Prinsipado
Ang Prinsipado o Principate (27 BC – 235 AD) ay ang unang yugto ng Imperyong Romano, nagsimula mula sa paghahari ni Agusto Cesar hanggang sa Krisis ng Ikatlong Siglo, kung saan is pinalitan ito ng Dominado.
Yugto
baguhinSa Prinsipado, pinamumukha ng mga Emperador Romano na hindi parin natatapos ang Republikang Romano. Nanggaling ito sa Latin na princeps, na may kahulugang chief o una, ang pampolitika na aspekto na umiiral noon ay kung saan itinuturing ng mga Emperador na sila mga "nangunguna sa mga tao" o "primus inter pares/first among equals" sa mga Romano. Sa madaling salita, hindi parin itinuturing ng mga Emperador Romano ang sarili bilang emperador bagkus sila raw ay mga mataas na mamamayang Romano.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.