Krisis ng Ikatlong Siglo

Ang Krisis ng Ikatlong Daangtaon o Krisis ng Ikatlong Siglo (tinawag ding "Anarkiyang Hukbo" o "Krisis Imperyal") (235–284 AD) ay isang panahon na kung saan ang Imperyo Romano ay malapitán nang bumagsak sa ilalim ng mga magkasamang suliranin ng paglusob, digmaang sibil, sakit, at pagbagsak ng ekonomiya. Ang kriris ay nagsimula sa pagkamatay ni Emperador Alexander Severus sa kamay ng kanyang sariling mga hukbo na naghudyat ng isang limampung-taong panahon na kung saan nagkaroon ng 20 hanggang 25 taong umangkin sa titulo ng Emperador Romano. Sa panahong 258-260, ang imperyo ay nahati sa tatlong nagtutunggaling mga estado, isa aya ang Imperyong Galliko na binubuo ng mga lalawigang Romano ng Gaul, Britannia, at Hispania; at ang Imperyong Palmyrene na binubuo ng mga silangang lalawigan ng Syria Palaestina at Aegyptus na kung saan ang dalawang mga estadong ito ay naging malaya sa Imperyong Romano na nakatuon sa Italia at nasa pagitan nila. Ang krisis ay natapos sa pagiging Emperador ni Diocletian.

Ang Krisis ay nagbunga ng napakamasidhing mga pagbabago sa mga institusyon, lipunan, buhay ekonomiko, at hindi nagtangal, relihioyn ng Imperyo na tulo-tuloy na nakikita nga mga historiko bilang ang pagbabago sa pagitan ng mga bahaging kasaysayang Classical antiquity at Late antiquity.

Kasaysayan

baguhin

Ang kalagayan ng Imperyong Romano ay naging malubha noong 235 AD, na si Emperador Alexander Severus ay pinaslang ng kanyang mga sariling hukbo. Ang mga lehiyong Romano ay natalo habang lumalaban laban sa mga taong Aleman na nagnanakaw sa mga hangganan ng Imperyo habang ang emperador ay nakatuon sa mga suliranin na hindi pa malubha sa panahong ito na nanggaling sa Imperyong Persang Sassanid. Ginagabayan ang kanyang mga hukbo sa sarili niya, ang hakbang ni Alexander Severus ay diplomasya at pagbabayad ng tributo upang mabilis na makapagkapayapaan sa mga pinunong Aleman. Ito ay marahil nakapagbigay sa kanya ng galamng mula sa kanyang mga hukbo na marahil ay nararamdaman na dapat nilang parusahan ang mga tribong ito na lumalagpas papunta sa teritoryo ng Roma.

Sa mga taong sumusunod matapos mamatay ng Emperador, ang mga heneral ng sandatahang Romano ay nakipaglaban laban sa isa't-isa para sa pamamahala ng Imperyo at kinalimutan ang kanilang mga tungkulin at pananagutan sa paglaban ng mga lumulusob na banyagang mga tribo. Ang mga lalawiganin ay naging biktima ng mga madalas na paglusob ng mga banyagang mga tribo tulad ng mga Carpi, Goth, Vandal at Alaman sa mga dalampasigan ng mga ilog ng Rin at Danube sa kanlurang bahagi ng Imperyo pati na rin ang mga atake mula sa mga Sassanid sa silangang bahagi ng Imperyo. Karagdagan pa, noong 251, ang Sakit ni Cyprian (marahil ay bulutong) ay naging malubha na nakadulot ng malakihang pagkamatay na maaaring nakaapekto sa kapangyarihan ng Imperyo na ipagtanggol ang sarili nito.

 
Ang hatîng Imperyo noong 271 AD

Noong 258, ang Imperyong Romano ay nahati sa tatlong nagtutunggaling mga estado. Ang mga lalawigang Romano ng Gaul, Britanya at Hispania ay humiwalay upang mabuo ang Imperyong Galliko at dalawang taong lumipas, sa taong 260, ang mga silanganing lalawigan ng Syria, Palestina at Aegyptus ay naging malayang Imperyong Palmyrene na sa pagitan ng dalawang humiwalay na imperyo ay ang Imperyong Romano na ang sentro ng kapangyarihan ay sa Roma, Italya.

Isang paglusob ng malakihang mga pangkat ng mga Goth ay natalo paatras sa Digmaan ng Naissus noong 269. Ang panalong ito ay mahalaga sa pagbabagong-anyo ng krisis na kung saan isang serye ng mga malalakas na sundalong-emperador ang nakakuha ng kapangyarihan. Mga panalo ni emperador Claudius II Gothicus sa loob ng dalawang magkakasunod na taon ang nakapagabalik ng mga Alaman at nakuha ang Hispania mula sa Imperyong Galliko. Nang namatay si Claudius noong 270 dahil sa sakit, si Aurelian, na ang namuno sa mga hukbo sa Naissus ang sumunod sa kanya sa pagiging emperador at ipinagpatuloy ang pagbabalik-anyo ng imperyo.

Namuno si Aurelian (270-275) sa mga pinakamalubhang mga krisis na tinalo ang mga Vandal, Visigoth, mga Palmyrene, Persa (Persian) at ang natitira pa sa Imperyong Galliko. Sa katapusan ng 274, ang Imperyong Romano ay napag-isa sa iisang estado at ang mga hukbo sa mga hangganan nito ay naibalik. Isang siglo pa ang lilipas bago muling mawala sa Roma ang kapangyarihang hukbo laban sa mga panlabas na kalaban nito. Ngunit dahil sa mga dose-dosenang mga lungsod na dating mayayaman, lalo na sa Imperyo sa Kanluran ang nawasak, nagkalat ang mga populasyon nila at sa pagbagsak ng ekonomiya, ang mga ito ay hindi na maibabalik pa. Ang mga malalaking mga lungsod at bayan, kahit ang Roma mismo, na hindi kinailangan ng pagtatanggol sa loob ng maraming mga siglo ay ngayo'y napalilibutan ng mga makakapal na mga harang at pader.

Kahit na malaki ang ginampanan ni Aurelian sa pagbabalik ng pagpapatibay ng mga hagganan ng imperyo mula sa mga panlabas na pagbabanta, napakaraming mga suliranin pa rin ang nanaig. Tiyak na ang karapatan ng pagsunod sa nakaraang emperador ay hindi naging malinaw sa Imperyong Romano, na nakadulot ng mga tulot-tuloy na mga digmaang sibil dahil sa mga nagtutunggaling mga pangkat ng hukbo, ang Senado at ang ilang mga partido ay nagbigay ng kanilang mungkahi na kung sino ang magiging emperador. Isa pang isyu ay ang dambuhalang laki ng imperyo na naging mahirap na pamunuan ng isang pinunong aristokrato na malagpasan ang maraming mga suliranin nang sabay-sabay. Ang mga magkakasunod na suliranin na ito ay matutugunan ni Diocletian na makapagbibigay ng pagkakataon na mabuhay pa ang Kanlurang Imperyo ng isa pang siglo at ang Silangang Imperyo ng isa pang isang libong taon.

Mga sanggunian

baguhin
  • Klaus-Peter Johne (ed.), Die Zeit der Soldatenkaiser (Akademie Verlag, Berlin, 2008).
  • Alaric Watson, Aurelian and the Third Century (Taylor & Francis, 2004) ISBN 0-415-30187-4
  • John F. White, Restorer of the World: The Roman Emperor Aurelian (Spellmount, 2004) ISBN 1-86227-250-6
  • H. St. L. B. Moss, The Birth of the Middle Ages (Clarendon Press, 1935, muling inilimbag ng Palimbagan ng Unibersidad ng Oxford, Enero 2000) ISBN 0-19-500260-1
  • Ferdinand Lot, End of the Ancient World and the Beginnings of the Middle Ages (Harper Torchbooks Printing, New York, 1961. Unang paglilimbag sa Ingles ni Alfred A. Knopf, Inc., 1931).