamang ang mga kapangyarihang ito para sa kapakanan ng republika at bayan ng Roma. Naiuulat ang pagtatangkang pagbaba bilang isang konsulado ni Octavio ay nagdulot ng kaguluhan sa mga Plebiano sa Roma. Isang kompromiso sa pagitan ng Senado at ni Octavio ang napagkasunduan na tinawag na Unang Kasunduan. Ang kasunduang ito ang nagbigay ng lehitimong pamumuno ni Augusto bilang isang autokrata ng bayan at nagtatalaga na hindi siya tatawaging malupit na puno na naging simula ng mahabang panahon na tatawing Pax Romana.

 
Isang Romano na nakasuot ng toga

Hinati ni Octavio sa pagitan niya at sa Senado ang pamamahala ng mga lalawigan. Ang mga hindi masupil ng lalawigan sa mga hanggahan kung saan nakahimpil ang kalakhan ng sandatahang pandigma ay nasa ilalim ng mga legadong imperyal na pinili ng mismong emperador. Tinawag ang mga probinsiyang ito na probinsiyang imperyal. Ang mga gobernador ng mga mapayapang probinsiyang senatorial ay pinili ng Senado. Mapayapa ang mga probinsiyang ito na nangangailan lamang isang lehiyon tulad ng lalawigan ng Africa.

Sa pagsubok napagsanggalang ang paligid ng imperyo sa mga ilog ng Danube at Elbe, iniutos ni Octavio na lusubin ang Illyria, Moesia, at Pannonia (timog ng Danube), at Germania (kanluran ng Elbe). Noong una, ang lahat ay ayon sa plano ngunit disastre ang sumunod. Ang mga tribo ng Illyrio ay nagsipag-alsa na kailangang lupigin. Ang tatlong sandatahang liga sa ilalim ni Publius Quinctilius Varus ay tinambangan at nilupig sa Labanan sa Kagubatan ng Teutoburgo noong 9 AD ng mga barbarong Aleman sa pamumuno ni Arminius. Maingat na binantayan ni Augusto ang buong teritoryo nito sa kanluran ng Rhine at nakuntento na lamang siyang gumanti sa pamamagitan ng panloloob. Ang ilog ng Rhine at Danube ang naging permanenteng hanggahan ng imperyong Romano sa timog.

Prinsipado at Dominado

baguhin

Tradisyonal na ipinakikita ng mga mananalaysay ang pagkakaiba sa pagitan ng Prinsipado, ang panahon na sumunod kay Augusto hanggang sa Krisis ng Siglo 3, at Dominado, ang panahon mula kay Diocletiano hanggang sa katapusan ng imperyo sa kanluran. Ayon sa pagkakaibang ito, noong Prinsipado (mula sa salitang Latin na princeps, “unang mamamayan”) ang katotohanan ng absolutismo ay pormal na nakakubli sa pormang gobyernong republikano habang noon namang Dominado (mula sa salitang dominus “panginoon” o “may-ari”) lantad ang imperyong kapangyarihan na may koronang ginto at mabulaklak na pang-imperyong rituwal. Kamakailan, itinatag ng mga mananalaysay na ipinahihiwatig ang situwasyon ito: ang ilang porma ay nagpatuloy hanggang panahong Bizintino, libong taon matapos itong lalangin. Ang pagpapakita ng imperyong kortes ay karaniwan na sa simula pa man ng Imperyo.


Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Taagepera, Rein (1979). "Size and Duration of Empires: Growth-Decline Curves, 600 B.C. to 600 A.D." Social Science History. 3 (3/4): 125. doi:10.2307/1170959. {{cite journal}}: Check |first= value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. John D. Durand, Historical Estimates of World Population: An Evaluation, 1977, pp. 253-296.
  3. "Roman Empire -- Britannica Online Encyclopedia". www.britannica.com. Nakuha noong 2008-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Roman Empire," Microsoft Encarta Online Encyclopedia 2008
  5. Abbot. 293 - Imperyo Romano
  6. Walter Scheidel: Population and demography, Princeton/Stanford Working Papers in Classics, Version 1.0, April 2006, p. 9

Bibliyograpiya

baguhin